Huminga ako ng malalim bago lakas loob na naglakad palapit sa kanya. Habang ginagawa ko 'yun, humahampas sa akin ang malamig na hangin na mas lalong nagpapakabog ng aking puso.
Nanlalamig din ang aking kamay at pilit na ngumiti bago tuluyang makalapit sa kanya.
"Mr. Lim," kabadong tawag ko rito. Lumingon naman siya sa akin at blanko akong tinignan. Ibinaba niya rin ang hawak niyang wine glass bago nagsalita.
"Yes, Ms. Farrow?"
Farrow.
Sabi ko sa aking isip pero nanatili pa rin ang ngiti sa aking labi.
"May sasabihin ka ba?" dagdag niyang tanong habang nakatitig sa akin. Pinagtaklop ko pa ang kamay ko bago humugot ng lakas para magsalita.
"Pwede ba tayong mag-usap?" alanganin kong tanong.
Mataman niya akong tinignan at pinagmasdan. "May kailangan pa ba tayong pag-usapan, Ms. Farrow?" tanong niya na ikinanginig kaunti ng labi kong nakangiti.
Bakit ba ganyan ka?!
May inis kong sabi sa aking isipan.
"Hihintayin kita sa pool area dito sa cruise ship," sabi ko at tumalikod na para lumayo sa kanya.
Sa paglayo kong 'yon, doon pa lang ako nakahinga ng malalim. Pinanatili ko rin ang tayo ko bago mabilis na pumunta sa pool area. Nakita ko pa si Ivory na nakangiti sa akin at pilit na pinapalakas ang aking loob sa ngiting binibigay niya.
Tumango lang ako ng kaunti bago lumabas doon at tahakin ng tuluyan ang daan papunta sa pool area. Pagdating ko, mas malakas at malamig na hangin ang sumalubong sa akin.
Hindi ko na lang pinansin ang lamig at huminto malapit sa gilid ng pool. Napatingin din ako sa madilim na kalangitan na ngayo'y nababalutan ng mga kumikinang na bituin sa itaas.
"Anong sasabihin mo?" biglang sabi ng isang boses na nagpahinto sa akin sa pagtingin sa kalangitan.
Napalingon din ako roon at nakitang papalapit siya sa akin. Hinintay ko lamang siyang makalapit sa akin na huminto mismo sa aking harapan.
Hanggang ngayon, hindi pa rin siya ngumingiti sa akin at tanging blanko at malamig na tingin ang ibinibigay niya. Pero hindi ko 'yun pinansin at mas lumapit pa sa kanya. Hindi naman siya gumalaw sa kinatatayuan niya sa paglapit kong 'yon.
"W-wala na ba tala-ga?" hirap kong tanong habang nakatitig sa mga mata niya.
"Ms. Far--"
"Lim. Mrs. Lim," pagpuputol kong sabi at hinawakan ang isa niyang kamay. "Hindi mo na ba ako tatawagin ng ganun, Mr. Lim?" sabi ko at hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay.
Hindi naman siya nagsalita at marahas na binawi ang kamay niyang hawak ko. Napatawa pa ako ng mapait sa ginawa niya bago muli siyang tignan.
"Kung wala ka ng sasabihin pang iba... mauuna na ako," sagot nito't tinalikuran ako.
"Pito," sabi ko na nagpahinto sa kanya sa paglayo.
"Naalala mo pa ba?" dagdag kong sabi habang nakatingin sa likod niya.
"The seven steps you made, that day on the city lights. You said to me that I should remember it, that I should remember that day because that seven steps will be the reason for you. For you to reach me, hold me, but most especially... be with me like what you've said. Do you remember it Mr. Lim?" mahaba kong sabi pero hindi pa rin ito sapat para siya'y lumingon sa akin kaya naman ngumiti ako.
"I want you to come with me, Mr. Lim... I want you to take that seven steps just to be with me," mahina kong sabi na sapat na upang marinig niya bago humakbang palayo sa kanya.
"One." Paunang bilang ko.
"Two."
"Three."
"Four."
"Five."
"Six."
At bago ko masabi ang panghuling bilang saka pa lang siya lumingon sa akin. Hindi pa rin nagbabago ang tingin niya pero hindi ako maloloko ng mga mata niya dahil nakikita ko... nakikita kong iba ang sinasabi nun sa akin.
"Will you take that steps Mr. Lim?" nakangiti kong sabi bago gawin ang huling hakbang palayo sa kanya.
"Seven."
Huling bilang ko bago maramdaman ang sarili kong bumagsak paibaba sa napakalalim na pool. Una ko ring naramdaman ang lamig na nagmumula rito, pero hindi ko 'yon pinansin at tumingin sa itaas.
Pa unti-unti, lumulubog na ako paibaba at para bang naging tahimik ang paligid ko ngayong nandito na ako sa ilalim ng pool.
Hindi ako gumalaw at hindi ko rin sinubukang humingi ng tulong. At kahit na pumapasok na lahat ng tubig sa aking bibig at ilong hindi ako gumalaw para isalba ang aking sarili.
Dahil alam ko... alam kong pupuntahan niya ako dahil siya parin ang Mr. Lim ko.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Ang storyang ito ay pawang imahinasyon lamang ni author. Kung ika'y nagdadalawang isip na magpatuloy sa pagbabasa. Sige magpatuloy ka lang hahaha. Lahat ng mababasa mo dito ay hindi makatotohanan at nanggagaling lamang sa utak ni author.
Bawal ang PLAGIARISM ok?
Plagiarism is the "wrongful appropriation" and "stealing and publication" of another author's "language, thoughts, ideas, or expressions" and the representation of them as one's own original work.
Sabi ni manong google.
Hindi po ganun kagaling ang author kaya sorry po hahaha. Pero sinisiguro po niya na patuloy niya pong i-eedit ang mga gawa niya. Kung may mababasa po kayong typos at wrong grammars pasensya na po. Pero sa ngayon, asahan niyo po muna ang mga typos at wrong grammars na iyong makikita.
Asahan niyo din po na baka mabagal ang updates na gagawin ni author. Dahil simula na po nang kanyang klase. Ngunit inyong asahan na tatapusin niya po ito. Kaya kitakits nalang hanggang sa huling pahina nang librong ito.
And as always, stay safe!!!
~Joyang
You can follow or message me here:
Facebook: Yojang Lo
Twitter: @joyang_2701*Salamat sa gumawa ng napakagandang book cover Somniate_2007 all the credits is on to you. Stay safe❤❤❤.*
BINABASA MO ANG
Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETED
RomanceMatinding paghihirap at mga rebelasyon ang muling dinanas ni Caroline. Kung saan sinukat nito ang kanyang tatag. Lalo na noong nahanap na niya ang lalaki sa likod ng mga regalo't sulat na kanyang natatanggap. Hindi niya rin inaasahan ang magiging t...