7

454 28 1
                                    

Caroline's POV. 

"Kaya iniwan niyo ako kasama siya?" may inis kong sabi kay Mara.

"Hindi ka namin pwedeng isama pabalik sa mansion dahil sa mga Valdez na 'yun lalo na't ikaw ang pakay nila," sagot niya.

Napabuga ako ng hangin upang alisin ang inis sa nangyari. "Akala ko ba ubos na sila? Bakit bigla na naman silang lumitaw?" 

"'Yun ang aalamin namin."

"Tama na 'yan... magpahinga ka na, Atticus dalhin mo na siya sa kwarto niyo." Utos ni tanda na nakaupo sa gitnang upuan. 

"Caroline tara na," sabi ni Atticus at inaalalayan ako.

Hindi ko sila pinakinggan. "Sinasabi niyo bang pwedeng maulit ang nangyari noon dahil sa bwisit na paglitaw ng mga Valdez?" 

"Makinig ka na lang sa akin Caroline at magpahinga ka na," iwas na sagot ni tanda. 

"Hindi ako magpapahinga hangga't hindi niyo sinasagot ang tanong ko. Tatlong taon silang walang paramdam, tapos ngayon lilitaw sila?"

Katulad ng gagong Lim na 'yun.

"Hindi mauulit ang nangyari sa nakaraan dahil hindi namin hahayaan 'yon. Huwag mo ng alalahanin pa ito at magpahinga ka, bumalik ka rito sa Pilipinas hindi para isipin ang mga basura kaya magpahinga ka na," mahinahon niyang sabi. 

Tinignan ko pa silang lahat bago sila talikuran.  "Siguraduhin niyo lang dahil mukhang isa pa nilang pakay ang matagal na nating hawak na kasamahan nila noon," seryoso kong sabi.

Umalis na ako kasama si Atticus sa silid na 'yon pero agad ding napahinto nang harapin ko si Atticus na nakasunod sa akin.

"Bakit? May nararamdaman ka bang masakit?" agad na tanong ni Atticus sa biglaang paghinto ko.

"At bakit nakisali ka sa paghabol sa mga dagang 'yun?" nakahalukipkip kong sabi.

Sinabi kasi nila sa akin na kasama si Atticus sa paghabol na naganap sa labas ng mansion at sa totoo lang... hindi ako natuwa sa kanyang ginawa.

"Akala ko ba busy ka sa clothing line mo next week? Bakit ngayon nakikisama ka na? Kailangan mo ba talagang sumama pa? Dapat naiwan ka rito, paano kung may nangyari sa'yo?" sunod-sunod kong tanong.

Napangiti lang naman siya-t lumapit sa akin para ako'y yakapin. "Masyadong nag-aalala ang asawa ko glad to hear that," tumatawang sabi nito. 

"Malamang, sino ba namang asawa ang matutuwa sa ginawa mo? Sa susunod pagde-design sa damit na lang ang atupagin mo huwag kung ano-ano," sabi ko at humiwalay sa yakap niya. 

"Kailangan kitang protektahan kaya ginawa ko 'yun."

"Kahit na, subukan mo lang na gawin ulit 'yun idi-divorce kita." 

"Hahaha... oo na. Hindi ko na uulitin, basta ipangako mo ring hindi mo na ako papaalisin kapag umiinom ka dahil ayokong lapitan ka ng kung sino-sino na lang. Nagseselos ako." Napatitig ako sa sinabi niya lalo na sa pagbalik ng mga nangyari kanina. 

"Basta ba malakas kang uminom," biro kong sabi upang ibahin ang usapan.

"Halika na at palitan natin ang benda sa kamay mo," tanging sagot niya na hinayaan ko lang nang hilain na niya ako. 

Ano na naman bang gusto ng mga Valdez? At hindi ba titigil si Isaac sa kakalitaw sa buhay ko? Dahil hindi na ako natutuwa.

》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》

Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon