37

378 22 2
                                    

Caroline's POV.

Pasulyap sulyap ako kay Isaac dahil hindi ako sigurado kung panaginip ba ang nangyari kagabi o hindi.

Paggising ko kasi, 'yon ang agad na pumasok sa aking isipan. Iniisip ko tuloy kung talaga bang panaginip o totoo. Kasi...

"Kung may sasabihin ka sabihin mo hindi yung parang mapuputol na yang leeg mo kakatingin sa akin," masungit niyang sabi na marahang inayos ang suot niyang glasses.

Agad kong binaba ang platong hinuhugasan ko saka umupo sa upuang kaharap niya para magtanong. "Kagabi ba pumunta ka sa kwarto ko?" seryoso kong tanong.

Humigop muna ito sa cappuccino na iniinom niya bago ako sagutin. Napalunok pa ako ng dilaan niya ang foam na dumikit sa kanyang labi.

Nakakainis naman! Hindi kasi ako sigurado.

"Hindi, bakit?" tinignan ko siya nang maigi kung nagsasabi ba ito ng totoo. Pero dahil sa blanko niyang mukha, hindi ko mabasa.

Ang galing naman nitong magtago. Kung hindi siya pumunta kagabi sa kwarto, ibig sabihin ba nun napanaginipan ko talaga siya?

Ang bastos naman ng panaginip mo Caroline!

"Ano bang ginawa mo kagabi para tanungin mo ako kung pumunta ba ako sa kwarto mo?" Halos magkadikit ang mukha namin sa isa't isa nang ilapit nito ang kanyang sarili sa akin.Tumaas pa ang sulok ng kanyang labi na para bang nang-iinis.

"Tell me Caroline, ano ba 'yon?" Nahihipnotismo ako sa mga titig niya kaya bago pa man may mangyari, tumayo na ako at bumalik sa lababo para maghugas.

"W-wala naman."

Grabe ka naman Caroline managinip. Iba ka, ikaw na talaga. Ganun mo na ba talaga kagusto na makasama siya para pati sa panaginip gusto mo siyang halikan?

Malakas na buntong hininga ang ginawa ko, ilang minuto pa lang akong naghuhugas nang magulat ako na nasa tabi ko na siya. Nakasandal ito sa gilid ng lababo habang nakahalukipkip na nakatitig sa akin.

"Ba-kit? May kai-langan ka?" alangan kong sabi sa kanyang hindi man lang kumurap sa tanong ko.

"Hindi ako pumunta sa kwarto mo kagabi pero may napanaginipan ako, gusto mong malaman?"

Bakit parang kinakabahan pa akong malaman ang panaginip niya?

Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon ang aking sarili sa paghuhugas. Wala naman akong pakialam sa panaginip niya, eh. May sari-sarili kaming panaginip kaya wala akong pakialam.

"Sa panaginip ko, naki-usap kang halikan ako. Kung naaalala ko... ganito ang sinabi mo, "Kiss me again, Mr. Lim please?", ganyan tama. Ganitong ganito ang sinabi mo sa panaginip ko."

Muntik kong mahulog ang hawak kong plato nang mapalingon ako sa kanya. Nakangisi ito kaya naman nagka-ideya ako na baka totoo ngang pumunta siya kagabi sa kwarto.

Kasi! Alangan namang parehas kami ng panaginip? O baka niloloko na naman ako nito? Nako naman! Ginugulo ng lalaking ito ang aking utak.

"May pagnanasa ka ba sa akin Caroline?" Bumilog ang aking bibig sa sinabi niya. Ang kapal naman nito.

"Ang kapal mo!" Hindi ko makapaniwalang sambit.

"Oh? Talaga? Sige nga, sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit tinatanong mo kung magkasama tayo kagabi sa kwarto? Sabihin mo dahil baka mamaya, pinagnanasaan mo na pala ako."

Gaano na ba kakapal ang mukha ng lalaking ito? Sa sobrang kapal ang sarap niyang ingudngud dito sa lababo.

"Napaka-kapal! Bahala ka na nga diyan!" Inis kong inalis ang dishwashing gloves na nilagay ko sa gilid ng lababo bago padabog na umalis sana.

Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon