19

348 24 2
                                    

Caroline's POV.

"Ako na."

"Hindi tulungan na kita."

"Hindi na nga, ayos lang."

"Hindi ayos kaya dun ka na lang."

"Hindi hindi, tutulungan kita." Kinuha niya ang mixing bowl sa akin pati ang ilang ingredients na kinuha ko bago lumayo.

Kung wala lang si Theo na nanonood sa amin hindi ko siya hahayaang tulungan ako.

"Anong cookies ang gusto mo Theo? Gusto mo ba ng oatmel cookie at chocolate?"

"Sige po kuya!" sabi ni Theo na busy sa pagguhit sa sketchbook niya. Sinabi niya kasing hihintayin niyang maluto ang cookies at habang ginagawa ko 'yun, guguhit muna siya para pampaalis bagot.

Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanila habang sinusuot ang isang apron. Tinali ko rin ang buhok ko at nagsimulang ayusin ang mga gagamitin.

"Gusto mo bang ikaw na ang bahala sa chocolate cookies at ako na sa oatmeal?" sulpot na sabi ni Isaac sa tabi ko.

"I-ikaw ang bahala," sagot ko at lumayo sa kanya. Masyado siyang malapit hindi ako kumportable sa presensya niya.

"Sige ganun na lang, sandali kunin ko lang 'yun." Napako ako sa kinatatayuan ko ng lumapit siya sa akin. Idaan ang kamay sa harapan ko para makuha ang measuring cup na nasa kabilang side ko.

Ramdam ko rin ang hininga niya na dumaan sa gilid ng leeg ko sa paglapit na ginawa niya.

Ang luwang naman ng space sa paligid, kailangan niya ba talagang dumikit pa sa akin para kunin ang measuring cu kung pwede namang dumaan na lang siya sa likuran ko tapos kunin 'yun?

"Nakuha ko na," nakangiti niyang sabi na tinignan pa ako ng ilang segundo bago lumayo.

Doon pa lang ako nakahinga ng maluwang at inis siyang tinignan. Sinadya niya 'yun halata naman, eh!

Kalma Caroline... kalma may bata kayong kasama kaya kalma.

Kahit na naiinis tinuon ko na lang ang atensyon ko sa paggawa ng cookies. Puro iwas din ang ginagawa ko sa tuwing lalapit siya sa akin pati kapag magtatanong si Theo na kasama ako. Hangga't maaari, ayokong magsalita baka mamaya may masabi akong hindi maganda.

Nang matapos ako, nilagay ko na sa loob ng oven ang tray na pinaglayan ko ng cookies at inorasan 'yun. Nilingon ko rin si Theo na tutok na tutok sa pagguhit kaya naman lumapit ako para silipin ang ginagawa niya.

Magsasalita sana ako at tatanungin kung anong ginuguhit niya ng makita ko ito. Ilang beses ko pang pinikit ang mata ko kung tama ba ang aking nakikita o sadyang nag-iimagine lang ako.

Nakikita ko kasi ang sarili ko sa sketchbook niya kasama si Isaac.

Tinignan ko ang phone na nasa tabi niya at mas nagulat ng makitang 'yun ang ginagaya niya. Ang litratong 'yun ay halatang kuha kanina, nang lumapit sa akin si Isaac para kunin ang measuring cup.

"Pano mo kinunan 'yan Theo?" biglang sabi ko na nagpahinto sa kanyang pagguhit.

"Kanina pa po kayo diyan?" alangan niyang tanong na tinakpan pa ang sketchbook kahit na nakita ko na ang laman.

"Sagutin mo ako Theo," kalmado kong sabi. Ramdam kong napatingin sa akin si Isaac dahil doon. Nakita ko kasi sa gilid ng mata ko ang pagtigil niya sa kanyang ginagawa.

"Gamit po ng cellphone, masama po ba?"

Oo Theo. Masama. Masamang masama na gusto kong punitin ang sketchbook na 'yan.

Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon