Author's POV.
Napuno ng sariling dugo ng matanda ang buong sahig. Napaupo na lang din si Caroline sa sahig na makita sa kanyang harapan kung paano nito kitilin ang sarili niyang buhay.
Hindi ito ang gusto niyang kahinatnan ng matanda. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, mula sa pagkuha nito sa baril na nahulog ng dalaga. Hanggang sa pagkalabit nito ng gatilyo sa baril na itinutok niya sa kanyang dibdib.
"T-This is not what I wanted you to do," umiiyak na sabi ni Caroline na nawalan ng lakas upang makatayo.
Nagsisisi siyang hinulog ang baril dahil gusto niyang pagbayarin ito na naaayon sa batas. Handa rin siyang pagbayaran ang mga kasalanang ginawa nila sa mga taong nadamay ngunit lahat ng 'yun ay nawala sa maagang pagkitil nito ng kanyang buhay.
Napayuko na lamang ang dalaga sa nangyari. Sunod-sunod na yabag ang kaniyang narinig na nagmumula sa labas ng silid kasunod ng ilang pagkatok at pagtawag sa kanyang pangalan.
"Caroline!" hingal na tawag sa kanya ni Ervin na walang hirap na nakapasok sa loob ng silid.
Kasunod nito sila Tristan na hindi makapaniwalang makikita nila ang dalaga na buhay lalo na si Isaac na napaatras pa sa paglingong ginawa ng dalaga sa kanila.
Sa pagtama ng kanilang mata, alam ni Isaac na gusto niyang puntahan ito't yakapin. Sabihing natutuwa siyang makita na buhay ang dalaga ngunit nawala ang pagkasabik. Kanyang pinigilan ito nang maalala na itinago sa kanya ng dalaga na buhay pa siya.
Masyado paring masakit para sa kanya na malamang wala na ito at ngayong nakikita niyang buhay pala ang kaniyang babaeng minamahal, hindi niya alam kung lalapitan niya ba ito o hindi.
"B-buhay ka," gulat na sabi ni Tristan.
Pinunasan muna ng dalaga ang kanyang luha saka tumayo na tinulungan ni Ervin. "Y-yeah... and this is the end of everything."
Patakbong lumapit sa kanya si Tristan na mahigpit itong niyakap. Pagod na ngiti naman ang binigay niya kay Brena na umiiyak na makita ang kanyang kapatid.
"Thank God! Thank you!!" may sayang sabi ni Tristan na kahit naiinis sa pagtago nito ng katotohanang buhay siya ay mas nangibabaw ang saya na buhay ito.
Pagkalas ni Tristan ng yakap sa dalaga, siya namang paglapit ni Brena sa kapatid niyang hinampas nito ng mahina sa braso.
"Gago ka! A-alam mo ba kung ga-ano kasakit sa amin na malamang patay ka?! T-tapos makikita ka namin dito? Gago ka talaga!"
Niyakap niya ang kanyang kapatid na para bang ayaw na niya itong pakawalan pa. "We will make sure this time you are safe Caroline... don't fight alone."
Matinding pagkasabik sa kanyang kapatid ang nararamdaman ng dalaga sa yakap nito. Ngunit hindi 'yun nagtagal sa pagdating ng ilang mga Lim na pinapangunahan ng mga elder na umaalalay sa kanila.
Walang salita-salitang niyakap ng isang elder si Caroline na patuloy pa rin sa pag-iyak. Galit man sila sa katotohanan, ang yakap ng isa sa kanila ang naging sagisag upang magbigay ng kanilang pasasalamat sa dalaga.
Hindi nila akalain na sa gabing ito, maiibsan ang galit ng kanilang pamilya sa dalawang pamilyang itinuring nilang kaibigan noon. At nakakasiguro silang magmula sa gabing ito, ang tatlong pamilya ay hindi na muling maglalaban laban pa.
"Carlo raised you as a good lady and the Castñeda clan has really made sure that you will be strong," mahinang bulong ng elder na nakayakap sa kanya.
Sinenyasan ng isang elder ang nakasunod sa kanilang tauhan na takpan ang bangkay ng inakala nilang pamilya nila. Masakit mang isiping nauto sila, wala na silang magagawa para parusahan ang taong kumitil mismo ng kanyang buhay.
BINABASA MO ANG
Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETED
RomanceMatinding paghihirap at mga rebelasyon ang muling dinanas ni Caroline. Kung saan sinukat nito ang kanyang tatag. Lalo na noong nahanap na niya ang lalaki sa likod ng mga regalo't sulat na kanyang natatanggap. Hindi niya rin inaasahan ang magiging t...