34

323 18 3
                                    

Caroline's POV.

"Sigurado ka ba sa gusto mo?" tanong ni Nalani sa akin. Walang pag-aalinlangan akong tumango. Isa pa, para naman kay Isaac ang gagawin ko.

"Okay, kung 'yan ang gusto mo pero sinasabi ko na sa'yo, walang kasiguraduhan na maiibsan ang nararamdaman nun. Siguro magiging masaya pero hindi niya ipapakita."

"Alam ko, kaya nga ako nandito diba?" Sabay kaming natawa bago maisipang tumayo mula sa pagkakaupo.

Iniwan ko muna sa Pilipinas sila Cairo para pumunta rito sa China. Namalagi muna ako roon ng isang linggo para ayusin ang death certificate kong buti na lang at hindi pa tapos na narehistro. Marami ein muna akong inasikaso kasama na ang nalalapit na hearing ng mga Valdez.

Isama niyo pa ang kalat na nangyari sa mansion ng mga Lim. Hindi muna namin ipinaalam sa media na buhay ako dahil alam kong pagguguluhan kami ng mga reporters.

Pareho naming pinagsang-ayunan ni tanda na ipaalam na lang ito kapag handa na ang empire na harapin ang lahat ng ibabato nilang katanungan. Maaaring ikasira ito kaunti ng empire pero alam ko ring tatayo at tatayo pa rin ito ng matatag. Kaya hangga't maaari, tahimik kaming kumikilos para roon.

"Kahit dito ka na magpalit alam kong alam na ng elders na nandito ka kaya ipinahanda nila ang kwartong tutulugan mo habang nandito ka. Kapag may kailangan ka pa, sabihan mo lang kami."

"Sige. Salamat." Tinanguan niya muna ako bago iwan.

Kinuha ko naman ang damit na binigay niya at sinuot ito. Ilang minuto lang ang nagamit ko sa pagpapalit bago naglakad palapit sa malaking salamin.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura ko o ano. Bumagay kasi sa akin ang maid's uniform ng mga Lim pero sa kabilang banda, natatawa pa rin ako sa aking gagawin.

"Kaya ko ba talagang gawin lahat ng iuutos niya?" Napakagat ako sa aking labi sa isiping ako ang tinoka nila sa paglilinis ng kwarto ni Isaac. Ako rin ang gagawa ng lahat ng kagustuhan nito.

'Yun nga lang, hindi pa 'yon alam ni Isaac. Iniisip ko tuloy kung anong magiging reaksyon niya.

Kumuha muna ako ng lakas ng loob bago lumabas sa kwarto. Nagsimula pang mamasa ng kaunti ang aking kamay nang marating ko na ang pinto ng kanyang kwarto.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko ba aalisin ang sakit na nararamdaman niya. Nagsinungaling ako, kaya kahit na sabihin kong kita ko ang saya sa mata niya noon. Hindi parin nun matatakpan ang katotohanang galit siya at sinaktan ko ito ng sobra-sobra.

"Para ito sa Mr. Lim mo." Pagpapalakas ko ng loob.

Pagkatok ko sa pinto, marahan kong pinihit ang doorknob saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob.

Pagbukas ko pa lamang, madilim na na kwarto ang bumungad sa akin. Parang hindi man lang nasinagan ng araw dahil sa saradong bintana na natatakpan ng malaking kurtina.

"Mr. Lim?" tawag ko rito nang hindi ko agad siya makita. "Ay jusko!" gulat ko pang sabi nang may matapakan ako.

Pagbaba ng aking tingin isa lang pa lang damit na nakabuhol. Pinulot ko ito at dumiretso sa basket na pinaglalagyan ng mga marurumi nitong damit.

"Wala ata siya," kamot ulo kong sabi nang wala talaga akong maramdaman o makitang anino. Maglilinis na lang siguro ako.

Binuhat ko ang lalagyan nang marurumi nitong damit at isa-isang nilagay sa loob ng basket. Inayos ko rin ang ilang gamit na pakalat kalat sa paligid bago ang kama nitong ubod ng laki. Pinalitan ko ang bed sheets pati na ang cover ng kanyang unan bago isunod ang kumot niyang mabango pa rin.

Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon