Stay safe everyone! I'll try to update more chapters. For now, ito muna dahil may ginagawa pa akong requirements for school.
Siguro mag a-update ako ng 3 chapters every week? Or kung kailan pwede hahaha.
Enjoy reading!!!❤❤❤
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Caroline's POV.
"Happy Anniversary," nakangiting salubong ni Atticus sa akin paglabas ko ng kwarto, may dala rin itong bulaklak na agad kong tinaggap.
"Geh, mauuna na ako take your time sa paglalambingan diyan," mapanuksong sabi ni ate paglabas niya ng kwarto.
"Nasa labas si Romulus, hinihintay ka," sagot ni Atticus na ikinatawa ko kaunti dahil namula siya agad.
"Sinabi kong kshshhzj," bulong niya habang palayo siya sa amin. Hindi ko na narinig ang iba pero napangiti na lang ako dahil nakikita ko siyang magkagusto sa lalaking mahal niya.
"So..." pagkukuha ng atensyon ni Atticus bago lumapit sa akin. Pinulupot niya rin ang kamay niya sa bewang ko na hinayaan ko lang.
"Anong so?" inosente kong sagot na nagpangiti sa kanya.
"Wala, tatanungin ko lang kung tara na ba sa labas. Naghih--"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang halikan ko siya panandalian. "Happy Anniversary tara na," sabi ko na ikinatulala niya saglit.
Pinindot ko pa ang ilong nito bago alisin ang kamay niya sa bewang ko at maglakad palayo sa kanya.
"Hey cactus! Tara na," muling tawag ko. Nilingon naman niya ako at ngingiting lumapit sa akin.
"Ulitin mo nga," parang batang sabi niya. Sinunod ko na lang ang sinabi niya at muli siyang hinalikan sa kanyang pisngi. Pinunasan ko pa ang parte na hinalikan ko dahil sa marka ng lipstick na naiwan doon.
"Bata," sabi ko matapos punasan 'yon gamit ng daliri ko.
Mas lumapad pa ang ngiti niya saka ako sinagot. "Hahaha... tara na."
Ikinawit ko ang aking kamay sa kanya at sabay na kaming lumabas ng mansion papunta sa garden, kung saan gaganapin ang anniversary party namin ni Atticus.
Sa aming paglabas, sinalubing kami ng simple pero magarbong desenyo ng garden. Inabot ko rin muna sa isang maid ang bouquet na agad naman nitong kinuha.
"Ayan na ang mag-asawa!" sigaw ni Lukariah sa gilid nang makita niya kami. At dahil sa sigaw niyang 'yon, napalingon ang lahat at sabay-sabay na tumayo para salubungin kami.
Nakita ko rin sila tanda na nakangiting sinalubong kami kasama ang magulang ni Atticus.
"Good evening," bati ko kayla tanda paglapit namin sa mesa nila. Humiwalay muna ako kay Atticus para lumapit sa magulang nito.
"Mom... dad." tawag ko sa kanila.
"You look stunning sweetie," puri ng nanay niya sa akin at nakipag beso-beso. Nginitian lang naman ako ng tatay niya bago ko hinarap ang ilan pang nasa mesa.
BINABASA MO ANG
Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETED
RomanceMatinding paghihirap at mga rebelasyon ang muling dinanas ni Caroline. Kung saan sinukat nito ang kanyang tatag. Lalo na noong nahanap na niya ang lalaki sa likod ng mga regalo't sulat na kanyang natatanggap. Hindi niya rin inaasahan ang magiging t...