20

386 23 2
                                    

Caroline's POV.

Tanging lakas lang ng tibok ng aking puso ang namamayani sa aking tenga pagkaalis niya. Hindi rin kumurap man lang ang aking mata at para bang hindi ako makapaniwala sa nangyari.

Iniisip ko ang huli niyang sinabi, iniisip ko kahit na wala naman talagang tumatakbo ngayon sa aking utak.

Hindi ko alam kung gaano katagal na nakatayo lang ako bago nagkalakas ng loob na umupo sa upuan. Nanlambot ang mga paa ko para sundan siya.

Nang makita ko ang ngiti niya kanina para bang kumirot ang puso ko. Sinasabing ang mga ngiting 'yun ang ginagamit niya para matago lahat ng kanyang sakit na nararamdaman.

Hindi ko man nalaman ang sagot sa tanong ko, sa sinabi pa lang kanina ni Lukariah natatakot na ako. Natatakot akong malaman ang gusto niyang sabihin at pagsisihan ang mga nagagawa ko kay Isaac.

"Ano ba talagang nangyari?" Aking bulong.

Ramdam ko ang nagbabadyang paglabas ng aking luha na sumasabay sa lakas pa rin ng tibok ng aking puso. Mahigpit ang pagkakataklop ng dalawa kong kamay habang nakasandal ang aking ulo rito. Pilit kong pinipigilan ang luhang papalabas sa aking mata, mga luhang hindi ko maintindihan kung bakit gustong lumabas.

"Caroline."

Hindi ko tinignan ang tumawag sa pangalan ko. Nanatili lang akong nakapikit kahit na kating-kati na akong sundan si Isaac para sana muling tanungin.

Umaasa na kapag ginawa ko 'yun ay may makuha na akong sagot.

Yumakap sa akin ang taong 'yun na naging dahilan para tuluyang kumawala ang mga luha sa aking mata. Sinandal niya ang aking ulo sa kanya na mas lalong nagpaiyak sa akin.

"Ssshhh... nandito na si, Ate," sabi nito na hinihimas ang aking buhok.

Napahawak ako sa kamay niya at sinubsob ang aking mukha sa kanya. "W-wala akong main-tindihan, Ate, w-wala..." umiiyak kong sabi.


"Huwag mong pilitin ang sarili mo, Caroline."

"Pero paano? Gusto kong malaman ang mga sinasabi nila pero ayaw nila akong sagutin ayaw niyang sagutin ang tanong ko." Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kanya at bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

Pinunasan niya ang luhang nasa aking pisngi saka ako tinitigan ng maigi. "Sabihin mo... ano bang sinabi niya sa'yo?"


"Na magtiwala ako sa kanya," sagot ko na ikinangiti niya.

"Kung sa tingin mo kaya mo siyang pagkatiwalaan, gawin mo Caroline. May dahilan siya kung bakit ayaw niyang sagutin ang tanong mo pero isa lang ang alam ko... mahal ka niya. Kaya 'wag mo na siyang itulak pa dahil sinasaktan mo lang ang sarili mo."

Mahal? Tiwala? Kaya ko ba talagang ibigay sa kanya 'yun? Kaya ko bang paniwalaan ang mga salita niya, kung hanggang ngayo'y wala akong ideya sa kung ano nga bang nangyari noong wala akong nakikita.


》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》

Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon