11

385 24 4
                                    

Caroline's POV.

"Matutuloy pa rin ang fashion show pero mas mabuti kung sa t.v niyo na lang papaanoorin," sabi ni Atticus.

Nandito kami ngayon sa garden para mag-dinner at kaming dalawa lang kung nagtatanong kayo.

Malungkot akong napatingin sa kanya. "Sayang naman yung ginawa mong isusuot namin kung hindi kami pupunta. Isa pa... gusto kong makita kang naglalakad sa runway."

"Kahit na gustuhin ko kayong isama mas mahalaga ang kaligtasan ninyo kaya dito ka na lang. Marami pa namang pagkakataon para maisuot mo, ninyo ang ginawa ko. Siguro kapag wala ng sagabal at ayos na ang lahat." Napabuntong hininga ako sa isiping hindi kami makakapunta ng personal sa mahalaga niyang araw.

"Hindi pwedeng ilipat?"

"Hindi hahaha.... kumain ka na para makita ni Kuya ang mata mo," nakangiti niyang sagot na pinunasan pa ang gilid ng labi ko gamit ng table napkin na nasa gilid niya lamang.

"Nga pala... balak ko na siyang pakawalan," pag-iiba ko ng usapan at pagpupunto sa taong laman ng kulungan sa underground.

"Bakit?" Tinignan niya ako ng may pag-aalala sa kanyang mata at malaking pag-aalangan sa tanong na kanyang binitawan.

"Naisip kong gamitin siya sa mismong angkan niya, huwag kang mag-alala may naiisip akong paraan para hanggang sa huli ayo pa rin ang susundin niya." Paniniguro ko.

Hinawakan niya ang kamay kong nakalapag sa mesa at hinawakan ito ng mahigpit. "Pero Caroline, hayaan mong sila Mr. Castañeda na ang tumapos sa kanila. Hindi mo na kailangang mangialam pa."

"Alam ko namang kaya nila tanda at may tiwala ako sa kanila, pero may mga taong nasa bingit ng kapahamakan. Isa na sila Ivory at ang mga taong kasama sa nangyari noon. Ayokong umupo lang dito ng walang ginagawa, kailangan ko silang protektahan dahil hindi ko na kaya pang mawalan ng mga taong mahalaga sa akin," sincere kong sabi na mas ikinahigpit ng paghawak niya sa kamay ko.

Binaba ko ang hawak kong kutsara na ginamit kong pang hawak sa kamay niyang nakahawak sa akin. "Ginagawa ko ito para na rin sa buong empire nang sa ganun, magkaroon na ako ng tahimik na buhay rito sa Pilipinas kasama ka... pati na rin sila Theo."

Ilang segundo siyang nakatingin sa akin bago ako tinanguan kahit na may pag-aalinlangan ang kanyang mata.


Isaac's POV.


"Ginagawa ko ito para na rin sa buong empire nang sa ganun, magkaroon na ako ng tahimik na buhay rito sa Pilipinas kasama ka... pati na rin sila Theo."

Napatingin sa akin si Romulus sa narinig namin kaya naman binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti.

Pinapunta ako rito ni Mr. Castañeda para pag-usapan ang balak namin. Nalaman ko rin kasing pumunta rito si Jiao na talaga nga namang ikinainis ko. Masyadong matigas ang ulo niya at ayaw magpapigil.

"Baka gusto mong pumunta sa bar dito sa loob ng mansion?" bulong sa akin ni Romulus.

"Sa pool area na lang," sabi ko habang nakatingin kay Caroline na todo ang ngiti na kinakausap si Atticus.

Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon