8

412 28 5
                                    

Caroline's POV.

"Ibig sabihin ba nun delikado na naman ang buhay mo?" tanong ni Ivory. Nandito kami ngayon sa garden ng restaurant niya nag-uusap para raw tahimik.

"Magmula ng akuin ko ang responsibilidad delikado na ang buhay ko," sagot ko.

"Pero... ganun pa rin 'yun, mas naging delikado dahil sa paglitaw nila," may pag-aalala niyang sabi.

Alam ko naman 'yun pero mukhang isa pa sa dahilan kung bakit sila lumitaw ay ang kagustuhan nilang higanti sa mga nalagas sa angkan nila. Ayokong isipin na baka madamay na naman ang ibang malapit sa akin pero mukhang 'yun ang mangyayari kung hindi ito matitigil ni tanda.

"Nakakasakit sa ulo, bakit sa tuwing babalik ako sa Pilipinas laging sakit na lang at problema ang dumadating?" natatawa ngunit may inis kong sabi.

"Pansin ko rin parang dati, ang babaw lang ng problema mo noong nasa university pa lang tayo. Pero ngayon, dinaig mo pa ang bida sa panood sa dami ng nangyayari."

Natawa ako sa sinabi niya pati ito at parang isang deja vù ang pangyayaring nangyayari. Para kasing sinabi na niya ang mga katagang kanyang binitawan.

"Nga pala..." kinuha ko ang isang envelope at nilapag sa mesang nasa harapan lamang namin. "Pinapabigay ni tanda, laman niyan ang mga kakailanganin mo para sa pagpapatayo ng mga bago mong restaurant."


May kaunting gulat niyang kinuha ang envelope. "Sobra-sobra na ang tulong na binibigay niyo sa akin," nahihiya niyang sambit.

"Kumpara sa ginawa mo noon, wala lang 'yan isa pa magkaibigan tayo." Napasandal ako sa upuan habang sinasabi ang mga 'yan. Pinanood ko rin ang ilang paro-parong lumilipad sa paligid.

"Ang ganda talaga sa pandinig ng salitang 'yan, ulitin mo nga."

"Nagbago na pala ang isip ko," biro ko. Umiling lamang siya sa sinabi ko't binuksan ang envelope.

"Ms. Farrow..." tawag sa akin ng isa kong tauhan. Inabot niya ang cellphone na kinuha ko't nilapit sa aking tainga.

"Caroline... its been years," malalim nitong sabi na nagpakunot ng aking noo.

Base sa boses niya, gumagamit ito ng kung anong bagay na nagtatago sa totoo nitong boses. Nilayo ko muna ang cellphone sa tainga ko at tinignan ang tumatawag ngunit nakitang number lang 'yon.

Malalim akong napabuntong hininga bago nilapit ang telepono sa tainga. "Hindi ko na tatanungin kung sino ka, sabihin mo na lang kung anong kailangan mo," seryoso kong sabi.

Umalingawngaw ang tawa niya sa kabilang linya at pa ulit-ulit na tinawag ang pangalan ko, nang-aasar ito sa tono ng kanyang boses.

"I'm back Caroline," huling sabi niya bago maputol ang tawag. Napakunot pa ang noo ko sa aking narinig.

"Sino 'yun?" tanong ni Ivory.
Napatayo ako sa pagkakaupo, sinenyasan ang isa kong tauhan na iabot sa akin ang tablet.

"Caroline sino 'yun?" pag-uulit na tanong Ivory.

"Hindi ko alam," tanging sagot ko.

Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon