Caroline's POV.
"You've changed a lot, Ms. Farrow or should I say Mrs. Montoya."
Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi niya. Ganun na lang din ang bilis ng tibok ng puso ko at kaunting kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib.
Nakatayo lang siya sa likuran ko pero ganun na kalakas ang impact niya sa akin.
"How are you?" casual niyang tanong bago lumapit sa akin at umupo sa katabi kong upuan. Napakurap pa ako sa sinabi niya't may kaunting inis siyang tinignan.
"Oh, Isaac nandito ka na pala," bungad na sabi ni Verone na ikinakunot ng noo ko.
"Kilala mo siya?" kunot noo kong tanong.
"Oo, lagi siyang nandito regular customer kumbaga. Ang aga mo ata ngayon?" sabi nito bago ibaba ang drink sa harap ko.
Ngumiti siya at hindi ako nilingon. "Hmm... may sinundan lang ako rito."
"Bago sa pandinig 'yan, ah? Yung dati pa rin ba?" natatawang sagot ni Verone. Tumango ito bago nagpahalumbaba sa counter at titigan ako.
Agad ko namang iniwas ang aking tingin at inis na tumayo.
Ngunit bago pa man ako makalayo, hinawakan ako ni Isaac sa kamay. "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko," nakangiti niya pa ring sabi.
Ano bang problema nito?
"Kung ako sa'yo Isaac, hindi mo hahawakan 'yan baka matulad ka sa hinampas niya kanina ng baso hahaha," puna ni Verone.
Parang wala naman siyang katakot takot na tumawa habang nakatitig sa akin. "Umiinom ka na? Sigurado ka bang kapag nalasing ka hindi ka na lang manghahalik ng kung sino-sino?"
"A-ano?!" hindi makapaniwala kong sabi bago marahas na bawiin ang kamay ko. Napalapit din sa akin ang tauhan ko na hinawakan si Isaac.
"Kilala mo ba siya Isaac?" tanong ni Verone na ikinalingon namin s akanya.
"She's my wife."
"Hindi ko 'yan kilala."
Sabay naming sagot. Kumunot ang noo ko dahil sa aking narinig na kusang sinamaan ko siya ng tingin.
"Ha?" may pagtatakang tanong ni Verone.
Ngumisi naman siya bago tanggalin ang kamay ng mga tauhan na nakahawak sa kanya, pero hindi nila ito hinayaang makawala.
"Hindi ata maganda na ginaganito mo ang asawa mo Mrs. Lim? Mrs. Lim dapat dahil hindi bagay sa pangalan mo ang Montoya."
"L-lim? Siya yung!!" gulat na sabi ni Verone at napatakip pa sa bibig nito.
"M-mrs. L-lim?" hirap kong sabi sa tawag na 'yun dahil sa tagal din ng panahon na hindi ko ito narinig.
Imbis na sagutin ko ang tanong niya, kinuha ko ang drink at binuhos sa mukha niya ang laman nun. Inis kong binasag ang glass sa counter na nakakuha ng atensyon mula sa iba.
"Hindi ko alam kung bakit mo alam na nandito ako pero 'wag na 'wag mo ulit sasabihin 'yan dahil... dahil hindi ako magdadalawang isip na..." putol kong sabi nang hindi ko na alam ang mga salitang gusto kong sabihin.
"Na pakasalan ako?" nakangisi niyang sagot kahit na tumutulo pa sa mukha niya ang drink na binuhos ko.
Napakapit ako ng mahigpit sa basag na glass na hawak ko na naging dahilan upang kusang binaon ang dulo nun sa aking palad. Naramdaman ko ang sakit doon, pero hindi ko 'yun pinansin at malamig siyang tinitigan. Hinayaan ko lang din na tumulo ang dugo pababa sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETED
RomanceMatinding paghihirap at mga rebelasyon ang muling dinanas ni Caroline. Kung saan sinukat nito ang kanyang tatag. Lalo na noong nahanap na niya ang lalaki sa likod ng mga regalo't sulat na kanyang natatanggap. Hindi niya rin inaasahan ang magiging t...