18

336 20 0
                                    

Caroline's POV.

"Kung ganun... gusto mo bang malaman ang dahilan? Dahilan kung bakit patuloy ko pa ring pinapatunayang mahal kita, Mrs. Lim," seryoso niyang sabi.

Hindi ako agad nakapagsalita. Sa pinapakita niya ngayon, parang gusto kong maniwala na totoo ang sinasabi niya na totoong mahal niya ako na totoo lahat ng mga pinapakita't sinasabi nito. Pero kahit ganun... ayoko pa rin siyang paniwalaan.

"Sige... sabihin mo, sabihin mo ang dahilan Lim," sabi ko nang makakuha ako ng lakas ng loob para muling magsalita.

"Dahil nararamdaman at nakikita kong mahal mo pa rin ako." Kumabog ng husto ang dibdib ko sa sinabi niya na para bang may sarili itong utak at alam ang tunay kong nararamdaman.

"'Y-yun? 'Yun a-ang dahilan m-m-mo?" hirap kong sabi. Pilit na pinapakalma ang aking dibdib sa lakas ng kabog nito.

"Sa lahat ng dahilan oo, Mrs. Lim 'yun ang dahilan ko." Huminga ako ng malalim sa sinabi niya umalis sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

"Kaya sana hayaan mo ako ulit, hayaan mo akong patunayang totoo lahat ng pinapakita ko Caroline." Huling sinabi niya bago ako tuluyang makaalis doon.

Wala akong maisagot sa sinabi nito kaya mas maiging umalis na lamang ako dahil para bang pa unti-unti'y naniniwala ako sa mga sinasabi niya.

Isaac's POV.


Hindi siya lumingon o huminto man lang sa sinabi ko pero hindi rin gumalaw ang dalawang paa ko para sundan siya.

"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Brena na mukhang kanina pa nanonood.

Lumapit siya sa akin at umupo sa upuang pinag-upuan ni Caroline. "Ano bang pumipigil sa'yo para sabihin ang lahat kay Caroline? Ha, Isaac? Ano?" nakahalukipkip niyang tanong.


"Dahil nasa kapahamakan siya."

Nang iinsulto siyang tumawa. "At sa tingin mo talaga hindi niya sisisihin ang sarili niya kapag nalaman niya ang totoo? Sa tingin mo ba... magkakalakas pa siya ng loob na harapin ka sa lahat ng mga sinasabi at ginagawa niya sa'yo ngayon?"

Naisip ko na 'yan. At sa ugali ni Caroline, hindi malabong ganun nga ang mangyari na isa pa sa kinakatakutan ko.

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yun," wala sa sarili kong sabi.

Napailing siya sa sinabi ko at nilapag ang isang telepono. "Desisyon mo 'yan. Kaya kita nilapitan ay dahil dito."

Kinuha ko ang telepono na nilapag niya at nakita ang isang article.


Mrs. Jiao Yang Lim reveals some photos of her husband's lover, Mr. Isaac Lim which is Mrs. Caroline Farrow Montoya, the CEO of luxurious brand FACE empire.

"'Yan sana ang lalabas na article ngayong araw at kung nagkataong hindi ito napigilan ni tanda, malaking decrease ang mawawala sa stocks ng buong empire dahil sa asawa mo."

Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon