38

398 22 5
                                    

"Welcome, thank you for coming tonight." Salubong ko sa mga taong nagugulat na makita ako. Ngunit kahit ganun, hindi sila nagtanong at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng cruise ship.

"Atticus," nakangiti kong tawag nang makita ko siya, hindi na ito nakasakay sa wheel chair at mas maayos na ang lagay niya.

Mabuti naman dahil makokonsensiya talaga ako ng sobra-sobra kapag nalaman kong hindi pa siya ayos.

"Hindi ba masyado naman atang revealing ang suot mo?" bulong niya sa akin nang makita ang kabuuan ko.

Nakasuot kasi ako ng red deep v-neck halter vackless slit dress na pinapalitan ko ng design. Imbis na maikli lang siya, pinagawa kong long gown bodycon na may slit pa rin pero hindi gaano kataasan. Nakuha ko ang design na ito sa internet na mura lang nilang binibenta.

Noong una sabi sa akin ni Ivory, bakit ito raw ang napili ko, eh may mas magaganda pa raw na iba. Oo meron nga pero hindi ko bet ang reveal nila. Kaya ang ginawa ko, pinakita ko sa designer ang gusto kong dress kaya naman agad niyang ginawa.

Ang pinagkaiba nga lang, mas mahal ang version ng dress na suot ko kaysa sa three-hundred pesos na nakita ko sa net dahil sa materials at bagong design na dinagdag ng designer. Dapat nga kay Atticus ako magpapatulong pero alam kong hindi siya papayag.

"Revealing pero kailangan ko ito para mapansin ni Isaac." Alangan niya akong tinignan na inalis ang suot niyang suit.

"Kahit na gusto mong magpapansin sa kanya... isipin mo na lang ang reputasiyon ng empire niyo. Isuot mo muna ito tapos saka mo alisin kapag nandiyan na siya." Sinuot niya sa akin ang black suit na suot nito bago nagpatuloy na pumasok sa loob. Napangiti na lang ako na pinanood siyang mawala sa aking paningin.

Sa kagustuhan kong mapansin ni Isaac, nakalimutan ko ng may imahe pala akong dapat alagaan. Nasa business industry ka pa rin Caroline, wala ka sa party na para lang sa mga nagsasaya.

"Ms. Farrow," may ngiting tawag sa akin ng pangalawang elder ng Lim family. Kasunod niya ang iba pa sa kanila kasama ang ilan sa mga Yang family na dadalo.

Hindi kalayuan, nakita ko na si Isaac na mukhang hindi pa ako napapansin.

I smiled. "Welcome Mrs. Lim, have a great night."

"I will sweetie." Nagkamayan lang kami saglit bago sunod-sunod kong sinalubong ang mga ito.

Maganda pala sa pakiramdam na ayos na kami, hindi ko man sila nakita noon ng matagal ang makita sila ngayon na may ngiti sa kanilang labi ay nagpapasaya na sa akin. Dahil kampante na ako na ang bagong simula ng partnership namin sa kanila ay paniguradong magkakaroon ng mas magandang kinabukasan para sa empire. Lalo na't binabalak na naming pagsamahin ang food empire ng mga Lim sa amin.

Pagkahinto ni Isaac sa harapan ko, kita kong pinagmasdan nito ang suot ko na nagpakunot kaunti ng noo niya.

Pasimple ko namang nilahad ang kamay ko para siya'y salubungin. "Welcome Mr. Lim, have a great night."

Pakiramdam ko hindi isang ngiti ang nagagawa ng aking labi kundi ngisi dahil sa kunot niya paring noo. Ikaw ang may kasalanan kaya ganito ang suot ko ngayon Isaac, kaya kung hindi pa rin ito epektibo para bumalik ka sa akin, ewan ko na lang.

"Is there a problem Mr. Lim?" Pagkukuha ko ng atensiyon niya na nagpabalik nang tingin niya sa akin. Nakita ko pang napalunok ito sa pag-ipit ko ng aking buhok sa likod ng aking tainga.

He's nervous.

"W-wala," iwas niyang sabi na tuloy-tuloy na naglakad papasok sa loob.

"Lagot ka niyan sa kanya," sabi ni Nalani na kasunod lang pala ni Isaac.

Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon