Caroline's POV.
Sinenyasan ko siyang tumigil sa pagsasalita, pinagmasdan ang mga papel na nakalatag sa malaking mesa.
"Base sa financial accounts nila, mukhang may tumutulong sa kanila dahil kung titignan... bankrupt na ang ilang businesses nila at baon na sila sa utang. Alamin mo kung sino ang nasa likod nito at sa akin mo sabihin lahat ng impormasyon na iyong makakalap, naiintindihan mo?"
"Yes, Ms. Farrow," nakayuko niyang sagot.
Lumayo na ako sa mesang 'yun at dire-diretsong pumasok sa isang kwarto kung saan naghihintay ang mga tauhan na pinapunta ko. Sila ang pinakamagaling sa lahat ng alagad na meron ang mga Castañeda at alam kong sila lang ang pwede kong gamitin para maprotektahan lahat ng taong malapit sa akin.
Pagpasok ko pa lang, nakaupo na silang lahat at halos sabay-sabay na tumayo para yumuko at magbigay galang. Hindi ko 'yun pinansin at mabilis na umupo sa pinakagitnang upuan.
"Alam niyo naman na siguro kung bakit ko kayo pinapunta rito," paunang sabi ko na kanilang sinang-ayunan. "Gusto kong mahati kayo sa bawat grupo at bantayan ang mga taong ibibigay ko sa inyo. Alam ko kung gaano kayo kagaling, pero ayoko ring makampanteng kaya niyo silang protektahan lalo na ngayon na mukhang may tumutulong sa kanila. Kaya naisip ko... makakasama niyo ang ilan sa mga pinakamagaling na tauhan ng FACE empire at bukas na bukas, darating sila."
Natahimik sila sa huli kong sinabi. Walang nagsalita o tumingin man lang sa akin kaya ako'y nagpatuloy sa pananalita.
"Alam ko kung anong nangyari sa pagitan ninyo pero hindi ito ang oras para isipin pa 'yun. Ito na ang una at huling beses na makakasama niyo sila kaya pagbutihin niyo ang pagbabantay na inyong gagawin. Sa oras na may mangyari sa kanila, hindi ako magdadalawang isip na bigyan kayo ng parusang hindi niyo makakalimutan, makakaalis na kayo."Nagsitayuan sila sa sinabi ko at isa-isang umalis. Hinayaan ko lang sila at pinanood kahit na halata sa mga mukha ang hindi pagsang-ayon sa aking desisyon. Kahit na hindi sila sumang-ayon, nasa akin pa rin ang huling desisyon.
"Ms. Farrow... nasa labas po si Mr. Lim, papasukin ko po ba?" nakayukong tanong ng isang tauhan na pumasok.
"Hayaan mo siya diyan sa labas, si Tristan ang kailangan ko," sagot ko habang nakatingin sa kwartong walang katao-tao kundi ako at ilang tauhan lamang.
Walang nagsalita matapos ko iyong sabihin at hinintay si Tristan na dumating.
"Kailangan mo raw ako? Bakit anong meron?" bungad na tanong ni Tristan na umupo sa upuang malapit lang sa akin pagdating niya.
Sinenyasan ko ang isa kong tauhan na iabot ang phone kay Tristan. "May natanggap akong message kaya naisip ko kung pwede kong gamitin ang tulong ng lost system."
Binasa niya ang message na natanggap ko kanina dahilan para sumeryoso ang kanyang mukha.
"Kailan mo ito natanggap?"
"Kaninang umaga lang at ang may ari ng number na 'yan ay matagal ng patay. Galing sa isang matanda na sa tingin ko'y ginamit para lituhin ako."
"Bukod dito... wala ka ng natanggap?"
"Kung ang gusto mong tanungin ay kung may nagpapadala sa akin katulad dati, wala 'yan lang."
BINABASA MO ANG
Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETED
RomanceMatinding paghihirap at mga rebelasyon ang muling dinanas ni Caroline. Kung saan sinukat nito ang kanyang tatag. Lalo na noong nahanap na niya ang lalaki sa likod ng mga regalo't sulat na kanyang natatanggap. Hindi niya rin inaasahan ang magiging t...