2

538 39 13
                                    

Caroline Farrow ( Kim Yoo Jung) ang nasa taas hahaha. Credits to the rightful owner of the picture. The author just did a little editation and used the picture as a reference for the character of this story.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Caroline's POV.

"Sarah..." tawag ko na ikinalingon niya.

Gulat siyang napalingon sa akin at masaya akong nilapitan. "Caroline?! Ikaw na ba 'yan?"

"Sarah 'wag kang tumakbo!" sabi ni Terrance na asawa nito habang sumusunod sa kanya.

Hindi niya pinakinggan ang kanyang asawa't mabilis na yumakap sa akin. Natawa pa ako ng kaunti sa pagtama ng malaki niyang tiyan sa akin.

"Oo ako ito at 'wag ka ngang tumakbo baka nakakalimutan mo buntis ka," sabi ko bago humiwalay ng yakap sa kanya.

"Hindi 'yan nakikinig sa akin." Sumbong sa akin ni Terrance.

Terrance Evans, siya ang lalaking nakita ko noong nasa Saint Lea's University pa ako. Ang lalaking nakausap noon ni Sarah sa labas ng condo niya at ang lalaking nakita ko noon sa mall kasama si Tristan.

Sa totoo lang, hindi na ako nagulat nang sabihin niyang ikakasal na siya last year at ipakilala sa akin si Terrance kung saan ikinasal sila sa Italy. Sa ngayon... anim na buwan na ang tiyan niya.

Napalingon si Saraha sa katabi ko. "Oh, Atticus, kasama ka pala niya. Hulaan ko... sinundan mo siya sa Spain noh?" natatawang sabi ni Sarah habang nakapulupot ang kamay niya sa aking kamay.

"Syempre kailangan kong sundan ang asawa ko." 

"Ang sweet naman," kinikilig na sabi ni Sarah na ikinailing ko. 

"Bakit? Hindi ba sweet 'yang asawa mo?" tanong ko habang nakatingin kay Terrance na nakasimangot.

"Hindi ko alam... tara na sa loob naghihintay na sila," sagot ni Sarah at hinila ako papasok sa hotel. 

"Sweet kaya ako!" angil pa ni Terrance na sumunod sa amin.

Sa aming pagpasok, sinalubong kami ng mga tauhan ng hotel na may ngiti sa kanilang mga mukha.

"Welcome back Ms. Farrow." Nakangiting salubong ng isa sa mga assistant ng hotel na nginitian ko pabalik.

Kung nagtatanong kayo kung anong hotel ang sinasabi ko, 'yun ay ang Morning Glory hotel. At oo nakatayo pa rin ito kahit na maraming nangyari sa nakaraan. Kahit nagkaroon ng malaking kontrobersya tungkol dito, sa huli nanatili itong nakatayo dahil 'yun sa empire na naglinis ng pangalan ng buong hotel.

Sa ngayon, si Sarah pa rin ang nagma-manage ng hotel sa England. Habang ang hotel dito sa Pilipinas, ay ako pa rin pero may katulong ako dahil na rin sa buong empire sa Spain na hinahawakan ko.

Ang sakop ng FACE empire ay ang mismong brand nito na FACE. Kung saan hindi lang iba't ibang hotel and resort ang nasa ilalim, kundi pati na rin ang mga mamahaling luxury items. Such as bags, make-ups, accesories and even shoes na talaga nga namang umaangat sa lahat ng mga brand sa buong mundo, at lahat ng ito ay naka-label sa buong empire.

Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon