Isaac's POV.
Bumaba ako sa kotse kung saan sinalubong ako ng mga tauhan ng pamilya namin. Nandito na ako sa China para gawin ang pabor na hiningi ni Caroline.
"Huānyíng huílái niánqīng de dàshī," sabay-sabay nilang sabi kasunod ng pagyuko nila.
Translation: Welcome back young master. (欢迎回来年轻的大师.)
Naglakad ako papasok ng mansion na hindi sila ganoong pinansin dahil hindi naman sila ang pinunta ko rito, kundi ang ilang elders na naghihintay na makalapit ako.
"Nǐ zài zhèlǐ zuò shénme?" bungad na tanong ng isa sa'kin.
Translation: What are you doing here? (你在这里做什么?)
Yumuko muna ako bilang paggalang kahit na galit ako sa kanila.
"To end everything," sagot ko pagkaangat ko muli ng aking tingin.
"Nín rènwéi wǒmen huì ràng nín ma?"
Translation: Do you think we will let you? (您认为我们会让您吗?)
"Dāngrán bùshì." Mataman nila akong tinignan dahilan para lumapit sa'kin ang isa sa kanila.
Translation: Of course not. (当然不是.)
"Then why are you here? I thought you said to him that you will never comeback?" sabi nito na pinupunto ang sinabi ko sa isang elder na pumunta sa Pilipinas para sana kunin ako pabalik.
"You heard what I said, I'm here to en--" natigil ako sa pagsasalita nang sampalin niya ako.
"Lock him." Walang emosyon nitong utos sa nakapalibot na mga tauhan sa'min.
Agad akong hinawakan ng mga inutusan niya at papalag sana nang maramdaman ko na lang na may tinurok sa'kin.
"It is not a good choice to return here for now... just sleep."
Ito ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.
Caroline's POV.
Naibaba ko ang kutsarang hawak ko sa kakaibang pakiramdam na bumalot sa buo kong katawan.
"May problema ba?" tanong ni Ate na kasama ko rito sa dinning room.
"W-wala," hindi ko siguradong sagot.
Ano ba 'yun? Bakit kinabahan ako bigla?
"Sigurado ka?" Kahit na may pag-aalangan tumango na lang ako bilang sagot at pinagpatuloy ang pagkain.
Itinuon ko ang aking sarili sa pagkain ngunit kahit na anong pag-alis ko ng aking nararamdaman, nandito pa rin 'to na para bang kailangan kong pagtuunan ng pansin sa hindi malamang dahilan.
"Caroline.. " tawag sa'kin ni Ate nang matapos akong kumain at tatayo na sana para puntahan si Gideon.
Bukas na bukas na kasi ang alis namin para pumunta sa bahay ng mga Valdez at gusto ko sanang kausapin siya ng masinsinan.
BINABASA MO ANG
Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETED
RomanceMatinding paghihirap at mga rebelasyon ang muling dinanas ni Caroline. Kung saan sinukat nito ang kanyang tatag. Lalo na noong nahanap na niya ang lalaki sa likod ng mga regalo't sulat na kanyang natatanggap. Hindi niya rin inaasahan ang magiging t...