Caroline's POV.
Maaga akong nagising para hatiran siya ng pagkain pero nadismaya ako nang hindi ko man lang siya maabutan sa kwarto niya. Kaya heto ako't binabalik ang tray sa kusina.
"Ms. Farrow?" salubong na tawag sa akin ng isang katulong na nakayuko sa harapan ko.
"What is it?"
"Mr. Lim wants to see you in the garden."
"He's in the garden?" Kaya naman pala wala siya sa kwarto.
"Yes, Ms. Farrow." Naalis kahit papaano ang pagkadismaya ko kaya nagpasalamat muna ako dito bago tahakin ang daan. At least, hindi masasayang ang pinaghirapan kong pagkain.
Nawala ang ngiti ko nang maabutan siyang kumakain. Kahit kailan talaga ang lalaking ito.
Sabagay, wala naman akong sinabing hintayin niya ako dahil may niluto akong pagkain. Ako na lang ata ang kakain ng niluto ko.
"Good morning, Mr. Lim." Pilit kong inalis ang pagkabagot sa boses ko na nagpalingon sa kanya sa aking direksiyon.
"What's that?" tanong niya na pinupunto ang hawak kong tray. Gusto kong sabihing para sa alaga nilang aso, kaso naalala ko... wala nga pa silang aso.
"Para po sana sa inyo pero sa akin na lang." Binaba ko ang tray sa mesa saka umupo para kainin ang laman nito.
Hindi niya ata inaasahan na gagawin ko ito pero hindi ko na lang siya pinansin. Pakiramdam ko, lumalabas ang dating Salvador sa patuloy kong pamamalagi rito. Hindi ko tuloy alam kung may nagbabago ba kahit na pangalawang araw ko pa lang dito.
Patience Caroline. Patience.
"At sinong nagsabing pwede mong kainin 'yan?" taas kilay niyang sabi nang patuloy lang ako sa pagkain.
Hinablot niya ang kutsara sa akin na may lamang pagkain na kanyang sinubo. Ginilid pa nito ang pagkaing nasa harapan niya at kinuha ang tray. Pagkatapos ay nilapag niya ang kinakain niya kanina sa harapan ko bago niya lamutakin ang hinanda kong pagkain.
"Kumain ka na may ipapagawa pa ako sa'yo." Kusang umangat ang gilid ng aking labi sa inakto niya.
Pinanood ko pa ito saglit na kinakain ang luto kong pagkain bago magpatuloy. Hindi pa rin pala niya ako kayang tiisin.
Marupok ata siya pagdating sa akin. Hihihi.
"Ano pala ang ipapagawa mo Mr. Lim?"
Brena's POV.
"Brena naman." Habol ni Romulus sa akin.Pano ba naman, sinabi kong 'wag na siyang sumama kay Lukariah pero hindi niya ako sinunod kaya 'yan. May ilang sugat sa mukha niya dahil ang baliw nilang kamag-anak, 'yun nakipag-away na naman. Kaya ngayon, alam ko na kung bakit bwisit ba bwisit si Caroline sa kanya.
"Dun ka! Huwag mo akong kausapin!" Tinaboy ko siya pero hindi siya nakinig. Patuloy pa rin siyang nakasunod sa akin kaya huminto na ako.
"Hindi ba pinigilan kita? Pero anong ginawa mo? Hindi ka nakinig diba? Kaya magdusa ka diyan!" Paalis pa lang ako, kinuha na niyang tiyansa ang paglalapit namin sa isa't isa upang hilain ako at pigilan sa paglayo sa kanya.
"Sorry na... kahit na ganun si Lukariah may dahilan siya kaya sumama ako dun."
"Lahat ng tao may dahilan." Aminin ko man o hindi, masamang pinag-iisipan ko agad ng masama ang baliw nilang kamag-anak.
BINABASA MO ANG
Seven Steps Closer [Last](Book 3 of ABSA) COMPLETED
RomanceMatinding paghihirap at mga rebelasyon ang muling dinanas ni Caroline. Kung saan sinukat nito ang kanyang tatag. Lalo na noong nahanap na niya ang lalaki sa likod ng mga regalo't sulat na kanyang natatanggap. Hindi niya rin inaasahan ang magiging t...