“Mukha kang tanga dyan,” sabi ko kay DJ inaayos ang pagka-gel ng buhok niya.
“Ano ba naman Chandreng! Wala ka namang ka-support support!” reklamo niya. Ngayon kasi niya balak simulan ang panliligaw kay Arisse. May dala siyang mga bulaklak at cupcakes na balak niyang ibigay pagka-labas ng mga tao mamayang dismissal.
Lumabas naman muna ako sa classroom at tiningnan kung paparating na ba sila Julia at Arisse na inutusan kanina.
“Kathryn!”
Pero imbes na sila ang makita ko, si Inigo pa ang nakasalubong ko.
“Oh, hi Inigo!” bati ko sa kanya . Nakita ko na dala-dala niya ang gym bag niya. Papunta siguro siya sa practice nila… or kakatapos lang. Ugh, malay ko ba!
Nakita ko namang napatingin siya sa may likod ko.
“Er, am I interrupting something?” tanong niya sa akin. Shit! Nakita niya ata na may dalang flowers si DJ tapos kami pang dalawa lang sa kwarto.
“Hala hindi! Please don’t get the wrong idea! Nagpapatulong lang si DJ sa akin,” sabi ko. Nginitian naman ako ni Inigo kaya lumabas ang dimples niya. Oh my gods, ang lalim talaga ng dimples nito. Kung pwede lang sanang dukutin at ilagay sa akin. Kaso, hindi pwede. Kakaiyak.
“Oh! Akala ko kasi may ginagawa kayo. So… pauwi ka na ba?” tanong niya sa akin tapos ay hinawakan ang batok niya.
“Uhm, hindi pa ako sigurado e. Hindi pa kasi bumabalik yung friend ko. Hinihintay pa namin,” sabi ko sa kanya kaso biglang naramdaman ko si DJ sa likod ko.
“Hindi. Ayos na. Ako na lang maghihintay kay Arisse dito. Uwi ka na, baka mamaya gabihin ka pa dahil sa akin,” sabi ni DJ. Ngumiti naman si Inigo sa kanya habang ako nama’y kinuha na ang aking bag.
“Thanks, bro,” dinig kong wika ni Inigo at pagka-lingon ko sa kanila ay nag-fist bump sila. So, they’re friends? Biglaan lang?
“I-uwi mo yan nang buo, ha,” warning naman ni DJ. Binelatan ko naman siya at nagsimula na kaming maglakad ni Inigo.
“So, what’s your deal with Reyes?” biglang tanong ni Inigo.
“Si DJ? Wala, may pinag-usapan lang kami. Nagpapatulong,” sabi ko naman.
“Akala ko talaga may something kayo,” sabi ni Inigo then he sighed.
“Tapos na practice niyo?” tanong ko sa kanya.
“Yep, kanina pa. Buti na lang nga at napadaan ako sa room niyo kaya nakasabay pa kita. Nagawa na ba yung bike mo?” tanong niya sa akin.
“Pinayagan na akong mag-commute nila Mama. About time,” wika ko.
“That’s great! Hindi ka na malelate ulit!” masayang sabi niya.
“Oo nga e. Ayoko nang maglinis ng school! Nakakapagod pala,” sabi ko sabay tawa. Tapos noon ay hindi na kami nagsalita pa. Sumakay na rin kami sa jeep na parehong dadaan sa bahay ko at bahay niya.
“Can I have your number?” tanong ni Inigo sa akin. Pumayag naman ako at nilagay sa phone niya ang numero ko. Pagkarating ko sa bahay ay agad kong ginawa ang mga homeworks para hindi na ako magpapakapuyat mamayang gabi.
Sa kalagitnaan ng Physics ay nagtext si DJ sa akin.
From: DJ
Pumayag siya! Yes!!!!
Woah, napapayag niya agad si Arisse? Aba magaling pala itong si DJ.
Pero, bakit ganoon? Bakit parang ang bigat sa pakiramdam? Dahil ba dati kong kaaway si DJ at hindi ako mapalagay na ipaubaya sa kanya ang kaibigan ko? Baka ganoon nga…
BINABASA MO ANG
The Devil's Twin
Teen FictionShe is Kathryn Chandria Santos... and she knows the devil's twin. (The More You Hate, The More You Love v2.0)