Chapter 1
Mahirap pumasok sa school, lalo na kung di ka pwedeng mag-commute… at late ka na.
“Ma, just this time, please. Malelate na ako tapos ayaw mo pa rin akong pasakayin ng jeep?” tanong ko sa kanya. Tiningnan naman ako ni Mama at umiling.
“Kath, you know how I get when you take public transport. Tsaka, hindi ba parang mas mapapabilis pa ang pagpunta mo sa school kung naka-bike ka? Makakasingit ka sa mga masisikip na daan lalo na pag traffic. At kung hindi ka pa talaga aalis ngayon, lalo ka lang malelate,” sabi ni Mama.
Simula kasi noong naaksidente kami habang nasa jeep, natakot na si mama na sumakay sa mga public transpo, mapa-jeep, tricycle, lrt, mrt, or taxi. Bumili na lang silang dalawa ni Papa ng car tapos binigyan naman nila ako ng bike.
“Hay, sige na po. Mauuna na ako. I love you, Ma,” sabi ko tapos hinalikan si Mama.
“Ingat ka, anak. I love you, too,” sabi naman niya at lumabas na ako. Twenty minutes na lang at magsisimula na ang klase at kung di ko papadyakin nang todo itong mga pedals, paniguradong recess second period na ako makakapunta.
Tumatagaktak na ang pawis ko nang umabot na ako sa may gate. Tiningnan ko ang orasan ko at nakitang limang minuto na lang at magriring na ang bell. Pinwesto ko na ang bike ko papasok sa gate nang may biglang bumusina nang malakas sa likuran ko.
“Ano ba, Kathryn! Tumabi ka na nga! Malelate na ako!” sigaw ng ultimate nemesis ko. Napatingin naman ako sa kanya. Nakita kong nagmamadali na siyang bumaba mula sa passenger seat.
“Kuya, i-park mo na lang. Late na ako e,” sabi niya tapos linagpasan ako. Umiling na lang ako at nagmamadaling i-park ang bike ko. Tinakbo ko na ang daan papunta sa classroom. Kaso, nang madaan ako sa college department, napansin ko sa mga windows ang itsura ko. Buhaghag ang buhok ko! Magkaka-demerit pa ako nito e.
So, anong pipiliin mo, Kathryn? Ang magka-demerit dahil sa pagiging late o ang magka-demerit dahil sa magulo mong itsura? Bakit ba kasi ang arte sa school na ‘to e! Kailangan pang neatly combed ang hair, well-pressed ang uniform, shined ang shoes.
Since, matatalo rin naman ako, whichever road I’ll take, sinigurado ko nang maayos ang itsura ko bago pumasok sa kwarto.
“Ms. Santos, saktong-sakto ka pala. Nagbibigay lang ako ng demerits sa klase at since alam mong halos limang minuto ka nang late sa klase ko, here’s your demerit slip. Proceed to the guidance councilor’s office,” sabi ni Mr. Bernal tapos inabot sa akin ang demerit slip. Bwisit! Nilapag ko naman ang bag ko sa upuan ko at lumabas para pumunta sa guidance.
Pagkarating ko roon, napahinga ako nang maluwag nang nakita kong hindi lang ako ang nasa guidance office.
“Oh, bleep it, you’re here, too,” sabi ni Daniel nang makita niya ako.
“Bleep you, too. As if sinusundan kita ha,” sabi ko sa kanya.
“I know you do,” he said with a smirk. God, I hate his guts!
“Makapal pa rin pala ang mukha mo. Ano ba naman iyan, Reyes, ilang taon na ang nakalipas, di ka pa rin nagbabago? Bago bago rin ng ugali pag may time,” pang-iinis ko sa kanya. Tumikhim siya, a sign na naiirita na siya. Nice one, Kathryn. Sige, inisin mo lang iyan.
“Bakit ikaw? Pareho pa rin ang hairstyle since, ano, grade two? Bago bago rin pag may time,” pambawi niya. Nag-init naman ang tenga pagkarinig noong sinabi niya. How dare he criticize my haircut!
“You are such a hypocrite,” sabi ko sa kanya.
“The same goes for you,” sabi niya. Tumingin na lang ako sa ibang direksyon bago pa ako tuluyang sumabog. I really hate the guy!
Ilang estudyante na ang pumasok sa kwarto ng guidance. Ang tagal tagal naman! Malapit nang mag-recess o!
“Mr. Reyes and Ms. Santos?” tawag nung assistant ni Ms. Espino. Psh, sabay pa tuloy kami. Bakit kailangang sabay?!
Nag-unahan pa kaming pumasok sa kwarto pero nauna pa rin siya sa akin. Psh, di talaga gentleman! Matapilok ka sana! Kaso, di kumakampi sa akin ang panahon at matiwasay siyang naka-upo sa isang armchair na nasa harapan ng desk ni Ms. Espino.
“Goodness, fourth year students na kayo tapos ganyan pa kayo umasal? You should be good role models to the younger levels! Hindi yung sila pa ang magtuturo sa inyo ng GMRC. At, pang-ilang beses niyo na ‘to? Third time niyo na ‘to! And you’re both running for valedictorian and salutatorian! This school cannot tolerate this attitude kaya naman this time, mas mabigat na punishment ang ibibigay sa inyo,” sabi ni Ms. Espino. Napalunok naman ako. Ano kayang ipapagawa sa amin? Dati kasi, isang oras lang sa detention room ang dinanas namin. And that is already torture for me! Imagine, isang oras kang nasa isang contained room with the devil’s twin. What do you think happened to me?
I was doomed!
BINABASA MO ANG
The Devil's Twin
Teen FictionShe is Kathryn Chandria Santos... and she knows the devil's twin. (The More You Hate, The More You Love v2.0)