"Someone's got a date. Someone's got a daaaaate!" pagkanta ni Vier habang naka-tambay siya sa unit ko at nanonood ng Spongebob.
"Shut up, Vier. I am having a date with my friends. Dalawang araw na ako dito sa Pilipinas pero ngayon ko pa lang sila makaka-bonding. Why are you even at my unit? May sariling unit ka naman ha!" sabi ko sa kanya habang inaayos ang mga unan sa sofang inupuan niya.
"Stop being OC. And the date I'm referring to? It's the one after your so-called date with your friends. Clue: the date's with the man called Daniel," pang-iinis na naman ni Vier.
"Crush mo siguro si DJ, ano? Lagi mong binabanggit." Aha! Akala niya siya lang marunong mang-inis? Excuse me!
"Inggit ka naman nun?"
"Hindi. Bagay nga kayo e."
"Sige, popormahan ko sa susunod. Ano ba favorite color niya?" tanong niya at natawa naman ako.
"Ewan ko sa'yo. Sige, malelate na ako!" sabi ko tapos ay lumabas na ng unit ko. Bahala na si Vier sa paglolock ng pad ko. Basta 'pag nanakawan ako, sa kanya ang sisi.
Pagkarating ko sa cafe kung saan kami magkikita, agad kong nakita si J and A.
"Lumipas na ang six years pero late ka pa rin. Ano, nagbibike ka pa rin ba?" tanong ni J na nagpatawa naman sa aming tatlo. Naalala ko pa tuloy yung times na hindi ako pinapayagang mag-commute ni Mama dahil na-trauma siya noong naaksidente kami noong isang beses.
"Oo, grabe si Mama! Bike pa rin ang gustong sakyan ko!" sabi ko naman.
"Hay, I missed this. 'Yung kasing isa d'yan, six years nawala tapos hindi man lang nagbakasyon dito!" sabi ni A.
"Oo nga. Sino kaya 'yun ano?" tanong naman ni J.
"Uh-huh. Ang sama niya, nh? Pero, balita ko may pasalubong daw na dala 'yun kaso di na raw niya bati yung mga friends niya," sabi ko naman at ininom ang kapeng inorder nila para sa akin.
"Eto naman, matampuhin agad. May suhol ka palang dala, hindi mo man lang sinabi agad," sabi ni J tapos ay niyakap ako dahil siya ang katabi ko habang katapat ko naman si A.
"Kayo kasi e, agad kayong nagtatampo," sabi ko tapos ay nilabas ang mga regalo ko sa kanila.
"Isa lang? Six na birthday ko ang na-miss mo!" sabi ni Arisse tapos ay tumawa.
"Hala, buti nga may nadala pa ako pauwi!" sabi ko sa kanila.
"Kulang 'to. Libre mo kami ngayon!" sabi naman ni J.
"Ang tatanda niyo na, libre pa rin ang hanap niyo? Iba rin kayo ha," sabi ko pero sinabing treat ko naman ang araw na 'to dahil iyon naman talaga ang balak ko.
BINABASA MO ANG
The Devil's Twin
Teen FictionShe is Kathryn Chandria Santos... and she knows the devil's twin. (The More You Hate, The More You Love v2.0)