Bittersweet.
I feel empty inside as I was scrolling through my friends' Facebook beach photos. Everyone's enjoying the summer sun, habang ako, mas pinili ang kadiliman, aka my room. I shut myself from everything. Sa text ko lang nakakausap si Julia habang si Arisse naman, nakakausap ko na.
I remember how my heart jumped nang sagutin niya ang call ko.
Hello, A? Please wag mong ibababa itong call. Please makinig ka muna.
Can we just meet, K? I think hindi natin 'to magagawa sa call lang.
Nagkita kami ni A sa isang cafe sa plaza.
"Kath, before you say anything, I have to tell you that I forgive you. I understand what happened. Bata pa lang tayo, immature pa kaya I really should have not lashed everything out on you. What I did was total bollocks. Sorry for what I did," sabi niya sa akin tapos ay niyakap ako.
"Sorry din! Hindi ako totally nag-iisip when I did everything in the past. Daig pa natin ang mag-asawa sa lagay na 'to!" sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya.
"You really never fail to make me laugh," sabi niya at yumakap ulit.
Well, that one had a happy ending.
Kahit na ayos na kami ni Arisse, I still feel sad. Why? It is because of the devil's twin. Well, sino pa nga ba ang kambal ng demonyo?
Everytime I close my eyes, siya ang nakikita ko. Pati sa mga panaginip, laging siya ang bida. I know I shut the doors for the possibilities of having an 'us' pero hindi naman pwedeng agad-agad ay makakalimutan ko siya diba? Ang mahirap pa, lagi ko siyang nakikita.
As in, araw-araw.
We're neighbors. What can you expect? Kada umaga, makikita ko siya sa daan habang nilalakad niya ang aso niya. Kada hapon, makikita kong magluluto siya ng pancit canton na calamansi flavor. Yun yung paborito niya e. Kada gabi, makikita ko siya sa may bintana niya na nakikinig sa music o kaya naman e nakatutok sa laptop niya.
Sometimes, I wonder if he's thinking about me. Iniisip ko kung kasingdalas ba ng pag-isip ko sa kanya ang pag-iisip niya sa akin. I wonder if totoo nga ba ang feelings niya sa akin. I wonder kung ano ang nakita niya sa akin.
There are so many unanswered questions in my mind na sana matagal ko nang tinanong sa kanya. Pero, I chose to ignore him. Mas pinili kong putulin lahat ng modes of communication namin dahil sa tingin ko, iyon ang mas makabubuti. But, it was not. I just found myself stuck in this darkness na puro questions that I know I'll never get the answers to.
"Kath, are you ready?" tanong ni Mama pagkatapos kumatok sa pintuan ko. Tumango naman ako, ngumiti, at kinuha ang mga maleta ko.
I know running away is not the best solution. Ito pa nga siguro ang worst decision ever pero wala na akong ibang maisip na gawin. Masyado nang magulo dito sa Pilipinas. Masyado nang tensed. Kailangan ko munang umalis para humupa ang bagyo at para hindi ako anurin noon palayo.
So, with packed bags and hope in my heart, I boarded the plane and wished everything would be fine.
=========
Author's Note:
Hi there! Hindi pa po ito ang last chapter ng The Devil's Twin! I told you naman something big's coming. Well, this is it! This chapter marks the end of the first part of TDT and the start of the second part of this story.
The second part is set six years after Kath's departure. Ibig sabihin, 22 years old na po si Kath at 23 naman si DJ. Sa second part na rin lalabas ang character na matagal niyo nang pinapalabas. Can you guess who this character is?
Sorry din po kung maikli itong Chapter 15 kasi page breaker lang po talaga 'to. Kumabaga, dito mangyayari ang transition.
Btw, please kung may comments kayo, please tweet me @andreyuhnuh or ask.fm niyo ako. Nasa external link ang profile ko. And thank you sa mga votes niyo and comments! Super naappreciate ko yung mga nagcocomments. Heart you, guys!
P.S. Gusto niyo bang magka-FB grp, portrayers, or wag na lang?
BINABASA MO ANG
The Devil's Twin
Teen FictionShe is Kathryn Chandria Santos... and she knows the devil's twin. (The More You Hate, The More You Love v2.0)