Chapter 28

2.3K 79 5
                                    

Malapit nang mag-lunch nang makarating na kami ni DJ sa hotel na pinrovide ng company para sa amin. Wala naman kasi kaming bahay dito kaya naman wala kaming pagsstayan.


"You hungry?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako. Tumawag siya ng room service at nag-order ng kung ano. Masyado akong pagod sa byahe. Dalawang oras lang naman pero ganto talaga ako, agad napapagod sa byahe.


"Gusto mong maunang maligo? O ako na?" tanong niya ulit sa akin. Tinuro ko siya para sabihing mauna na siya at binagsak ang sarili ko sa kama. Naramdaman ko namang humiga rin siya sa kama.


"O gusto mong sabay tayo?" bulong niya sa akin. Kahit pagod ako, nagawa ko pa ring sapakin siya.


"Tumigil ka, DJ. Pagod ako," sabi ko sa kanya. Niyakap naman niya ako mula sa likod at inamoy ang buhok ko.


"Bakit ang bango mo pa rin kahit mukha kang stressed?" pangungulit niya sa akin.


"Ikaw, mabaho ka na kaya maligo ka na," sabi ko para naman tigilan na niya ang pangungulit niya sa akin.


"Hmp, sungit. May dalaw ata," sabi niya tapos ay kinalas ang pagkahawak niya sa akin at tumayo na. Narinig ko na lang ang pagsarado ng pintuan ng banyo at naramdaman ko ang pagbagsak ng mga mata ko.



xyz



Nagising ako nang may naramdaman akong nakakakiliti sa batok ko. May lamok ba dito? Dahil ayaw kong tingnan at buksan ang aking mga mata, hinampas ko yun para mapatay pero hindi ko ata nahuli dahil andoon pa rin iyon. Binaligtad ko na lang ang pwesto ko para umalis na ang lamok.


Nagulat naman ako nang naramdaman kong may humahawak sa ilong ko. Ugh, ano ba 'to?


Minulat ko na ang mga mata ko at nakita ko si DJ na dinidikit ang ilong niya sa ilong ko.


"What are you doing?" mahinang sabi ko. Naalala ko kasi na kakagising ko lang at malamang e bad breath ako.


"I'm waking you up. May meeting pa tayo with the owner," sabi niya sa akin. Dali-dali naman akong bumangon at pumasok sa banyo. Ang huli kong narinig ay ang pagtawa ni DJ. Ugh, dapat ginising niya ako nang mas maaga!


"You should've reminded me earlier about the meeting," sabi ko sa kanya habang nag-aapply ako ng make-up.


"Sasabihan sana kita after kong maligo kaso tulog ka na. Mukha namang sobrang sarap ng tulog mo kaya hindi na kita ginising," sabi niya sa akin.


"Talaga? Anong lasa?" pagjojoke ko sabay tawa nang malakas. Lumapit naman siya sa akin at sinundot ang gilid ng tiyan ko. Doon kasi ang kiliti points ko kaya naman napa-ayos ako ng upo.


"Ah so niloloko mo na ako ngayon?" tanong niya sa akin tapos ay hinawakan ang bewang ko.

The Devil's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon