Napa-isip pa rin ako doon sa sinabi ni Iñigo sa akin. And isa lang ang umiiral sa utak ko.
Fck soulmates, fck destiny.
What's the point of believing in that? E hindi naman totoo! Lagi na lang akong malungkot! Lagi na lang akong problema! Hindi ko naman hiningi 'to! Bakit binibigay sa akin?
Pagkabalik ko sa office ay agad ko nang tinapos ang lahat ng kailangang tapusin. Now, kailangan ko lang ng maayos na tyempo para mailagay ito sa table niya.
"Ayos," sabi ko nang makita kong nag-restroom break siya. Dali-dali akong pumasok at nilapag ang mga files sa mesa niya na punong-puno rin ng mga papel. Geez, ang kalat. Gusto ko tuloy linisin kaso hindi naman ako pwedeng magtagal.
First time kong makapasok sa opisina niya at napansin ko ang mga photo frames na nasa isang table. May family picture sila, kasama ang barkada niya pero wala akong nakitang photo nila Nadine. Bakit naman kaya? Ah, baka dahil dala-dala niya iyon sa wallet niya. O kaya baka iyon yung nasa frame na nasa mesa niya. Paalis na sana ako nang makita ko ang isang picture namin noong high school kami. Alam ko, noong United Nations Day ito sa school at jinoke ko siya na magpapicture kami.
I can't believe he still has that photo. Pero, shoot, kailangan ko na talagang umalis! Nagmamadali akong lumabas at pumasok sa office. Damn it, dapat hindi ganito ang trabaho ko! Dapat hindi ako natatakot lumabas. Why do I feel like I'm in a jail? Inayos ko na lahat ang gamit. Mage-early out ako. Di bale nang may kaltas sa sweldo.
"Oh, aalis ka na naman?" tanong ni Manong sa akin.
"Mag-undertime na lang ako, Manong. Masama pakiramdam ko e," sabi ko kahit hindi naman talaga. I just need to release my stress dahil pakiramdam ko ay sasabog ako kapag hindi.
Nang makapasok na ako sa sasakyan ko ay pinaandar ko na ito at pumunta muna sa bahay para kumuha ng damit bago pumunta sa malapit na gym. Kailangan kong mag-exercise.
"Welcome! Papa-member?" tanong noong receptionist sa akin. Tumango naman ako. Binigyan niya ako ng registration form at binayaran ko ang membership fee. Hindi muna ako kumuha ng instructor. Sa susunod na lang. Dumiretso naman ako sa treadmill at ginamit iyon.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakalipas pero biglang kinausap na lang ako noong babaeng gumagamit nung treadmill na katabi nung akin.
"Miss? Di ka pa pagod?" tanong sa akin noong babae. Nararamdaman ko na ang tumutulo kong pawis. Umiling naman ako at inadjust ang bilis ng treadmill. Nang maramdaman ko ang pagod ko ay tinigil ko iyon at bumili ng tubig. Tiningnan ko ang bintana at nakita kong dumidilim na. Gaano na ba ako katagal dito?
BINABASA MO ANG
The Devil's Twin
Teen FictionShe is Kathryn Chandria Santos... and she knows the devil's twin. (The More You Hate, The More You Love v2.0)