"He did what?" gulat na gulat na tanong ni J and A sa akin habang nakikikain sa unit ko. It has been twelve hours since nangyari ang event kanina sa unit ko, and I don't want to think about it anymore. What happened in an hour complicated our whole lives.
"He kissed me," bulong ko at kinagat ang aking labi. Nag-replay na naman sa utak ko ang nangyari.
Daniel's kissing me. He is kissing me! Anong gagawin ko? Should I push him? Or should I kiss him back?
Iilang tanong pa ang naglaro sa utak ko pero bigla kong naisip na mali itong ginagawa namin! May girlfriend yung tao, Kathryn! Kakasabi mo pa lang sa sarili mo na don't make the same mistakes!
And with that thought, tinulak ko siya and my palm landed on his face. Nakita ko ang pagkagulat niya at pati rin ako ay nagulat sa nagawa ko. I never intended to slap him, biglaan lang iyon.
"Shit, I'm so so sorry," sabi ko sa kanya pero matipid siyang ngumiti.
"I guess I deserved that. Sorry, Kath, for everything. I promise wala na akong gagawing move sa iyo. I'm a mess right now, I'll be going," sabi niya tapos ay iniwan akong nakaluhod sa pintuan ng kwarto ko habang lumabas na siya sa unit ko.
We're both messed up right now. Alam kong mas naging kumplikado ang lahat. And, once again, it was all about a kiss. One simple kiss made everything blow up. Fck it.
"Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Nadine n'yan I don't even know kung alam ba niya or ano hindi na nga ako pumasok ngayon sht, sayang yung sweldo ko for today," tuluy-tuloy kong sabi. Isang malakas na hininga ang inipon ko at binuga.
"Edi sana pumasok ka na lang," sabi ni Julia.
"Pero, anong gagawin ko 'pag nagkita kami?" tanong ko sa kanila.
"Hayaan mo na yun, at least, may sweldo ka," sabi naman ni Arisse. Binatuhan ko naman siya ng isang butil ng kanin.
"Sayang yung pagkain!" sabi ni Julia tapos ay kinuha ang binato ko at tinabi sa gilid ng plato niya.
"So, ano na balak mo?" tanong na naman ni A.
"I have no fcking idea. Di naman pwedeng mag-resign ako kasi kakalbuhin na talaga ako nila Mama," sabi ko.
"Edi pumasok ka na para malaman mo na yung sagot sa katanungan mo! Hindi yung nakatambay tayo dito at wala ring napapala," sabi ni Julia. Tumango na rin si Arisse.
"But, before you go there tomorrow, we need to give you a makeover. Teh, ang laki na ng eyebags mo! Totoo, ginagamitan mo ba ng weights yan? And your hair! Parang walis tambo!" reklamo ni Arisse habang pinagmamasdan ako.
"Oops, di na kita matutulungan dyan, Kath. Fashion na pinag-uusapan, si A ang boss," sabi ni J at tumawa na lang kami.
Hindi sana ako papayag sa sinasabing makeover nitong si Arisse pero wala na rin naman akong choice kundi sundin e. Besides, mas alam niya kung anong bagay sa akin since expert siya in this field.
Una naming pinuntahan ang derma at nagpa-facial kaming tatlo. Five months na rin ang nakakalipas since my last facial so I guess, kailangan ko nga ito.
After the excruciating facial, pumunta na kami sa salon para ipaayos ang buhok ko. Umabot na rin kasi ang haba nito sa may bewang ko. Ginawang ombre naman ito noong nag-aayos sa akin. Inayos na rin nila ang aking kilay.
After the hair, we went to a mani-pedi store and we all got to pamper our nails. Nagpa-nail art si Arisse and Julia habang ako naman ay pinili ang nude color para sa mga nails ko. I bite my nails kasi.
"That was fun!" sabi ko habang nagseselfie pa kami sa harap ng mirror sa CR. Buti na lang ay kami lang ang tao doon kaya naman wala kaming tigil sa pagkuha ng photo.
"We should do this every month! Kahit yung facial and mani-pedi lang. Masisira buhok natin kapag every month tayo nagpakulay," sabi ni J. Tumango naman ako at napa-palakpak si Arisse nang dahil sa excitement.
"Grabe, ako lang pala hindi famous sa atin," sabi ko dahil habang nasa mall kami kanina ay may iilan ang umapproach kay Arisse and Julia.
"You're famous din kaya! Nasa abroad pa nga fans mo!" sabi ni J at hinampas ang likod ko.
"Hala," sabi ko na lang.
xyz
Pagkarating namin sa condo, binalak pa ng dalawa na doon na lang matulog para naman mas tumagal pa ang bonding namin. Habang nagkkwentuhan kami tungkol sa high school days namin, biglang may kumatok.
"I'll get it," alok ko at binuksan ko, only to see Vier on the other side. Natulala naman siya sa akin.
"Dude, what did you do to your hair?" tanong ni Vier.
"Nangangalawang tubig dito e," pagbibiro ko. Tumawa naman siya at dire-diretsong pumasok.
"Hi, girls," bati ni Vier sa mga bisita ko at umupo sa tabi ni A.
"What's up?" tanong ko.
"I got bored. Wala akong magawa doon," he said, referring to his pad.
"So, you came to bother us?" tanong ko. Tumango naman siya at nakipagkwentuhan sa mga kaibigan ko.
————————————————————————————————————-
You are cordially invited...
BINABASA MO ANG
The Devil's Twin
Teen FictionShe is Kathryn Chandria Santos... and she knows the devil's twin. (The More You Hate, The More You Love v2.0)