Chapter 29

2.2K 81 2
                                    

Months have passed and malapit na ring matapos ang construction ng resort. Maingat naming minomonitor ni DJ ang pagtayo ng resort. This is our first 'baby'. Of course, we want it to be the best.


"Are you awake?" tanong ng katabi ko. Nakahiga kami sa kama at medyo madilim pa sa labas. 5 am kasi ang madalas na call time namin dahil 6 am ay dumadating na ang mga construction workers.


"Yes, I am," sabi ko at agarang tumayo dahil may naramdaman akong umangat mula sa lalamunan ko. Agad akong tumakbo papuntang banyo para ilabas iyon.


Sht! Naparami ata ako ng kinaing alimango kagabi! Kahapon kasi ang anniversary ng company nila James and may malaking buffet. Hindi na rin kami nagsstay ni DJ sa hotel nila. We fell in love with the place so kumuha na kami ng isang maliit na bahay sa isang subdivision na malapit lang sa site. Gagawin na lang namin itong summer house kapag bumalik na kami sa Manila.


"Hey, are you okay?" tanong niya sa akin at hinimas ang likod ko.


"Yes, napasobra lang siguro ako kagabi," sabi ko matapos kong magmumog at magtoothbrush. "Maliligo na ako," dagdag ko.


"Sabay tayo?" tanong niya sa akin at tumawa na lamang ako.



xyz


Anak ng tinapa! Bakit ba sobrang init ngayon? Gusto ko tuloy ng banana split. Yung puro vanilla ice cream sa taas, tapos yung chocolate syrup na tumutulo sa gilid.


"Hay," sabi ko tapos dinilaan ang labi ko at pinunasan ang noo kong sinasabawan na ng pawis.


"Ayos ka lang ba? Baka gusto mo muna sa hotel?" tanong ni DJ sa akin nang mapansing naaaburido na ako dahil sa init.


"Dun lang ako sa clubhouse. Nagugutom na ako e," sabi ko sa kanya.


"Ha? Kakain ka na naman? Ang dami mo nang kinain kanina ha!" gulat na sabi sa akin ni DJ. Maski ako ay nagugulat sa appetite ko lately. Ang dami ko na namang kinakain pero hindi naman ako stressed.


"Ewan ko ba! Basta, puntahan mo na lang ako doon pag tapos ka na!" sabi ko at bumaba na.


"Ma'am! Salamat sa libreng lunch ha?" sabi ng isa naming construction worker. Every day kasi, pinagluluto ko sila para hindi na sila mamroblema sa pagkain nila. This is also one way for me to say thanks dahil nakikita ko naman kung gaano sila ka-dedicated sa paggawa ng resort.


"Walang anuman, Manong! Sige, mauna na ako ha?" sabi ko at dali-daling pumunta sa clubhouse para umorder.


Pagkarating ko doon, agad kong naamoy ang pinipirito nilang burger. Sa amoy pa lang, alam na alam mo nang malinamnam iyon and sobrang juicy. Damn, naglalaway na naman ako. Mapaparami na naman ang makakain ko nito.


Nang maka-upo na ako, nilapitan agad ako ni Bert, isa sa mga waiter ng clubhouse.


The Devil's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon