Chapter 5

3K 122 12
                                    

Chapter 5

“Excuse me,” sabi ni Daniel at lumakad sa gitna namin ni Inigo. What the hell? That is just rude and unacceptable. Ang laki laki ng space tapos sa amin siya dadaan? Ano ‘yon? KSP lang?

“Pangit ng laro kanina ni Reyes,” sabi bigla ni Inigo. Nakita ko pang napa-iling siya.

“Huh? Bakit?” tanong ko naman kahit na hindi ko naman masyadong maintindihan ang terminology sa basketball at kahit ano pang sport. Hindi kasi ako sporty e.

“Ewan ko, parang tinatamad siyang maglaro kanina. Halos pinapasa lang niya ang bola. Tsk, pag pinagpatuloy niya ‘yan, matatalo talaga sila this season,” sabi ni Inigo. Napa-‘ahh’ na lang ako dahil kahit na clueless ako sa basketball e nararamdaman kong malaking kawalan talaga sa amin kung matatalo ang basketball team. At alam ko ring sobrang malulungkot si Daniel kapag natalo sila. Passion niya ang pagbabasketball kaya naman alam ko kung gaano ka-importante ito sa kanya. Nagawa nga niyang kalimutan ang parusa sa amin nang dahil sa sport na yan.

“Huy, natulala ka d’yan,” sabi naman ni Inigo at pinitik pa ang mga daliri niya sa harapan ko. Napakurap tuloy ako.

“Ay, sorry. May naisip lang!” wika ko at pinagpatuloy namin ang usapan.

Pero hindi pa rin mawala sa isipan ko kung bakit nagkakaganoon si Daniel. Aish, ano ba ‘tong iniisip ko. As if I care, duh.

***

“Bru, hindi mo ba tatawagin si Daniel? Mapapagod ka nyan e,” sabi sa akin ni Julia habang tinutulungan nila akong magbuhat ng balde ng pintura. Friday na rin naman kaya pipinturahan ko na ‘tong pader. Hindi ko na iistorbohin si Daniel dahil alam kong may practice siya ngayon. I don’t want to bother him at nalaman ko rin na kalaban nila bukas ang isa sa mga mahigpit nilang nakalaban last year kaya naman ayaw kong matalo sila dahil lang sa hindi siya nakapag-ensayo nang maayos.

See? Kahit magka-away kami ni Daniel, I am not heartless. I know what our priorities are at naiintindihan ko iyon.

“Ayos na ‘to. Ako na lang, tsaka mas madali kapag walang nang-iinis sa’yo,” sabi ko sa kanila tapos tumawa naman sila.

“Gusto sana kitang tulungan kaso may book report kami na dapat nang ipasa sa Monday. 500 pages pa man din yata yung libro kaya kailangan ko nang simulan. Sorry talaga, Kath!” sabi ni Arisse tapos ay kinuha na ang kanyang bag at nagpaalam na sa amin.

“Ako rin e, Kath. Aalis kami nila Daddy. Babawi na lang ako next time na ma-detention ka!” paalam naman ni Julia at tumawa kami.

“So, hihintayin mo munang ma-detention kami bago ka babawi? Ganyanan na tayo ngayon?” patampo kong sinabi sa kanya. Natawa naman siya sa inasal ko.

“Hindi mo bagay, bru. Sige na, mauuna na ako!” sabi niya tapos ay umalis na rin. Ako naman ay pumunta na ng CR para magpalit ng shirt. Baka kasi malagyan ng pintura yung uniform ko. Nag-paalam na rin ako kay Ms. Espino na ganoon ang susuotin ko kaya ayos na rin. Nang makapag-palit na ako ay binuksan ko na ang puting pintura para matakpan ang mga vandal na nandoon sa pader.

The Devil's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon