I woke up nang bigla kong narinig ang alarm clock ko. Dagdag factor pa ang sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko.
I don't know why but my heart is pounding. Maybe after effect?
Dahan-dahan akong tumayo para maligo. May pasok pa ngayon sa trabaho. Malapit na rin namang matapos ang project namin ni DJ. Speaking of the devil's twin, where is he? Nang maamoy ko ang pancakes ay naconfirm ko na baka nasa kusina siya. Unless magnanakaw iyon na nagutom at naisipang magluto muna ng makakain niya.
Medyo nasanay na akong gumalaw pagkatapos kong maligo at makapag-bihis. Sunod ko namang ginawa ay ang palitan ang beddings ko. Syempre, ayaw ko namang matulog sa kama na may dugo.
"Uy, you're early! Ayos ka na ba?" tanong ni DJ sa akin nang binuksan ko ang pintuan ng bedroom. Nilapitan naman niya at agad hinalikan ang noo ko, his signature move.
"DJ! Fiesta ba ang balak mo?" tanong ko sa kanya nang makita ko kung gaano karami na ang naluto niya para ngayong umaga. May pancakes, may itlog na scrambled, may itlog na sunny side up, may bacons, may hotdog, may bread, may kanin, may ham. Iba-ibang breakfast meals ang hinanda niya!
Lumawak naman ang ngiti niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. "What's your problem?" tanong ko pa. He's so weird.
"Nothing. DJ na kasi ulit ang tawag mo sa akin e," sabi niya sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi niya. I can't believe na napansin niya pa iyon!
"Masyado kang observant. Iniiba mo naman usapan e! Paano natin uubusin lahat iyan?" tanong ko sa kanya sabay hampas.
"I invited Patrick and your friends," sabi niya sa akin tapos ay binuhat na ako at inupo sa isang upuan. "Ikaw naman, kumain ka na," dagdag pa niya habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.
"Uy, ang dami naman niyan!" sabi ko sa kanya. Buti na lang at tumunog ang doorbell at pumunta siya sa front door para pagbuksan ang mga kumakatok.
"Trine! I missed you!" sabi ni Vier at inispread na ang mga arms niya para mayakap ako pero sinalubong siya ni DJ kaya naman sila ang nagkayakapan.
"Dude! Di kita trip!" sabi ni Vier at tinulak palayo si DJ. Natawa naman kami nila Julia and Arisse sa nangyari.
"I told you to call her Kath. Ang kulit mo talaga Patrick!" wika ni DJ at napasabunot pa siya sa buhok niya.
"Pero, ano ba talagang meron at bakit ang daming pagkain?" tanong ni Julia.
"Oh my gosh, kayo na?!" gulat na tanong ni Arisse. Nagsisigaw naman silang dalawa ni Julia at niyakap ang isa't isa habang si Vier naman ay tinapik ang likod ni DJ.
"Congrats! About time!" sabay-sabay nilang sabi.
"Sabi na nga ba e! Di kayo mag-iimbita nang walang balita," sabi ni Julia at umupo na rin sa dining table. Kumuha na rin sila ng mga plato nila at nagsimula nang kumain.
"So, kailan ang kasal niyo?" tanong nila sa amin. Nabilaukan naman ako. Agad akong binigyan ni DJ ng tubig at hinimas pa ang likod ko para madalian sa pag-recover. Nang tingnan ko naman ang tatlong nasa harapan namin, nakita kong iba na naman ang tingin nila sa amin.
"Grabe, ang PDA pala talaga nila," sabi ni Arisse.
"Anong pala talaga nila? Hindi pa naman naging kami ha!" sabi ko sa kanila. Paano nila malalamang PDA kami kung ngayon pa lang kami naging magka-relasyon? Weird ng mga kaibigan namin.
"Well, iniisip na namin dati kung anong klaseng couple kayo and we immediately thought na kayo yung sobrang PDA. Sa kalandian pa lang ng lalaking ito, imposibleng hindi kayo ma-PDA e," pag-eexplain ni Julia sa amin.
"Wow, mas excited pa kayo kesa sa akin!" sabi ni DJ at tumawa.
After ng breakfast, sabay kaming pumunta ni DJ sa office.
"Kayo na po, Sir?" tanong ni Manong Guard sa entrance.
Ngumisi naman si DJ at nag-thumbs up pa kay Manong Guard. Ngumiti rin si Manong at nakipag-high five pa kay DJ. Pati rin ang receptionist e malaki ang ngiti pagdaan namin.
"Ang weird ng mga tao ngayon dito," bulong ko sa kanya.
"They're happy," bulong naman niya sa akin.
"Huh? Bakit naman?"
"Masaya silang naging tayo na. Ang tagal na kaya nilang pinagdadasal na maging tayo," sabi niya sa akin.
"Hala!" sabi ko sa kanya at dire-diretsong pumasok sa opisina ko. Nakita ko namang punung-puno ito ng mga balloons.
"Wow!" sabi ko sabay singhap. Sobrang naamaze talaga ako sa mga balloons kaya naman sobra ang pagkamangha ko sa nakikita ko ngayon.
"Happy first day, babe," bulong sa akin ni DJ at niyakap ako mula sa likod.
"Ang clingy mo naman pala," sabi ko naman sa kanya at hinarap siya. Agad niyang hinawakan ang ulo ko at hinalikan ang noo ko.
Natigil naman saglit ang moment namin nang may kumatok sa pintuan.
"Hey, PDA couple, pinapatawag kayo ni Papa sa office niya. Mamaya na yan, ha?" sabi ni Nadine habang natatawa sa amin. Agad naman akong namula.
Sabay kaming naglakad papunta sa office ni Mr. Limcuando.
"First of all, congratulations," sabi niya sa amin habang nakangiti.
"Salamat po!" masiglang sagot ni DJ. Tumango naman si Mr. Limcuando.
"Next is, kailangan niyo nang magtrabaho on-site. I'm appointing you two para i-check kung tama ba ang construction nitong project. I expect the best. I'll send the details later. Make sure you check your email," sabi ni Mr. Limcuando tapos ay dinismiss na kami.
So, we'll be living together niyan? Hindi kaya ako mabuntis agad nito?
BINABASA MO ANG
The Devil's Twin
Teen FictionShe is Kathryn Chandria Santos... and she knows the devil's twin. (The More You Hate, The More You Love v2.0)