Chapter 20

2.4K 90 15
                                    

"Bakit, ayaw mong pakasalan si Nadine?" tanong ko kay DJ.


"It's not that ayaw ko siyang pakasalan pero it's too soon para isipin ang marriage. Wala pa man nga akong savings, kasal agad!" natatawa niyang sabi.


"Aba, mayaman naman sila Mr. Limcuando!"


"I am traditional, Kath. Gusto ko, sariling pera ang gagamitin," sabi niya sa akin.


"Edi kasi, ikaw na!" pang-iinis ko sa kanya tapos ay ginulo ang buhok niya.


"Aish, parang bata naman 'to!" sabi niya tapos ay inayos ang kanyang buhok.


"Buti nagbago ka ng hairstyle? Dati San Goku 'yang buhok mo ngayon, Atom Araullo hair ka na!"


"Nagmahal na ang wax kaya kailangang magtipid," joke niya at natawa naman ako kaso naputol ang pagtawa ko nang mag-ring ang cellphone ko.


Triiiine, answer your phone! This is Vier, your most handsome pakner eveeeeerrrrr


Ang baduy talaga forever ng nilagay ni Vier na ringtone para sa kanya!


"Sorry, I have to take this call," sabi ko kay DJ at in-excuse ang sarili ko.


"I am in a middle of a meeting," bungad ko sa kanya.


"Trine, I'm hangry! Hungry plus angry!" reklamo ni Vier sa akin.


"Wala ka bang pagkain d'yan sa unit mo?" tanong ko sa kanya.


"Wala, tingin mo ba tatawag pa ako sa'yo kung meron?" masungit niyang sabi.


"Don't get too cocky. Itetext ko na lang si Arisse. Malapit lang siya sa atin. You know her naman, diba?"


"Yes, thanks! You're such a lifesaver. I love you!"


"Yuck, cheesy mo. I love you, too!" sabi ko tapos in-end call na. Normal naman sa amin magsabihan ng "I love you". We do it all the time in the States. Love naman talaga namin ang isa't isa ha. As a friend lang naman.


Pagkabalik ko sa office ay nakita kong may sinusulat si DJ sa isang bond paper.


"Boyfriend mo?" tanong ni DJ.


"Uh, oo," sabi ko. Sasabihin ko sanang hindi kaso naalala kong sinabi nga pala namin na kami. Hay, minsan parang baliw lang talaga si Vier.


"Kayo, kailan ang kasal niyo?" tanong niya sa akin. Kung umiinom lang ako ngayon ay malamang naibuga ko na sa kanya iyon.


"Malayo pa 'yong kasal na 'yon tsaka iniisip muna namin ang mga careers namin," sabi ko.

The Devil's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon