6 years later...
"Welcome back to the Philippines, K! We missed you!" salubong ni J and A sa akin. Niyakap ko naman sila nang mahigpit.
Six years have passed. Sa US na ako nag-college at ngayon, isa na akong architect. Nakapasa na rin ako sa board exam. May trabaho na rin ako sa US, kaso naramdaman ko na mas kailangan ako sa Pilipinas. Isa pa, humihirit na rin si Julia at Arisse na umuwi na ako. Six years din akong hindi umuwi sa Pilipinas so imagine kung gaano ko sila na-miss.
"Finally, umuwi ka na rin! Sa loob ng anim na taon sa monitor ka lang namin nakikita, daig mo pa naka-quarantine!" sabi ni Julia.
"Oo nga! Pero, gosh, pumuti ka! And your hair, dati, sobrang haba niyan ngayon shoulder-length na lang siya!" sabi naman ni Arisse at hinawakan ang buhok. Hay, fashionista nga pala ito.
"Kamusta na ba kayo? Sobrang busy ko lang talaga sa States, hindi tuloy ako nakakauwi. But, the best thing is, I'm here already! I missed you so much!" sabi ko at niyakap ulit sila.
"Trine, tara na, andyan na yung taxi." Nilingon ko naman si Patrick at nginitian ko siya.
Patrick Xavier Uy has been my friend in US. Siya lang kasi ang kilala kong Pilipino sa pinasukan kong university, and vice versa. We became each other's rock. Whenever I needed help, he was always there, and I to him. He knows about what happened to me, and I know about his family's history. And, nope, we are not in a relationship, never had one. Although one time, cinonsider namin pero naisip namin na mas maganda if romantic feelings were not involved. We are better off as friends. Besides, may pagka-playboy 'tong si Vier. And, I don't like players. Ironic, considering we're best friends.
Patrick calls me Trine, which sounds like the second syllable of my name. Ang sabi niya kasi, mas original nun. So, I call him Vier. Para orig din.
"Ooh, boyfriend mo?" tanong ni Julia sa akin. Napatawa naman kami ni Vier.
"No, we're not. We're best friends," sabi ni Vier. Tumango na lang silang tatlo at sumakay na kami sa taxi.
Pagkarating sa bahay, sinalubong kami nila Mama and Papa, pati na rin ang parents nila J and A. I thanked the people who attended and matapos ang ilang oras ay nagpa-alam na kami ni Vier. Pupuntahan pa kasi namin ang condo units na binili namin. Mas malapit kasi iyon sa firm na nag-offer na trabaho sa amin.
"So, I haven't seen your ex-boyfriend. Where is he?" tanong ni Xavier sa akin. Siniko ko naman siya.
"Shut up! He was never my boyfriend, okay? Tsaka, tapos na ang issue na 'yun. I finally moved on. Took me long enough," sabi ko.
I am very sure na wala na talaga akong feelings for DJ. If magkikita kami, I'm sure platonic na lang kami. At, ang balita ko rin ay may girlfriend na siya ulit and lagpas isang taon na sila. See, all is well na.
"Hm, tingnan na lang natin," sabi niya tapos ay pumasok na sa unit niya na nasa left side ng unit ko. Mayroon pang isang unit sa kabila pero hindi ko pa kilala kung sino ang tenant nun.
BINABASA MO ANG
The Devil's Twin
Teen FictionShe is Kathryn Chandria Santos... and she knows the devil's twin. (The More You Hate, The More You Love v2.0)