Chapter 25

2.4K 93 4
                                    

"Walang hiya ka, Vier! Kaya pala chill ka lang kapag grabe kang mang-inis kapag nandyan si Daniel! Magpinsan pala kayo!" sigaw ko kay Vier habang hinahampas siya. After ng trabaho ko, agad akong dumiretso sa unit niya.



"Aw, that hurts, Trine! So, he finally 'fessed up, huh? Took him long enough," sabi niya sa akin.



"Di mo man lang sinabi sa akin! Akala ko ako kakampi mo! Nakakainis ka, forever!" sabi ko sa kanya.



"Walang forever, teh!" sabi niya sa akin.



"Che, para kang bakla!" sigaw ko pabalik. After noon ay hiningal na ako at nakita ko ring malalalim din ang mga hinga niya.



"Nakakapagod sumigaw," sabi ko sa kanya tapos ay umupo sa may sofa niya. Kahit naman alam kong wala naman talagang intention si Vier na lapitan ako noong una, thankful pa rin ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang tulad niya. Baka nagpatiwakal na ako sa US kung wala siya doon.



"Ano, okay na kayo niyan? Kailan ang kasal?" natatawang tanong niya. Hinampas ko na naman siya ulit. "Ikaw ha! Namimihasa!" sabi niya habang hinihimas ang braso niya.



"Ikaw naman din kasi ang may kasalanan e! Sige, mang-inis ka pa!" banta ko sa kanya. Tumahimik naman siya at tumingin sa cellphone niya.



"Pst, tinatanong ni DJ kung nasan ka raw. Di ka raw kasi nagrereply," sabi niya sa akin.



Ang sabi ni Daniel, liligawan niya. Pumayag naman ako at sinabing iyon na ang last chance niya. Syempre, nililigawan niya pa lang ako. Required na ba akong magreply sa mga texts niya sa akin? Hindi naman 'di ba? Aba, hanapin niya ako!



"Ah, wala kasi akong load. Sabihin mo na lang magkasama tayo," sabi ko.



"Anong gusto mo? Patayin ako nun sa selos? Noong nasa US pa nga lang tayo, grabe nang makapagbanta 'yun, e ngayon pa kayang malapit lang ako sa kanya? Replyan mo na lang kasi! Naka-postpaid ka tapos sasabihin mong wala kang load? Timang nito," sabi niya sa akin.



"Wow naman! Ako pa 'yong timang ha! Pagamit na lang ng phone mo! Naiwan ko sa unit ko yung akin," sabi ko sa kanya. He handed his phone at ginamit ko iyong pantext kay Daniel. Ang specified naman ng contact name ni Vier para kay Daniel! Ilang Daniel ba ang kilala niya?



To: DJ (Cousin)

 I'm at Vier's unit. Left my phone at mine. K.

The Devil's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon