Chapter 21

2.5K 98 26
                                    

Natanga rin ako sa sinabi ni Daniel. Imbes na tulungan siya agad, natigilan ako.


I can hear my heartbeat. Nararamdaman ko rin kung gaano ka-intense ang pagtibok niya ngayon. Malamig sa hallway kanina pero heto ako, intense ang pagpawis.


Six words. It took six words to destroy what I worked for in six years. It took six words to break the wall I've been carefully building in the past six years. Nasayang ang anim na taon ko sa anim na salita lang. 


Nilapitan ko na si DJ kahit nanginginig pa rin ako.


"Huy, gumising ka nga," sabi ko tapos ay tinapik ang mukha niya. Sa kabutihang palad, agad naman niyang iminulat ang mga mata niya.


"Ikaw kasi e, vinivideohan mo ako. Ayan tuloy, mukha akong tanga sa'yo. Wala namang ganyan," sabi niya sa akin tapos ay humagikhik. Ano? Ayun lang ang ibig sabihin niya sa "tanga ako sa'yo."? Dahil nagmumukha siyang tanga sa harapan ko?


Well, guess what, DJ, mas mukha akong tanga. I assumed. Damn it, ito na nga ba ang sinasabi ko e! Lagi na lang akong nag-aassume! Lagi ko na lang iniisip na ganito kahit na wala naman akong maayos na panghahawakan. Ano ngayon ang napala mo, Kathryn? The door you locked is now open... again. Your feelings for him came back again. And you can't do anything dahil, tulad ng dati, may girlfriend siya.


Don't make the same mistakes twice. Don't be that stupid. How can you be so stupid kasi, Kath?!


"Come on, let's get you in," sabi ko kay Daniel at inalalayan ko siyang makapasok. Tingin ko nagka-muscles na ako ngayong gabi.


Inihiga ko muna siya sa sofa at nagtimpla ako ng kape para mahimasmasan siya kahit kaunti lang.


"Where's your bathroom?" slurred pa rin na tanong ni DJ sa akin. Tinuro ko naman sa kanya ang banyo. Pagkapasok niya ay narinig ko ang pagsuka niya kaya kumuha ako ng extra towel para makapagligo siya. Manghihiram na lang ako ng damit kay Vier.


"DJ?" tanong ko sa kanya.


"Yes?" sagot naman niya. Oh, thank God, he's still awake.


"Gusto mo bang maligo? Manghihiram na lang ako ng damit kay Vier. He's just next door," sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot kaya pumasok na lang ako sa banyo.


Nadatnan ko siyang yakap-yakap ang toilet bowl at naka-tanggal na rin ang t-shirt niya. Damn, his back muscles are so... ugh.


Muli siyang dumuwal kaya naman lumuhod na ako sa tabi niya at hinimas ang likod niya.


"Let it all out. You'll feel better 'pag lumabas na 'yan," sabi ko sa kanya. Nang naramdaman kong maayos na ang pakiramdam niya, binigay ko na sa kanya ang twalya niya at sinabing maligo na para umayos lalo ang pakiramdam niya. Medyo nakita ko ring hindi na siya sobrang lasing kaya naman iniwan ko na rin siya para gisingin si Vier.


Alam ko naman ang passcode sa unit niya kaya naman pumasok na ako. Ganti ko na lang 'to sa pagpasok niya sa unit ko kanina. Pinuntahan ko naman siya sa kwarto niya at nakita ko siyang gising pa pero nakasalpak sa tenga niya ang earphones niya.

The Devil's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon