Chapter 2
“Miss, one week po talaga? Di po ba pwedeng bawasan? Tatlong araw na lang po, oh!” pagtatawad ko kay Ms. Espino.
Lilinisin daw namin yung school garden for one week! Tapos sa weekend, pipinturahan namin yung pader dun at lalagyan ng design. Aba naman! Ginawa na kaming alipin!
“No more haggling, Ms. Santos. You should learn how to be responsible for your own actions. You know the school rules; you know you broke them,” sabi ni Ms. Espino. No wonder nakuha ni Ms. Espino ang trabaho niya sa school na ‘to. Magaling siyang mang-guilty. Yung tipong ngangawa ka na sa harapan niya pagkatapos niyang sabihin lahat ng nagawa mo. Ano kayang ginagawa ng mga anak nito?
Napa-tango na lang tuloy ako. Dinismiss na rin niya kami at saktong pagkalabas ko ay tumunog na ang bell, which means… recess na!
“Nice, I just skipped a class. Bwisit naman kasi yung humarang na bike kanina e,” bulong ni Daniel. Napalingon naman ako dahil sa sinabi niya.
“Wow ha. Maraming salamat din. Dahil sayo, late akong uuwi hanggang next week, nerd,” sabi ko.
“Excuse me, hindi lang naman ikaw. Ako rin naman! Imagine how many seconds I would waste with you,” sabi niya sa akin.
“As if I want to be with you, huh. Wag masyadong assuming, sir,” sabi ko tapos umalis na. Nakita kong malapit na si Julia at si Arisse sa kinatatayuan ko kaya naman linapitan ko na sila.
“Dude, ang aga-aga, nakakunot agad ang noo mo,” sabi ni Julia sa akin.
“Anong sinabi ni Ms. Espino, in-enlighten ka ba niya sa mga kasalanang nagawa mo?” tanong ni Arisse.
“Nakakatakot pa rin si Ms. Espino, as usual. I can say na favorite student na niya ako since ang mga katulad kong estudyante ang rason kung bakit may trabaho siya ngayon,” sabi ko. Natawa naman silang dalawa.
“Wag na kasing papa-late, dude,” sabi ni Julia at umupo na kami sa cafeteria table.
“Si Mama kasi e, ayaw pa rin akong pasakayin ng jeep,” sabi ko.
“Wala naman tayong magagawa dyan, natrauma talaga Mama mo e. Teka, bili lang ako ng pagkain,” sabi ni Arisse tapos tumayo na.
“Dude, nakatingin sayo yung kampon ni Z. Nalaman na ata niya na masosolo mo ang Fafa Daniel niya for one week,” sabi ni Julia sa akin. Napatingin naman ako sa may gitnang table at nakita kong nakatingin nga sa amin sila Zharm.
Zharmella Mendoza is the school’s reigning Queen B. Inaamin ko, she’s pretty, skinny, flawless. Pero just like any Queen Bs, she’s a top of the class biatch. And everyone knows she has a crush on Daniel Reyes, just like everyone else. And by everyone else, I meant, everyone else… except me.
“Don’t mind them. As if naman ginusto ko ‘to diba. If she wants, we could trade places,” sabi ko.
“But, you can’t do that,” sabi ni Julia. Tumango ako at nagkibit-balikat.
***
Damn it, it’s 5:00 already at wala pa ‘tong kasama ko! Wag niyang sasabihing tinatakasan niya ako! Nako, mapapatay ko siya.
I took my phone out para sana itext ko siya nang maalala kong wala pala akong number niya. Why would I even bother getting his number kung hindi ko naman siya itetext ever? Now I realize na mali ang katwiran kong iyon. I should’ve gotten his number.
Ah, I know na!
Tinext ko si Julia at si Arisse, nagbabaka-sakaling may number sila ng kambal ng demonyo. Arisse replied immediately at laman ng text niya ang number ng demonyo! Agad kong dinial ang number. Three rings after, may sumagot din.
“Hoy nasan ka na ba ha?” bungad ko. Nagulat ako nang babae ang sumagot.
“Excuse me, sino ‘to? Si DJ ba? Nagttraining pa siya ng basketball e,” sabi nung babae tapos binaba agad ang tawag.
Basketball? He’s training for basketball?! Habang ako, andito, nilalamok na at may chance na magka-dengue tapos siya nasa gym lang at nagttraining?! So may balak talaga siyang takasan ako? Walang hiyang lalaki yan! Nagmamadali akong tumakbo papuntang gym. At ayun nga ang kambal ng diablo! Nagpapapunas ng pawis sa mga fangirls kuno niya. Tamad talaga!
“Hoy, kailan mo ako balak tulungan sa paglilinis doon?!” sigaw ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya nang nakita ako.
“Ay sht, sorry! I forgot!” sabi niya sa akin at nasapo pa niya ang noo niya. Naglakad siya papalapit sa akin.
“Ewan ko sa’yo!” sabi ko tapos tumakbo na palabas. Anak siya ng tinapa! Natapos ko nang linisin yung garden tapos siya nagpapaka-sarap doon. Bwisit siya! Isa siyang malaking bwisit!
“Uy, Kath, sorry na. It was not my intention to forget,” sabi ni Daniel nang mahabol niya ako. Anak ng tinapa, paano niya akong nahabol agad? Right, basketball player nga pala.
“Save your excuses, bukas hindi ako maglilinis dito. Bahala kang mapagalitan. Bwisit ka. Nasayang pa ang seven pesos ko sa pagtawag sa iyo!” sabi ko sa kanya.
“You called me? You have my number?” tanong niya sa akin at napangiti.
“Well, I figured that I had to since ako lang mag-isang naglilinis when it was supposed to be the two of us!” sigaw ko.
“I told you I’m sorry na nga! Why are you shouting at me?” tanong niya.
“I’m pissed. When I’m pissed, I shout. I’m pissed at you, so I shout at you. Leave me alone!” sabi ko tapos kinuha na ang bag ko at pinuntahan ang bike ko. Bahala na siyang mag-isa. I hate him to hell!
BINABASA MO ANG
The Devil's Twin
Teen FictionShe is Kathryn Chandria Santos... and she knows the devil's twin. (The More You Hate, The More You Love v2.0)