Chapter 12

2.3K 83 10
                                    

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko para pumasok ngayon. Masyadong exhausted ang isip ko. Maga rin ang mga mata ko dahil sa nangyari kagabi. After kong masend ang message na iyon kay DJ ay tinawagan ko agad si Julia. 

xyz

Julia, nasabi ko kay DJ na gusto ko siya.

What? Paano naman yun nangyari?

Chinat niya kasi ako tapos ang kulit kulit niya. Tapos, he is flirting with me! Obvious sa language niya na he is flirting with me. He acts as if he is really concerned. Shit, I should've not replied. 

Well, there's no point in hesitating. Wala ka na rin namang chance na baguhin ang nangyari na. 

I know, it's just that... Ewan ko! What if he tells A? I'm in deep shit.

Maybe this is God's way of telling you na dapat sabihin mo na talaga sa kanya yang nararamdaman mo.

Bukas. Bukas sasabihin ko na talaga. Bukas, tatapusin ko na lahat.

xyz

Madaling na sabihin na tatapusin mo na ang lahat kinabukasan. But, the truth is, hearts don't heal overnight. You don't recover from a wound easily. Kapag nadapa ka at nasugatan, kinabukasan andyan pa rin yung gasgas diba? Hindi ganoon kadali ang lahat.

Pagkarating ko sa classroom, sinalubong ako ng isang umiiyak na Arisse. Why is she crying?

"Kath, he broke up with me," aniya at niyakap ako nang mahigpit.

"What? Anong nangyari?" tanong ko at umupo ako sa tabi niya. Nakatingin naman ang iba naming kaklase pero sinenyasan ko na hayaan na muna kami. Bumalik naman sila sa kanilang ginagawa.

"Kagabi, maayos pa naman kaming nagcchat tapos biglang hindi na siya nagreply. Then, the next thing I know, he wrote, 'I'm breaking up with you'. Seriously, who breaks up with his girlfriend overnight?"

Why do I have a feeling that I have to do something with this?

"Bakit daw siya nakipag-break?" tanong ko. I felt a huge lump in ny throat. I tried to swallow it away but it just sits there.

"Sabi niya, he's not just feeling it anymore. Ano pa ba ang gusto niya? I always showed him how much I love him. I asked him if I can do something to fix us up pero ang sabi na lang niya ay may gusto siyang iba," sabi ni Arisse at nagpunas ng luha. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa kakaiyak, lalong lalo na ang kanyang ilong.

"Did... Did he mention anything about the girl?"

"No, ang sabi lang niya, nagconfess yung girl sa kanya pero they ended up badly. Ang sabi pa niya, he felt something he didn't feel when he was with me. Well, goddamnit, he only likes the chase!" singhal ni A at padarag na kumuha ng tissue.

The Devil's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon