Hi guys! Pa-Author's Note lang ha? Thank you sa mga nagbabasa! Anyway, if you're going to talk about The Devil's Twin on Twitter, use the tag #TheDevilsTwinKN! Para naman makita ko kung sino yung mga nagbabasa talaga. Charot. Sana may magtweet hahaha. Charr.
-----------------------------------------------------------------------
Chapter 6
I want the ground to swallow me right now.
Habang ang mga tao sa harapan ko ay nagtatalunan at nagsisigawan, ako naman ay naka-upo lang at nakatulala. Nakita kong binuhat siya ng mga kasamahan niya at hinagis-hagis pa. May ilang babae at binabae ring nagpa-picture sa kanya kahit na pawisan siya. Ang mga cheerleaders naman ay nag-ayos ng makakapal nilang make-up para magpapansin sa kanya.
If I go on a date with him, siguradong kukuyugin ako ng mga babaeng ‘to. Siguradong instant celebrity ako. Damn it! Bakit ko ba kasi naisipang pumayag sa gusto niya? At talagang may home court advantage siya!
Wa. Lang. Hi. Ya.
Saglit lang, lumalapit siya sa akin. Nakikita nilang lahat kung saan siya papunta. At alam ko kung saan siya pupunta. Sa akin. Tuhnginuh. Dayum.
“Uy, ba’t andyan ka lang? May after party, gusto mong sumama?” tanong niya tapos ay tumabi sa akin at nagpunas ng pawis.
“Ang baho mo,” sabi ko sabay tapik kuno sa ilong ko. Well, di naman talaga siya mabaho. In fact, wala nga siyang amoy e. Parang normal lang. Wait… is that even possible?
“Wow ha. Sore loser,” sabi niya. Then he flashed his signature Reyes devil smile.
“What? Sore loser ka d’yan,” sabi ko tapos nag-iwas ng tingin sa kanya.
“Totoo naman e. Natalo ka lang, nagdadabog ka na. Walang ganyanan,” sabi niya.
“Ewan ko sa’yo.”
“Ano? Sasama ka? Sama ka na!”
“Tingnan mo ‘to, magtatanong tapos mamimilit lang din naman.”
“E kasi ikaw, nagpapapilit ka pa.”
“Sino bang nagsabing nagpapapilit ako?”
“Ako. Kakasabi ko lang tapos papa-ulit mo?”
Hindi ko na lang siya sinagot dahil… wala rin namang patutunguhan ‘tong pag-uusap namin.
***
It was supposed to be a normal October 19. Pero hindi. It is the day of the date.
BINABASA MO ANG
The Devil's Twin
Teen FictionShe is Kathryn Chandria Santos... and she knows the devil's twin. (The More You Hate, The More You Love v2.0)