Daig ko pa ang internet na natanggalan ng connection sa sobrang bagal.
DJ + Arisse = ?????
Hindi ko ma-imagine kung anong mangyayari kung magiging si Arisse man at si Daniel. Tsaka, kailan pa nagustuhan ni DJ si Arisse? And, mutual ba feelings nila? Gusto rin kaya ni Arisse si DJ?
Teka teka teka…. TEKA!!!!
Kaya lang ba ako inapproach ni DJ these past weeks para lang magpatulong kay Arisse? Wow… I feel used. Well, hindi naman sa ayaw kong maging si DJ and si Arisse pero kasi, I thought that DJ was putting everything that happened aside para magka-ayos kami. I mean, our reconciliation was long overdue.
Simula bata pa lang kami ay nagbabangayan na kami—nagpapataasan sa grades, nagpapagalingan pagdating sa PE, nagpapakafriendly sa iba. Kaya naman noong nilapitan niya ako e naging masaya ako kasi akala ko talaga, okay na kami. Yun pala, may hidden agenda pala ang mokong.
Nakaka-hurt lang kasi hindi ba niya kayang siya na mismo ang gumawa? I mean, siya na mismo ang gumalaw para ligawan si Arisse. Hindi yung gagamitin pa niya ako. Ano ako, tulay? Grabe naman siya.
Pero, shit lang, Kathryn, ano ba yung sinabi mo kanina? Hindi ba pumayag ka? Tapos ano pa itong nirereklamo mo? Hindi na talaga kita maintindihan.
xyz
“Anong favorite color ni Arisse?” tanong ni DJ sa akin. Five hours ago, nagtanong si DJ kung pwedeng magpatulong manligaw kay Arisse at andito siya ngayon sa bahay namin. Wala naman kasing pasok dahil retreat ng mga teachers. Nandito kami ngayon sa may dining room at naka-upo kami sa mga high chairs. Wala akong kasama sa bahay dahil nagtrabaho pareho sila Mama at Papa.
“Uhm, kahit anong pastel,” walang gana kong sagot sa kanya habang siya naman ay masiglang sinusulat sa isang notebook ang mga gusto ni Arisse.
“E pagkain?”
“Cupcakes. Ano bang balak mong gawin?” tanong ko sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo at kinagat ang takip ng ballpen niya.
“Ewan pa nga e. Ano bang magandang gawin. Tingin mo?” tanong naman niya sa akin.
“Ewan ko. Never pa naman akong nanligaw. Paano ba naging kayo ni Zharm?” Napa-kunot naman ang noo niya.
“I never courted Zharm. She said she was willing to be my girlfriend. Bored ako non so I allowed her to be. I didn’t know she’d end up being a weirdo,” aniya. Natawa naman ako nang malakas.
“She really is a weirdo. Alam mo bang pinapadalhan niya ako ng threats dahil lang lagi kitang kasama? Parang adik lang, diba? As if naman may gusto ako sayo, duh.”
“I really thought you like me…,” sabi niya na ikinagulat ko. Muntikan ko pa ngang maibuga yung juice na iniinom ko e.
“Hala! Anong gusto mong iparating?”
“E kasi naman, umiiwas ka sa akin tapos lagi ka pang nagagalit. Diba, as the saying goes, the more you hate, the more you love? Akala ko ganon ka kaya sobrang iwas mo sa akin.”
“Come on! Iniiwasan kita kasi iniinis mo kaya ako nung bata pa tayo? Kapag andyan ka lagi akong umiiyak tapos sisirain mo pa yung mga dolls na nilalaro namin ni Ate Roanna. Tsaka, naniniwala ka dun? Baduderz mo naman!”
“Ouch ha! Grabe naman ‘to! Hindi naman ako ganon ka-baduy! Pero sino ba type mo? Yung varsity ba ng soccer?”
“Si Inigo? Friends lang kami nun!”
Ngumiti naman siya nang malaki at siniko ako. “Uyyy, ikaw ha. Denial ka pa. Ayos lang sa akin kahit aminin mo. Di ko naman pagsasabi.”
“Hala, parang elementary lang? Nababaliw ka na talaga,” sabi ko at umiling-iling pa.
“Pero, seryoso, tulungan mo na ako kay Arisse. Ano ba yung mga tipong lalaki ni Arisse?” tanong niya. Napa-buntong hininga naman ako at napa-isip. Ano nga ba ang type na lalaki ni Arisse?
“Gusto mo text ko siya? Hindi ko rin kasi masyadong kabisado e. Tsaka di rin naman namin pinag-uusapan yang love love. I mean, come on. Fourth year high school pa lang tapos love love na agad? Hindi ba masyadong maaga pa?” tanong ko sa kanya.
“Wala namang pinipiling oras ang pag-ibig e. Pag andyan siya, edi andyan siya.”
“How do you even feel na love na yun? Paano mo malalaman kung wala ka naman talagang experience?”
“Kaya nga ‘feeling’ yung love e kasi nararamdaman mo yun. Words are not enough to explain what love is. And, love differs in meaning. Depende rin sa tao yun.”
“But, still, paano mo nga malalaman na ayun na yun diba? Kunwari ikaw, how did you even know na gusto mo si Arisse? May sign ba?”
“I don’t know. It’s just there. It’s ineffable.”
BINABASA MO ANG
The Devil's Twin
Teen FictionShe is Kathryn Chandria Santos... and she knows the devil's twin. (The More You Hate, The More You Love v2.0)