I... I should not be feeling this, right? This is not appropriate. Bakit biglang nagseselos ako kay Arisse? Hala...
Kinuha ko naman ang phone ko para replyan si DJ.
To: DJ
Ah, talaga? Galing! 😁
Ni-lock ko naman ang phone ko matapos. Ano ba naman yan, Kathryn, naghihingalo ka na nga sa Physics, pag-ibig pa rin inaatupag mo.
xyz
Sa mga sumusunod na araw, lagi na lang may hawak na bulaklak si Arisse. Pinapakyaw ata nitong si DJ ang mga flower shops sa bayan. Hindi ba nauubusan ng pera to?
"Shit, dalaga na talaga si Arisse. Nakakaiyak," wika ni Julia habang dala-dala ni A yung flowers na bigay ni DJ. Tumawa naman si A habang ako ay napangiti na lang.
"Sabi ko naman kasi sa kanya, ayos lang kahit walang bulaklak every day kaso siya itong mapilit, hindi naman nakikinig," sabi ni A.
"Ay masamang pangitain yan," sabi ko.
"Bakit naman?" tanong ni J.
"Kasi, paano kung naging kayo, edi hindi ka rin niya pakikinggan kung ganon?" tanong ko. Totoo naman e, kahit hindi man si DJ ang nanliligaw kay A, sasabihin ko pa rin iyon. Arisse is still my friend... Ako lang naman ang may problema. Damn this!
"Wow, humuhugot minsan si K!" sabi naman ni Julia.
"Oo nga! Ano nakain mo, ate?" tanong naman ni A at nag-apir pa sila ni J.
“Eto naman! Syempre, iniisip ko lang ang kapakanan mo.”
“Pero, A, sasagutin mo ba si DJ?” tanong ni Julia. That got my attention kaya naman inayos ko ang upo ko.
“Hmm,” hinga ni Arisse. “I don’t know. Maybe, pero hindi pa ngayon. I have to see if he really deserves me. Okay lang naman sa’yo, diba, Kath?” tanong niya sa akin.
“Huh? Bakit?”
“Kasi, diba, magka-away kayo dati tapos here he is, courting your friend,” sabi ni Arisse.
No, it’s not okay. May something wrong. I have a bad feeling about this.
These are the words I want to say to her, pero hindi ko magawa. Why? Because she’s my friend. All hell will break loose kapag sinabi ko iyon. Magkakagulo kami. And I can’t ruin our firendship over a boy. A boy who, before last week, was making my life a torture. So, what are you thinking right now, Kathryn? Gusto mo ba talaga si DJ? Don’t you even remember the things he said to you before? That you’re worthless, self-conceited? Now, tell me, do you truly like him?
“Of course, it’s okay,” I said with a smile.
Liar.
BINABASA MO ANG
The Devil's Twin
Teen FictionShe is Kathryn Chandria Santos... and she knows the devil's twin. (The More You Hate, The More You Love v2.0)