Chapter 11

2.5K 94 8
                                    

I just found myself staring into space sa isang bench malapit sa gym.

This is officially it. I am officially moving on from DJ. Ano ba yan? Ang daming arte, e crush lang naman ‘to! Ang problema ko pa, hindi ko man lang masabihan sila A and J. Kung pwede ko lang sabihin sa kanila, edi sana madali na ‘tong natapos?

But, I guess I have to do this myself. Siguro nakita na ni Lord na masyado akong dependent sa mga kaibigan ko kaya binigay niya sa akin ito. Pero, bakit naman love problem pa? Hay.

So, how do I even start this? Ah! I’ll just treat him the way I did before. ‘Yung tipong walang pakialam. ‘Yung hindi siya kinakausap. Siguro kapag iniwasan ko siya, mawawala na rin ‘to. Pero… boyfriend na nga pala siya ni A! Imposible namang iwasan ko siya edi iiwasan ko rin mga friends ko? Bahala na nga! Basta, before matapos ‘tong  school year, na-erase mo na ‘yang crush crush mo sa pangit na yan!

“Huy! Nakatulala ka dyan?” Speaking of the devil nga naman o! Iiwasan na nga, siya pang lalapit!

“Ano ba? Wag ka ngang nanggugulat dyan!” pagtataray ko tapos ay umalis na ako. Every time na lalapit siya sa akin, bumibilis ang tibok ng puso ko. I should not be feeling that, di ba?

“Hala, ang sungit mo na naman sa akin!” he said, trying to keep up with my pace. What the hell? Sinusubukan kong bilisan ang lakad ko pero lagi niya akong nasasabayan.

“Wag kang makulit, Reyes. Busy ako,” sabi ko sa kanya at pumunta sa CR ng girls. Naghilamos naman ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Bakit ko ba naisip na baka magustuhan niya ako? Sa pangit kong ito, magugustuhan niya ako? Ang itim itim ko, ang dami ko pang pimples. Sino nga naman kasi ang magbabalak na ligawan ako?

 Sometimes, high school can be so cruel. Kahit bobo ka pero maganda ka, ikaw pa rin ang iidolohin ng mga tao. Ikaw pa rin yung magiging imahe ng school. Ikaw pa rin yung kilala ng estudyante ng ibang school. Kapag naman matalino ka, ikaw yung ka-close ng mga teachers pati na rin yung sa ibang school. Puro matatanda makaka-recognize sayo. Kamusta naman ‘yun?

After kong pumasok sa CR, hindi na rin naman ako kinulit ni DJ pero I can sense na hinuhuli niya ang tingin ko. Dati kasi, nagsesenyasan pa kami pero ngayon, iniiwasan ko na ‘yun. Ayaw ko na muna ng maraming communication sa kanya.

Kaso, habang pauwi kami ni Julia…

“Ikaw ha, Kathryn, ano bang nakain mo at iniiwasan mo yang si Daniel?” tanong niya sa akin. Sinenyasan ko naman siya na tumahimik muna dahil baka makasalubong namin sila Arisse. Nasa plaza na kasi kami at alam kong may date sila ngayon dahil monthsary nila.

“Uhm, wala lang. Normal naman pakikitungo ko sa kanya, ha?” sabi ko.

“Normal daw. Kinakausap ka nga niya tapos di mo pinapansin e!”

 

“Ah busy kasi ako nun!”

 

“Anong busy? Kinausap mo kaya ako bigla after! Sabihin mo na kasi yung totoo diba?”

The Devil's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon