Chapter 18

2.3K 85 11
                                    

"So, you're high school classmates?" Nadine asked us habang naka-upo kami sa isang booth ng isang restaurant. Naka-akbay si DJ kay Nadine at ganoon din si Vier sa akin. Kanina pa hindi tinatanggal ni Vier ang hawak sa akin and I'm quite thankful for that. Tumango naman kaming dalawa sa tanong ni Nadine.


"Bakit 'di ko alam 'to?" tanong ni Nadine.


"That's because I don't tell you stories about my high school. You don't ask naman," sabi ni Daniel tapos ay sumulyap sa akin.


"Okay, so I'll order na lang and you two catch up," sabi ni Nadine at tumayo na.


"I'll help you, so we can give these two privacy," sabi ni Vier at kinindatan pa ako. I was glad nang makita kong nakatingin lang sa may bintana si DJ at hindi nakita ang pagkindat ni Vier. Baka mamaya kasi mamaya, iba ang isipin niya e.


"So, how are you?" tanong ko sa kanya habang sumimsim sa tubig na sinerve kanina.


"Wow, you have the nerve to ask me that," pagtataray niya sa akin. Nakita ko sa mga mata niya ang inis. Woah, I did not expect that.


"Bakit na naman? Ano bang ginawa ko sa'yo?"


"Ayun nga e! Wala ka ngang ginawa! Six years akong walang komunikasyon sa iyo. Sa loob ng six years na 'yon, I needed a friend—kahit hindi mo na ibalik 'yung nararamdaman ko para sa iyo noon. Pero, putangina lang! 'Di ko alam kung paano ko hahalughugin ang buong Pilipinas para lang mahanap ka. Tapos, bigla kong malalaman na nasa States ka pala? Anong shit 'yun, Kath? Akala ko naman, lalayo ka lang sa akin. Akala ko naman, ibang university lang but you went to a different dimension! I did not know that the space you needed was a thousand miles. And, we're neighbors, for Christ's sake! Tinamad ka bang maglakad ng iilang steps, kumatok sa pintuan namin, at sabihing "Hi DJ, pupunta akong US. Bye, ingat."? Tatlong steps lang 'yun!" sunud-sunod niyang sabi na para bang matagal na niyang tinago iyon. Naramdaman ko namang may tumulo sa pisngi at doon ko lang napansin na naluluha na pala ako.


"Alam mo ba kung bakit ako umalis?" tanong ko sa kanya.


"Because you're a coward?" sagot niya na nagpasakit sa puso ko. I never thought he would think me as that. But, I guess, in his point of view, baka ganoon din ang isipin ko.


"No, because I know na walang mangyayari sa atin kapag hindi ako aalis. If hindi ako umalis, I would still be hopelessly in love with you. Hindi ako magpprogress sa buhay ko. We are toxic for each other," sabi ko sa kanya.


"Who are you to say na we're toxic?" galit na tanong niya.


"Who are you to say we're not?" balik ko sa kanya.


"Six years have passed, and you still frustrate me," sabi niya sa akin at pinasadahan ng kamay niya ang kanyang buhok. It is the first time I got a clear look of his face.


Ang dati niyang bad boy na mukha, napalitan na ng matured na mukha. His hair is longer, but it is still neat. Mas halata na ang mga eyebags niya pero ganoon pa rin kaganda ang mga mata niya. Bigla naman siyang bumuntong-hininga.


"I missed you," sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko at pinisil ito, as if he was testing if I'm real.


"Na-miss din kita," sabi ko sa kanya. "Guess what, I've moved on," dagdag ko pa. Nginitian naman niya ako.


"Good for you," sabi niya. As if on cue, bumalik na sila Nadine and Vier. Pinunasan ko naman ang mukha ko dahil ramdam ko ang pagka-maga ng mga mata ko.


"Okay ka lang, Trine?" tanong ni Vier sa akin. Nginitian ko naman siya at nagsimula na kaming kumain.


"So, Trine? What, you had a baptism or..?" tanong ni DJ.


"Well, everyone's calling her Kath so I thought of calling her Trine so that she'll know I'm the one calling her," sabi naman ni Vier. Nakita kong tumango na lang si DJ.


"So, how did you two meet?" tanong ko sa kanila. Umayos naman ng upo si Nadine.


"Well, matagal na akong nagtatrabaho for Dad then noong new employee siya. Sobrang hangin, grabe!" Natawa pa siya nang maalala niya. "Then, every day, we started chatting hanggang sa naging comfortable na kami sa isa't isa. Then, he started courting me hanggang sa napunta na kami sa ngayon. Currently, we're on our 14th month together," sabi ni Nadine at hinawakan pa ang kamay ni DJ. Nag-ngitian naman sila.


"Kayo, paano ba kayo nagkakilala?" tanong naman ni Nadine.


"We were the only Filipino sa campus so we clicked. Sa five years namin, never kaming naghiwalay," maikling sabi ni Vier.


"I guess, destiny really wanted you to be together, ano? Imagine, sa dinami-rami ng estudyante, kayo lang ang Pinoy?" kilig na sabi ni Nadine. Ngumiti na lang kami sa kanya at nagpatuloy na kumain.


Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa office habang si Vier naman ay umuwi muna sa pad niya. Pagkabalik sa office ay tinawag kami ni Mr. Limcuando.


"Ms. Santos and Mr. Reyes, since kayo ang finest sa mga employees natin dito, kayo ang iaatas ko sa proyektong ito," panimula ni Mr. Limcuando. I was overwhelmed naman dahil first day ko pa lang ay kasali na ako sa finest. Probably dahil na rin sa experience ko abroad at dahil sa mga idinesign kong bahay ng iilang celebrities sa Hollywood.


"A client of ours wants to build a resort in Pampanga and he wants our best to be on it. Malaking achievement ito para sa firm kapag nagawa niyo ito nang maayos. I already sent the details to your emails and I need your initial design by Friday. Is that clear?" tanong ni Mr. Limcuando.


"Yes, sir. We will do our best," sabi ko naman. 


"Thank you for trusting us. We will make sure that we'll do it," sabi naman ni DJ. Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa offices namin.


"Let's meet tomorrow para sa project na ito," sabi ni DJ at iniwan na ako.

The Devil's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon