Prologue

72 6 0
                                    


‍"Anak, kailan ka ba mag-aasawa? 27 ka na, ni wala ka man lang jowa."

Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa pambungad sa 'kin ni Mama sa umaga.

"Ma, kailangan po munang makakapagtapos ni Joseph. Pamilya muna bago landi."

Sumabat naman 'tong kapatid ko. "Kuya, ayaw mo lang kasing manligaw. Huwag ka ng mahiya."

Sumimangot ako. "Sana kasi clear skin ako kagaya mo, 'di ba?" Bumuntong hininga ako. "Saka Mama, gusto ko po muna talagang mag-ipon para naman mapaayos na natin 'tong bahay. Accountant po ako pero ni hindi man lang natin mapaayos itong bahay."

"Anak, gusto kong mapaayos itong bahay pero maganda rin kapag nagkaanak ka na. Magkaka-apo na ako."

Sumabat naman ang mahadero kong kapatid. "Bigyan kita ng apo, Ma."

Nagulat ako at natawa nang batuhin ni Mama si Joseph ng plastic na mangkok.

Inubos ko na lang ang kape sa baso ko saka inayos ang damit ko. Kinuha ko na rin ang bag ko na nasa upuan. "Ma, alis na po ako. Mahirap ma-traffic."

"Ingat ka, anak!"

"Uwian mo ko ng ice cream, Kuya Gelo!"

Gelo Ocampo, handa ng magtrabaho!

                  ✎✎✎

Masigla akong lumabas ng bahay kahit pa kailangan kong maglakad papasok sa trabaho. Simpleng buhay, simpleng pamayanan, simpleng kuwento.

Araw-araw, kailangan kong pumasok sa trabaho at kumayod para sa pamilya ko. Kagaya rin lang ng iba na nag-o-overtime at halos hindi na umuuwi.

Wala namang bago sa buhay ko. Maliban na lang sa babaeng lagi na lang may topak kapag nakikita ako.

"Pangeeeeeeet!"

Napatakip ako sa dalawa kong tainga nang marinig ko na ang boses na brusko kahit babaeng payatot naman ang sumigaw.

Kumunot lang ang noo ko nang tumingin ako sa kaniya. Morena siya, pandak, malaki lagi ang suot, at siga kung lumakad. Mas lalaki pa sa 'kin ang babaeng 'to. Mas marami pa siyang babae kaysa sa 'kin.

"Ano na naman 'yon, Sandra?"

"Tawagin mo nga sabi akong Drei!"

Sandrei Mobano, siga ng kanto kahit ang payat naman ng mga braso at mukhang kinulang pa sa height. Raketera ito at laging napapaaway. Hindi ko talaga siya gusto kahit may itsura siya. Umiinom kasi siya at naninigarilyo. Ang dami pang kaibigan na puro tambay.

"Oh, anong kailangan mo?"

"Baka naman may pera ka. Pautang naman."

Lagi niya kong kinakausap na parang close kami. Tuwing napapadaan ako sa talyer kung saan siya madalas nagtatrabaho, tinatawag niya lang ako para asarin na panget. Parang kinder siya umasta minsan kahit lagpas bente anyos na.

"Wala kong pera."

"Accountant ka, 'di ba? Nakapagtapos ka pa ng college tapos madami kang awards. Sigurado, maganda pasahod sa'yo."

Humugot ako ng bente sa bulsa ko saka ko tinapal sa noo niya. "Mag-almusal ka na lang. Ang aga-aga, nangungutang ka na agad."

"Ito namang tadtad ng pimples, hindi makinis, maitim, at pangit na lalaki na 'to. Alis na nga ako. Salamat sa bente, ah!"

Umalis na agad siya matapos kunin ang bente sabay takbo papunta sa almusalan ni Aling Karing.

Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng iyon.

Pero lagi naman siyang tama. Pangit ako.

TinTalim

Ugly Love of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon