Sandrei's POV
"Mamang, mag-dancer na lang muna kaya ako sa bar? Gusto ko pong makatulong," lakas-loob kong sabi kay Mamang. "Hindi naman po siguro mahirap sumayaw-sayaw."
Napakunot ang noo ni Mamang kasabay ng pag-upo niya. "Nahihibang ka na ba, Drei? Hindi ako papayag! Anak na kita at hindi ko hahayaang sumayaw-sayaw ka sa harap ng mga hayok na taong 'yon. Kinupkop kita hindi para pagsayawin, okay? Mamasada ka na lang ng tricycle mo. Makakahanap din ako ng mga bagong dancer."
Hinawakan ko ang kamay ni Mamang. "Mamang, kaya ko po iyon. Isa pa, hindi ninyo na po ako kailangang bayaran na makakabawas na sa alalahanin ninyo. Hindi ko rin naman po papabayaan ang sarili ko. Hindi ako magpapabastos sa mga costumer. Sasapakin ko kapag binastos ako."
Kinakabahan din naman ako sa naisip ko pero ayaw ko rin namang mawala o malugi itong bar. Aba'y kawawa ng Mamang ko. Siguradong magagalit pa 'yong singkit na may-ari nitong bar. Nakita ko na 'yong magalit at halos mawala na ang mata nito.
"Sure ka ba riyan, Drei? Kailangan mong magsuot ng sexy na damit at mag-make up. Hindi ka pa naman sanay sa gano'n. Saka, mapapagod ka pa at mapupuyat. Natatakot din akong baka may mangyari sa 'yong masama. Kapakanan mo ng inaalala ko."
Nginitian ko si Mamang. "Huwag na po kayong mag-alala. Marunong po akong sumayaw. Trip ko po iyon noong mas bata pa ako. Naglalagay din po ako ng make-up noon sa mukha. Medyo pihado lang po tayo sa pagsusuot ng sexy na damit. Pero kakayanin ko po iyon basta na makakatulong po ako sa inyo."
Tinapik ni Mamang ang balikat ko. "Kung sigurado ka na riyan sa desisyon mo, magpapatahi na ako ng mga bagong damit para sa'yo. 'Yong hindi masyadong revealing. Galingan mo na lang sa pagsasayaw. Pero, babantayan kita ng maigi."
Natawa ako sa isang sinabi ni Mamang. "Mamang, halos wala naman pong makikita sa akin," Sinubukan kong patalbugin ang dibdib ko pero walang nangyari. Parang may nagalaw lang na pader. "Kita niyo na po? Walang gumalaw. Iyon naman po ang madalas na dahilan sa pagkahumaling ng mga lalaki sa mga babae."
"Eh paano naman tayo dadagsain ng mga costumer kung walang umaalog sa'yo? Nako, buti na lang at pinagpala 'yang pwet mo."
Nagtaas-baba lang ang mga kilay ko. "Ako na ang bahala, Mamang. Magtiwala ka lang. Ngayon ka lang makakakita ng malupit na siga na biglang magiging diyosa!"
Gelo's POV
"Gelo?" pagtawag sa akin ni Assistant Manager Mendez. Nakaupo na pala siya sa harapan ko habang kumakain ako ng lunch dito sa pantry. "You look pale. I know that your skin color is black but you really look pale. Kanina habang nagtatrabaho ka, parang gusto mo ng sirain 'yong mouse at keyboard."
Pilit ang naging ngiti ko sa kaniya. "Something's just bothering me. Hayaan mo na lang."
Ilang araw ko ng linalayuan ang kapatid ko. I just don't feel like talking to him. Umaalis na ako ng mas maaga sa bahay tapos nag-i-stay lang ako sa may simbahan bago ang working hours ko. Tinanong ako ni Mama minsan kung bakit hindi ko kinakausap ang kapatid ko. Sinabi ko na lang na busy ako at gano'n din naman si Joseph.
Nakakatuwa rin na linapitan ako ni Assistant Manager Mendez. Ang pagkakaalam ko kasi ay siya 'yong tipo na walang pakialam sa paligid niya. Mararamdaman mo siyang nakamasid pero hindi ka naman niya kauusapin.
"Kung may problema man kayo sa bahay, huwag mong dadalhin dito sa trabaho. Mapapagalitan ka ng CPA o kaya ni Manager Ceriano kapag nagkamali ka. Tuwing day off mo lagi pa namang sinasabi ni Manager na ikaw ang gayahin namin."
Ngumiti ako. "Salamat."
Tatayo na sana si Assistant Manager Mendez nang may dalawang babaeng umupo sa magkabilang gilid niya. "Kumusta kayong dalawa? Baka magulat na lang kami na magjowa na pala kayo," sabi ni Rinrin na nakaupo sa kaliwa ni Assistant Manager.
BINABASA MO ANG
Ugly Love of Us (Completed)
RomanceA man and a woman with different personalities, views in life, attitude and appearance. An ugly softie and a harsh lady. What will be the ending of this common story? Or is it really common?