Joseph's POV
"Mama, nakauwi na po ako," sabi ko saka umupo muna dahil nakakapagod maglakad.
Nakita ko si Mama sa may kusina. Nagluluto siya ng panghapunan namin. "Oh, kumusta ang pasok mo? May mahirap bang pinagawa?"
Umiling lang ako saka sumandal sa upuan. Mas nahihirapan pa kasi ako sa paglalakad. Pero minsan, binabagalan kong maglakad. Minsan, ayaw ko ring umuwi. Wala naman na kasi sa bahay si Kuya Gelo.
Ilang araw na simula nang umalis si Kuya Gelo dito sa bahay. Ni wala nga akong kaalam-alam. Si Mama pa ang nagsabi sa 'kin. Nagtatampo ako kahit pakiramdam ko, isa rin naman ako sa mga dahilan kung bakit siya umalis. Hindi naman literal na umalis. Bumukod lang. Saka sabi naman ni Mama, malapit lang daw si kuya.
Umupo sa tabi ko si Mama. "May bumabagabag ba sa'yo, anak?"
Dahil sa tanong ni Mama, bigla kong naalala 'yong nakita ko sa may convenience store kanina. Kusa akong napangiti. "Nakita ko po si Kuya Gelo saka si Ate Drei na magkasama kanina. Nasa may convenience store po sila."
Nanlaki ang mata ni Mama. "Talaga? Nako! Matinik din pala 'yang kuya mo. Paano kung bumukod pala siya para maibahay niya na 'yong si Drei? Nako, salamat naman! Magkakaapo na ako!"
Tiningnan ko lang si Mama nang tumayo siya habang abot-tainga ang ngiti niya. Napailing-ilng na lang ako. Hindi ko alam ang relasyon nila pero tingin ko naman, bagay sila.
Gelo's POV
"Bakit mo naman naisipan na patirahin ako rito?" tanong ni Sandra habang nakaupo siya sa may sofa at nakatutok ang mga mata sa TV.
Pumunta ko sa lugar namin kanina. Gusto ko kasing itanong kay Sandra kung siya ba talaga 'yong nakita ko habang naglalakad kami ni Cindy pauwi kanina. Tapos naabutan ko na lang siya sa gilid ng kalsada. Hinampas niya ng bote sa ulo 'yong lalaki. Ang dahas talaga nitong babaeng 'to.
Tinapos ko na ang pagtitimpla ng kape saka uminom mula roon. "Ang gulo na kasi roon sa lugar natin. Tingnan mo nga 'yang nangyari sa'yo. Saka siguro naman mas malapit ka na sa pinagtatrabahuhan mo ngayon. Kung ayaw mo sa offer ko, you're very much free to leave."
Naisip ko lang naman 'yon dahil lagi na lang siyang may nakakaaway doon sa amin. Wala namang malisya. Gusto ko lang talagang tumulong. Saka baka masaktan na naman siya ulit doon. Sabi pa naman niya, binastos siya kaya niya ginawa 'yon.
"Paano ko naman matatanggihan 'tong offer mo? Ang ganda-ganda nitong apartment mo tapos ang babait pa ng mga kasama mo rito."
Sinilip ko siya mula sa kusina habang sumisimsim ng kape sa baso. Nakahiga na siya sa may sofa habang nakatutok sa drama na nasa TV ang mga mata. Kasyang-kasya siya roon sa sofa pero kapag ako ang nahihiga, kailangan kong mamaluktot.
"Hey," pagkuha ko sa atensyon niya. "Saan ka ba talaga kasi nakatira? I mean 'yong eksakto mong bahay."
Tiningnan niya ko saka sumimangot. "Hindi ko sasabihin."
Napag-usapan namin na sa sofa na lang siya matutulog. Ang laki kasi no'n para sa kaniya. Sinabi niya sa 'kin na aalis daw siya bukas para kumuha ng ilang mga gamit. Pumayag naman ako, syempre. Pumasok na ako sa kwarto ko kahit hindi pa pala ako nakakapaghapunan.
Nagising ako dahil sa malakas kong alarm. Nakakabulahaw talaga 'yon. Sana naman hindi nagising si Sandra. Kailangan niya rin ng pahinga lalo na dahil maraming nangyari kahapon. Bumangon ako saka nagligpit ng tulugan. Lumabas ako ng kwarto matapos mag-alis ng muta. Nakakahiya kaya dahil kahit siga siya, babae pa rin 'yon.
May naamoy akong corn beef at pritong itlog. Dinala ako ng mga paa ko sa may kusina. Napangiti ako nang tumingin sa lamesa. May gisadong corn beef at pritong itlog. May transparent iyon na takip. Nakita ko pa ang note sa ibabaw ng takip.
"Good morning. Nagluto na ako ng almusal. Kumain na ako saka may bagong saing ng kanin. Iyan lang linuto ko. Sana magustuhan mo. Bumalik muna ako sa bahay para kumuha ng mga gamit. Baka nakaalis ka na pagbalik ko. Ingat ka."
Ngiting-ngiti naman ako. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kokote ko para alukin si Sandra na tumira rito. Awkward 'yon sa iba dahil nga lalaki ako tapos babae siya. Magkakaroon ng malisya sa isip ang ibang tao.
Pero hindi naman ako bastos. Hindi rin ako 'yong tipo na magte-take advantage. Mabait si Sandra. Rinerespeto ko siya. Saka pangit na nga ako magiging bastos pa ko. Ang pangit ko na lalo no'n.
Kahit pa hindi ako sanay sa presensya niya, mukhang wala namang mangyayaring masama.
Sandrei's POV
"Mamang, nandito na po ako," sabi ko pagpasok sa bar. Nakita ko agad si Mamang na palabas ng kwarto namin mula sa sulok ng bar. Isang malakas na hampas sa braso ang natanggap ko. "Aray ko naman po!"
"Hoy, Sandrei Mobano! May nagsabi sa akin na napaaway ka raw kahapon tapos may sinamahan kang lalaki. Saan ka natulog?! Anong ginawa mo kagabi?! Huwag mong sabihing sinuko mo na ang kapuri-puring lugar?!"
Napangiwi ako sa mga sinabi ni Mamang. Totoo naman na sumama ako kay Gelo. Pero wala namang nangyari sa amin. Pinaupo ko muna si Mamang. "Kalma po. Ikukuwento ko sa inyo. Saka Mamang, virgin pa rin ako. Huwag po kayong mag-alala."
Sinabi ko kay Mamang ang lahat. Pati na rin ang pagtira ko sandali sa apartment ni Gelo. Kunot na kunot ang noo ni Mamang habang nakikinig. "Ilang linggo lang po ako roon. Sasayaw pa rin naman po ako rito."
Bumuntong hininga si Mamang. "Bakit ka naman pumayag na tumira roon? Totoo naman na lagi kang napapaaway at wala tayong sariling bahay pero maayos naman tayo rito, 'di ba? Saka lalaki 'yan, Drei. Alam ko ang karakas ng mga iyan."
Umiling-iling ako. "Hindi naman po ganoon si Gelo, Mamang. Nagmamagandang-loob lang din po siya. Kung may gagawin siyang kalokohan, eh 'di sasapakin ko saka ipapapulis."
Tumaas ang isang kilay ni Mamang. "Tigil-tigilan mo ko sa pagiging basagulera mo, Drei. Sagutin mo ang tanong ko. Bakit ka pumayag na dumoon muna?"
Napayuko ako dahil wala rin akong matinong sagot. Mahihirapan akong tumakas para sumayaw dito sa bar kapag nasa apartment ako ni Gelo pero pumayag pa rin ako. Siguro kasi gusto ko siyang makasama. Wait, tangina? Tumikhim ako. "H-Hindi ko rin po alam."
Hinawakan ni Mamang ang kamay ko. "Umamin ka nga, Drei. May gusto ka ba sa lalaking 'yan? Kasi hindi ka naman sasama ng kusa kung hindi mo siya gusto."
Nagulat ako sa tanong ni Mamang saka tumawa ng peke dahil bigla akong kinabahan. "Hindi po! Ang pangit-pangit no'n, eh. Kaibigan ko lang po siya. Sige, Mamang. Kukuha lang po ako ng ilang mga damit, hehe."
Umalis muna ako para kumuha ng mga damit. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong ni Mamang. Hindi ko alam kung kinakabahan ako o natatakot. Well, nakakatakot naman talaga minsan 'yong mukha ni Gelo.
Nang makakuha na ako ng mga damit, nagpaalam na ako kay Mamang. Umoo na lang siya kaya natuwa ako. Saglit lang naman ako sa apartment ni Gelo. Ayaw ko ring makita palagi 'yong Cindy na 'yon.
Napahinto ako nang may humarang sa akin. Nagulat ako nang makita ko si Aling Merlina. Siya 'yong nanay nila Gelo at Joseph. Bakit siya nandito? Nakita niya ba kong lumabas ng bar? Patay!
Sinabihan ako ni Aling Merlina na kumain muna raw kami. Dinala niya ko sa may almusalan at linibre ng palabok.
"Drei."
Tiningnan ko si Aling Merlina habang sumusubo ng palabok. "Totoo bang madalas kayong nagkakasama ni Gelo?"
At muntik na akong mabuluunan sa tanong niya. "B-Bakit niyo po naitanong?"
Teka, hindi ba alam ng Mama ni Gelo 'yong plano niyang pagpapatira niya sa akin sa apartment niya? Gaga 'yon. Mukhang may interview pa talaga ako. Aga-aga pa, oh!
Tumikhim si Aling Merlina. "Kasi Drei, para sa akin, bagay kayo ng anak ko. Gusto ko kayo. Magjowa na ba kayo? Kasi kung oo, ayos lang sa akin!"
TinTalim
BINABASA MO ANG
Ugly Love of Us (Completed)
RomanceA man and a woman with different personalities, views in life, attitude and appearance. An ugly softie and a harsh lady. What will be the ending of this common story? Or is it really common?