Chapter 17

11 3 0
                                    

Gelo's POV

"Sarap pala rito! Bakit ngayon lang natin sinubukan? Sarap ng sisig!" bulalas ni Delilah habang pinapapak na 'yong pulutan. Pinalo tuloy ni Rinrin ang kamay niya.

Halos kalahating oras palang kami rito. Wala naman akong balak uminom. Siguro dahil sa pandidiri ko sa alak. Kahit ang tingnan lang ang mga bote ay nasusuka na ako sa hindi ko malamang dahilan. Pero may isa lang akong rason kung bakit dito ako nag-aya. Gusto kong makasiguro roon sa sinabi ni Gardo. Baka nagkakamali lang siya.

Kaswal akong nakikipagkuwentuhan sa kanila. Patikim-tikim lang din sa alak si Manager Ceriano. Halatang ayaw maglasing. Todo naman sa pag-inom sila Yuna at Rinrin. Nang tingnan ko si Cindy ay hindi niya pa rin ubos 'yong isang bote ng beer na ibinigay sa kaniya.

Luminga-linga ako sa paligid. Baka makita ko si Drei rito. Madalas siya rito noon pero kasama ang mga tropa niyang tricycle driver at ang iba pang mga siga. Kaya paano siya magiging dancer dito? Kung dancer man siya rito, matagal na sanang kumalat. Sandamakmak ba naman ang tsismosa sa lugar namin.

Biglang pumainlalang ang sexy na tugtugin. Napatingin agad ako sa stage dahil may spotlight na umilaw doon. Naramdaman kong may tumusok sa tagiliran ko. Napatingin ako kay Delilah at nakangisi siya. "Ikaw, ah. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa ganito. Kaya ito siguro ang bar na pinili ko. Suuuuus."

Sinimangutan ko siya. "Ubusin mo na lang 'yang pulutan."

Nagkibit-balikat siya kaya ibinalik ko ang mata ko sa stage. May lumabas na babae. Hindi sobrang sexy ang suot niya pero kulay pulang makinang iyon. Nagpalakpakan agad ang mga tao kasabay ng malakas na hiyawan.

Bakas sa mukha ng mga kalalakihan ang pananabik at paghanga. Narinig ko pa ang sinabi ng lalaki sa katabi naming table. "Halos linggo-linggo akong pumupunta sa bar na 'to para lang mapanood 'yang dancer na 'yan. Hanep 'yong katawan, pare. Ang laki pa ng pwetan."

Napangiwi ako sa sinabi no'ng lalaki. He is not praising her. He is sexualizing her. Kung totoo man na rito nagtatrabaho si Drei, magagalit ako. Oo, hindi ako jowa. Hindi rin ako kapamilya. Pero close na kami at kaibigan na ang turing ko sa kaniya. Kahit sinong babae ay hindi deserve makarinig ng mga ganoong salita.

Bumuntong hininga ako saka binalik ang tingin sa stage. Sumasayaw 'yong babae na nakamaskara. She's really a good dancer. Tinitigan ko siya ng mabuti. Somewhat, parang kamukha niya nga si Drei. Maybe I am just imagining things.

Sa likod ng maskara no'ng babae ay pakiramdam ko, nakatingin din siya sa akin kahit medyo malayo kami sa stage. May parte sa 'kin na gustong lumapit at hatakin siya pababa ng stage. May parte rin na nagsasabing si Drei iyon kaya kailangan ko siyang hatakin paalis dito.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang magsalubong ang mga mata namin. Ang kakaibang pakiramdam sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Drei sa tuwing magkasama kami ay parang nabuhay sa isang iglap.

Paano kung siya talaga 'yong babaeng pinatira ko sa apartment ko? Paano kung siya pala 'yong babaeng nagluto ng baon at agahan ko? Paano kung siya 'yong siga na iniiwasan ko noon? Paano kung siya nga si Drei?

Sobrang daming katanungan sa isip ko ang naputol nang may mga brasong pumulupot sa baywang ko. Napamura ako ng mahina nang makitang si Cindy pala 'yon. Pulang-pula na ang mukha niya at hindi niya na mamulat ng husto ang mga mata niya. "Cindy, w-what the hell are you doing?"

Nagsitaasan ang mga balahibo ko nang bumulong siya sa akin. "Gusto kita, Gelo," bulong niya saka humalik sa pisngi ko na mas lalo kong ikinagulat.

Kasunod no'n ang paghinto ng musika. Namatay din ang ilaw sa stage. "Damn," mahina kong usal saka inayos ang upo ni Cindy na nakatulog na sa sobrang kalasingan matapos sabihin ang mga weirdong bagay na narinig ko.

Mukhang hindi naman iyon narinig o napansin man lang ng mga kasama namin. Tumayo ako saka nagpaalam sa kanila. "Magbabanyo lang ako. Pakibantayan si Cindy, please. Lasing na kasi siya."

Hindi ko na hinintay ang tugon nila. Naglakad na ako palayo. Pilit kong hinanap ang lugar kung saan ko maaaring makita 'yong babae sa stage kanina. Hindi matatahimik ang kaluluwa ko kapag hindi ko nalaman. Nawala rin agad sa isip ko ang sinabi ni Cindy habang naglalakad.

Nakipagsiksikan ako sa mga taong nagsasayawan at nagtatawanan. May nakita akong pinto na medyo tago. Lumapit ako roon saka iyon marahang binuksan. Pumasok ako at nakita ko na may mga pinto pa. Mukhang mga kwarto. Dali-dali kong sinara ang pintong pinasukan ko.

Marahan akong naglakad. Napili ko ang isang itim na pinto. 'Yong unang dalawa kasi ay parang maraming tao sa loob.

Tinulak ko ang pinto at gumawa ng maliit na awang. Buti na lang at bumukas iyon. Sumilip ako. Agad napukaw ang mga mata ko ng babaeng may suot na makinang na kasuotan. Siya 'yon!

Binuksan ko ang pinto at marahang pumasok. Nakatalikod siya kaya siguro hindi niya ko napansin. Nagulat siya at napatili ng mahina. Siguro dahil nakita niya ako sa salamin. Humarap siya at nakamaskara pa rin pala siya.

Nanginginig ang boses niya. "B-Bawal po ang customers dito, S-Sir. Hindi rin po k-kami nag-aalok ng extra service."

Huminga ako ng malalim nang marinig ko ang boses niya. Halatang pinilit niyang ibahin ang boses niya. Araw-araw ko 'yong naririnig. Tuwing umaga. Gigising ako at maririnig ko lagi ang boses niyang nagsasabi na almusal na. Hindi ako pwedeng magkamali.  "Drei."

Lumapit ako sa kaniya at hinatak ang kamay niya. "Remove that mask," sabi ko at mahigpit na hinawakan ang magkabila niyang braso. "Remove that!"

"S-Sir, nasasaktan ako," she's still faking it. "Umalis na lang po kayo. May susunod pa kong performance. Ayaw ko po ng gulo."

"Bullshit," inis kong asik saka hinawakan ang maskara niya. "Susunod na performance? You're not going to dance here anymore!"

Nawalan kaming pareho ng balanse dahil sa sobrang pagpupumiglas niya.  Napahiga siya sa may kama habang nasa ibabaw niya ko. "Nasasaktan ako!"

Marahas kong inalis ang maskara niya at itinapon iyon sa isang tabi. Nagtagis ang mga ngipin ko saka hinawakan ang baba niya. "Why are you dancing in front of those men like a bitch?! Hindi ganiyan 'yong kilala kong Sandra!"

Nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya pero naiinis ako. Nagagalit ako. "Bakit ka ba nagagalit?! Eh ano kung nagsasayaw ako rito?! Wala ka namang pakialam! At isa pa, ginagawa ko 'to para kumita. Ganito ang buhay, Gelo. Kailangan kong hubarin lahat ng dignidad ko! Sorry, ha? Hindi kasi magkasinglaki 'yong sahod natin!"

"That's so dumb!" ganting sigaw ko. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "Hindi mo 'to dapat ginagawa! Pwede kang maghanap ng ibang trabaho! Kasama ba sa paghuhubad ng dignidad mo 'yang paghuhubad ng damit mo?!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko. "Hindi ko ginagawa 'yon! Hindi ako prostitute! Dancer lang ako! Hindi pare-pareho ang katayuan natin sa buhay. Kung maalwan ka, pasensya na pero hindi ako gano'n. Iba ang takbo ng mundo para sa 'ting dalawa kaya kung pwede lang, umalis ka na!"

Tumayo ako at tinitigan siya. "I am very disappointed in you. Drei, I expected more. You know what? Nagagalit ako kasi binabastos ka nila! Sa mga tingin nila, sa mga salita nila. Pero kagaya ng sinabi mo, magkaiba ang takbo ng buhay para sa 'tin. I just didn't expect you to stoop so low."

Puno ng iritasyon, galit, at inis ang puso ko. Mas pinili kong tumalikod at umalis na lang doon. Bumalik ako sa table namin at pinilit na kumalma.

Gelo, bakit ang tagal mo?" tanong ni Delilah. "Akala namin umuwi ka na."

Inalalayan ko si Cindy sa pagtayo. "I'm going home. Isasabay ko na si Cindy. Parehong building lang ang apartment namin."

Nagtataka man ang mga mukha nila ay nagsitanguan na lang nang umoo si Manager Ceriano. Sinama ko sa paglabas ng bar si Cindy. Pinasakay ko siya sa likod ko nang nasa labas na kami.

Bumuntong hininga ako. Nagagalit pa rin ako. Kailangan ko lang umalis. Baka hindi ko na makaya kung mapapanood ko pa ulit si Drei na pinagpipyestahan doon. Naaasiwa ako. Naiinis ako. Nawawalan ako ng gana.

Ang lahat ng inis ko ay napalitan ng gulat nang magsalita si Cindy. Mukhang nagising siya habang naglalakad ako.

"Gusto talaga kita, Gelo."

TinTalim

Ugly Love of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon