Chapter 15

15 3 0
                                    

Gelo's POV

Naghahanda na ako ngayong gabi dahil bukas na ang presentation ko sa meeting. Kabado ako pero ayos lang. Nagtataka lang ako nitong mga nakaraang araw. Lagi kasing wala si Drei tuwing umaga. Pero wala rin daw siya palagi tuwing gabi. Ngayong araw naman, nagising ako na nagluluto na siya ng almusal. Mukha naman siyang normal pero hindi ko maiwasang mabagabag.

May sinabi kasi sa akin si Gardo noong nakaraan. Parang kahawig daw ni Drei 'yong dancer doon sa malapit na bar. Ayaw ko namang maniwala. Hindi ko lubos maisip na sasayaw sa bar si Drei. Baka uminom siya roon imbes na sumaway. Hindi rin naman sigurado si Gardo dahil nakamaskara raw 'yong dancer na tinutukoy niya.

"Tapos ka na bang magbihis?" tanong ni Drei mula sa labas ng kwarto ko. Kanina pa pala siya kumakatok. Lumilipad kasi ang isip ko.

"Oo, tapos na," tugon ko matapos iayos ang damit ko. Alas nuwebe pa naman ang simula ng meeting. Okay lang daw na ma-late ako. Magta-taxi rin ako papasok. Nakakahiya naman kasing maglakad habang nakasuot ng formal attire.

Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko pa si Drei na nakasuot ng apron habang nag-aayos ng mga pagkain sa lamesa. Iba-iba ang linuto niya. "Halika na rito. Kumain ka na para sapat ang lakas mo mamaya."

"Ang dami mo namang niluto," sabi ko saka umupo sa kahoy na bangko. "Hanggang hapunan na yata 'yan."

Ngumiti siya saka ipinakita sa akin ang Tupperware na may lamang kanin at ulam. "Ipinaghanda na rin kita ng baon mo. Ngayon lang 'to kasi may presentation ka ngayong araw. Pero kapag wala na, wala na rin 'to. Free trial lang."

Natawa ako. "Ang sarap mo pa namang magluto. Dapat hindi ka sa mall magtrabaho. Why don't you try applying on a restaurant? You'll have more money there. Siguradong pag-aagawan ka pa dahil sa sarap mong magluto. Kung karinderia ang gusto mo, papatok 'yon."

Umupo siya sa harap ko saka ako pinagsandok ng kanin. "Ang dami mong sinasabi. I-save mo 'yan para sa presentation mo mamaya. Baka ubos na laway mo kapag nandoon ka na."

Nagsimula na kaming kumain. Saka ko lang naisipang magtanong. "Drei, sa mall ka pa rin ba nagtatrabaho?"

Agad siyang tumingin sa akin. Nakita ko pa ang paglunok niya. "O-Oo."

Tumango ako. "Pero bakit sa gabi ka laging wala? May night shift na ba sa gabi? May iba ka pa bang trabaho?"

Sumubo siya saka uminom ng kape. "Meron pero hindi ko muna sasabihin. Disente naman 'yon saka hindi ako mato-trouble. Huwag mo na kong alalahanin. Ayos lang naman ako saka masaya ako sa trabaho ko.

Tinitigan ko siya ng maigi. Pilit siyang umiiwas ng tingin. Siguro naman kung may iba pa siyang trabaho, hindi naman pagsasayaw sa bar. Alam kong hindi masamang maging dancer doon as long as walang nangyayaring pagbebenta ng laman. Pero babae pa rin siya. Sa kahit sinong babae, hindi bagay na pagpiyestahan ng mata ng mga tao.

Hindi ko na siya kinulit. Kumain na lang din ako dahil mag-aalas otso na. Nagpahinaw muna ako ng kinain saka nag-practice ng ipe-present ko sa loob ng kwarto. Maya-maya, may kumatok sa pinto. "Gelo, pwedeng pumasok?"

Binuksan ko ang pinto. Nakita kong nakabihis na siya. "Aalis ka?"

Tumango siya saka ngumiti. "Good luck sa presentation mo mamaya, ah? Huwag kang magpapakabog. Alam kong pangit ka pero alam kong kayang-kaya mo rin 'yan. Huwag ka lang kakabahan masyado."

Nginitian ko rin siya. "Oo na. Masarap ang almusal ko kaya siguradong kakayanin ko 'to. Ingat ka saka baka ma-late rin ako ng uwi. Baka mag-party kami mamaya ng workmates ko."

Tumango siya at tinapik ang balikat ko. Hinatid ko lang siya hanggang sa may pintuan saka sinara ang pinto. Bumuntong hininga ako saka tumingala. Nagsisimula na kasi akong kabahan. Nagda-doubt na ako kung kaya ko ba 'to. Pero nandito na, eh. Kailangan kong galingan para hindi ko mabigo ang workmates ko. At syempre, para hindi naman ako mapahiya.

Ugly Love of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon