Gelo's POV
Habang tumatagal, nasasanay na ko sa bago kong tinutuluyan. Madalas kong i-chat si Mama para malaman kung kumusta na sila ni Joseph. Okay naman daw sila at sa pagkakaalam ko, nabawasan na ang panonood ni Mama ng mga drama.
Nagsusuklay ako sa harap ng salamin at ang pangit ko pala talaga. May bago na naman akong pimples. Walang katapusang cycle ng sandamakmak na pimples. Mawawala 'yong isa tapos mapapalitan ng tatlo. Minsan naiisip ko ng mag-ipon para naman makabisita ako sa dermatologist.
Nagsuot na ako ng sapatos saka kinuha ang bag ko na ang laman lang bukod sa payong at cellphone ay ang baon ko. Kahapon nag-grocery ako at pinuno ko 'yong ref. Nag-stock din ako ng instant noodles para kung sakaling tinatamad akong magluto ay may makakakain ako.
Sa bago kong tinutuluyan, mas masarap ang tulog ko. Siguro kasi walang tensyon hindi kagaya sa bahay noon. Iba rin sa pakiramdam kapag may sarili ka ng tirahan. Kahit siguro magpalakad-lakad ka ng nakahubad ay okay lang tutal iyo naman iyon. Saka proud ako sa sarili ko dahil may sarili na kong apartment.
Nag-check muna ako ng mga saksakan pati na ang tangke ng gas. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako nang makita si Cindy doon. Kakatok na siguro siya pero sakto namang binuksan ko na ang pinto. Ngumiti ako. "Good morning, Cindy."
"G-Good morning din."
Sabay kaming naglakad pababa. Sabay din kaming papasok. Ewan ko pero mukhang naiilang sa akin si Cindy. Dahil ba pangit ako? Siguro nga. Aaminin ko, ang ganda-ganda niya. Kahit sa unang tingin palang ay pwede ng conclusion iyon. Maganda talaga siya.
Habang sabay kaming bumababa ng hagdan ay naaamoy ko ang pabango niya. Iyon din ang parehong pabango na palagi kong naaamoy sa kaniya. Naalala ko tuloy noong pauwi na ko noon tapos bigla siyang lumapit. Kahit buong araw kami sa trabaho ay ang bango-bango niya pa rin. Babaeng-babae kumbaga.
"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kaniya. Hindi sobrang payat si Cindy. Hindi rin mataba o chubby. Sakto lang ang katawan niya. Malakas kaya siyang kumain?
"Oo."
Hindi ko na alam kung anong bagay pa ang pwedeng itanong kaya nanahimik na lang ako. Ang tahimik niya nga talaga. Nagpaalam kami kay Aling Tessy. Inaya pa nga kaming kumain pero parehas kaming tumanggi. Baka ma-late kasi kami. Makuwento pa naman si Aling Tessy. Baka matagalan kami bago makaalis kapag nagsimula na siyang magkuwento.
Kagaya ng lagi kong ginagawa, naglakad lang ako papasok. Ang kaibahan lang ay may kasama ako ngayon. Hindi kami nag-uusap habang naglalakad. Wala rin akong maisip na sasabihin dahil ang seryoso ng mukha niya.
Nakarating kami sa Supreme Industry ng hindi nag-uusap. Pumasok kami ng hindi nag-uusap. Dumating din kami sa opisina ng hindi nag-uusap. Tahimik naman ako pero mukhang talo ako sa kaniya. Hindi ko kayang hindi magsalita kapag may kasama akong kilala ko naman. Siguro naiilang siya dahil pangit ako o kaya ayaw niya kong kausapin dahil pangit ako. Iyon lang 'yon. Pero sana naman maging close kami kapag tumagal na. Maganda rin kasi kung close ko lahat ng kasama ko sa opisina para walang issue tungkol sa pagpapakitang-tao.
"Good morning, Manager Ceriano," bati ko kay Manager na as usual ay maaga na namang pumasok. Hindi niya yata alam ang salitang day off. Minsan nandito pa rin siya kahit day off niya kagaya na lang ngayong araw. Ang idadahilan niya lang kapag nandito siya kahit day off niya ay nagtatrabaho siya para sa mga anak niya.
"Good morning to the both of you," Tumaas ang isa niyang kilay. "Bakit magkasabay kayo ni Cindy? Are you two dating?"
"H-Hindi po!" mabilis na tugon ni Cindy. "Magkasabay po kaming pumasok pero wala pong kahit anong namamagitan sa amin na kagaya ng iniisip ninyo."
Sinulyapan ko ang mukha ni Cindy. Hiyang-hiya siguro siya. Namumula kasi ang mga pisngi niya. Kahit sino naman ay mahihiya kung sa akin ipa-partner, 'di ba? Kagaya nga ng sinabi ko noon, magaganda silang lahat.
Dali-daling pumunta si Cindy sa table niya. Gano'n na rin ang ginawa ko. Buti na lang at dumating na ang mga kasama namin pagkatapos iyon sabihin ni Manager. Siguradong mang-aasar sila kung narinig nila 'yon. Nahihiya na rin tuloy ako kay Cindy. Siguro hindi na lang ako sasabay sa kaniya mamaya para hindi na siya mailang.
Cindy's POV
Hindi man lang ako makatingin kay Gelo. Nakakahiya! Hindi ko rin alam kung paano siya kakausapin kanina. Nag-panic na ako kaya hindi na lang ako umimik pero gusto ko talaga siyang kausapin. Gusto kong malaman ang mga tungkol sa kaniya. Marami akong tanong pero biglang naglaho ang mg iyon. Bakit ba ako nagkakaganito?!
Hanggang sa lunch time ay nag-i-space out ako. Ilang beses tuloy akong nagkamali. If I will try talking to Gelo, what should I say? Alam kong sinusubukan niyang mag-open kanina ng topic pero hindi ko alam kung paano tutugon. Hindi rin tuloy ako masyadong makapag-focus sa trabaho. This is insane!
Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumayo na si Gelo habang dala-dala ang baon niya. Gusto ko siyang sundan. Baka naman pwedeng sabay kaming mag-lunch. Nagawa na namin 'yon dati pero kasama namin sila Delilah. Bigla kasi silang dumating.
"Oy, Cindy," Nasa tapat ko na pala si Rinrin nang magsalita siya. "May something ba sa inyo ni Gelo?"
Kinabahan naman ako. Paanong something? Hindi ako sigurado kung ano bang dapat na isagot pero doon ako sa pinaka ligtas. "Wala."
Umismid siya. "Sus, I don't believe you. You were trying to approach and talk to him, right? May gusto ka ba sa kaniya?"
Napayuko ako dahil sa tanong niya. Gusto? Maybe, I like him. Magaling siya sa trabaho at mabait naman talaga siya. Maganda ang personality at magaling din. He is very considerate and caring to other people. I like his deeds.
"Siguro?" I answered hesitantly.
Biglang lumapit si Delilah at Yuna. "Chika mo sa amin. Baka makatulong kami kahit pa paano," sabi ni Delilah. "Office romance is not prohibited here. Saka tingin ko ang sweet no'n."
Ngumiti si Yuna. "Pareho kayong tahimik at mabait ni Gelo. Tingin ko bagay kayong dalawa. Kaya kung gusto mo siya, why not? He is a good man."
Naguguluhan ako sa sinasabi nila pero napilitan na akong tumango. Clueless ako pero at the same time, curious din sa kung anong sasabihin nila. Baka may matutuhan ako. Baka rin may masabi sila na makakatulong sa akin.
Gelo's POV
"Salamat, Ate Sheryl," sabi ko sa CPA namin. "Uuwi na po ako."
Kakatapos ko lang makipag-usap sa kaniya tungkol sa binigay kong financial report. Next week daw ay may meeting para sa lahat ng accountant. Sabi ni Ate Sheryl ay ako na raw ang maging representative ng mga staff accountants. Ipapaalam niya na lang daw ako kay Manager Ceriano. Hindi ko alam kung bakit ako pero ngayon palang ay kabado na ako.
Nang makabalik ako sa opisina, si Manager Ceriano na lang ang nandoon. Late na rin kasi. 30 minutes ago pa ang uwian namin kaso napahaba ang usapan namin ni Ate Sheryl. Kinuha ko lang ang mga gamit ko saka nagpaalam. Buti naman at nakaalis na 'yong iba. Lalo na si Cindy. Baka mailang ulit siya.
Naramdaman kong may kumalabit sa akin kaya napalingon ako sa likuran ko. Nagulat ako nang makita roon si Cindy. "Gelo, ang tagal mo naman. Tara, sabay na tayong umuwi."
Naguguluhan pa rin ako kahit sabay na kaming naglalakad pauwi ni Cindy. Nakangiti siya habang nagkukuwento ng tungkol sa pagtira niya roon sa may apartment. Masigla siya kaya masigasig din akong nakikinig at tumutugon.
"Noong unang salta palang ako roon, kinakabahan ako," natatawa niyang sabi. "May malaking lalaki kasi na nakatira roon noon na ang pangalan ay Bogart. Siga siya at lasinggero pero mabait naman pala. Linigtas niya ko noon nang muntik akong mabastos habang pauwi ako."
Nakangiti akong nakikinig sa mga kuwento niya pero naramdaman kong parang may pares ng mga matang nakatingin sa amin o baka sa akin lang.
Hinanap ko kung saan iyon galing. Parang namalik-mata ako dahil sa tapat ng building ay parang nakita ko si Sandra na nakasimangot. Nang malingat lang ako ay wala na agad siya. Guni-guni lang ba 'yon?
Sinabihan ko siyang pwedeng bumisita pero siya kaya talaga iyon o nagiilusyon na naman ako?
TinTalim
BINABASA MO ANG
Ugly Love of Us (Completed)
RomanceA man and a woman with different personalities, views in life, attitude and appearance. An ugly softie and a harsh lady. What will be the ending of this common story? Or is it really common?