Gelo's POV"Pumasada ka ba ngayong araw?" tanong ko sa kaniya.
Hindi kami close ni Sandra. Mas gusto ko lang talaga siyang tawaging Sandra at mas gusto niya kong tawaging pangit kaysa sa maganda kong pangalan. Hindi kami magkaibigan. Magkakilala siguro.
"Syempre pumasada. Wala sana akong fishball ngayon kung inaya na naman akong mag-pusoy ng mga tsismosa niyong kapitbahay."
"Dapat huwag ka ng magsugal," sabi ko. "Be money wise. Huwag mo ng dalhin sa sugal 'yong kaunting kinikita mo."
"Ganiyan ba talaga kapag accountant?" natatawa niyang tanong. "In born na yata 'to. Noong sanggol yata ako, pinapadede ako ng nanay ko habang nasa bingguhan siya."
Si Sandra o Drei na kausap ko ngayon, laging laman ng mga tsismisan nina Aling Marta at Aling Julie na kapitbahay lang namin. Mga notorious silang tsismosa. Madalas silang napapatawag sa mga barangay dahil sa mga maling balita na ipinapakalat nila. Tsinismis nga nila noon ang kapatid kong si Joseph na nakabuntis daw.
Ang lagi kong naririnig na tsismis nila kay Sandra ay lumayas daw sa bahay nila dahil parehong lulong sa alak at sa iligal na droga ang mga magulang niya. Taga-Quezon daw talaga siya pero napadpad dito sa Mindoro.
"Uuwi na ako," paalam ko. "Salamat sa fishball."
Tinalikuran ko na siya saka naglakad pauwi. Ayaw kong masyadong mapalapit sa kaniya dahil kursunada siya ng ilang mga tambay dito sa amin. Iyong mga tambay na tulak din.
"Ma, nandito na po ako," bati ko nang pumasok na ko sa loob ng bahay namin. Natagpuan ko si Nanay na nakaupo sa mahabang bangko na gawa sa kawayan habang tutok na tutok sa cellphone niya.
Siguradong wala pa ang kapatid ko. Alam kong gumagala pa 'yon bago umuwi. Huwag lang talaga siyang uuwi na lasing o kaya may dalang buntis na babae kundi sasapakin ko talaga siya.
Nagmano ako kay Mama. "Anong ulam, Ma?"
"Bumili ka na lang muna ng lutong ulam, 'nak. May pinapanood pa ako, oh. Bagong BL series galing sa Thailand. Nagsaing naman na ako."
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa tugon ni Mama. Totoo namang nagsaing na siya pero ang labsa ng kanin. "Ma, undercooked po 'yong kanin."
"Bili ka na lang muna kaya sa Jollibee?" suhestiyon ni Mama. "Parang reward na rin sa kapatid mo dahil mataas ang grades niya noong huli nilang sem."
"Ma, I already bought him a new phone," I sighed. "Pero sige, bibili na lang po muna ako sa fast food."
Pumasok na lang ako sa kwarto namin ng kapatid ko. Pareho ng kwarto pero magkahiwalay ng kama. Bumili ako ng isa pang kama at ako ang gumagamit no'ng luma. Nagbihis lang ako saka naghilamos ng mukha bago lumabas ng bahay.
Minsan gusto ko na ring kausapin si Mama dahil babad na siya masyado sa kakanood ng mga drama. Halos siya na lang ang nakakaubos ng load sa Wi-Fi. Pero ang iniisip ko, baka gusto lang namang mag-relax dahil kagaya nga ng sabi niya noon, hindi niya 'yon naranasan noong kabataan niya.
Naglakad na ako papunta sa pinaka malapit na branch ng Jollibee. Bumili lang ako roon ng tatlong burger, tatlong chicken and rice, tatlong spaghetti, at dalawang sundae. Ayaw naman kasi no'n ni Mama kaya hindi ko na lang siya binilhan. Dumiretso na lang ako ng uwi at nakita ko si Mama na nanonood pa rin.
Pinatong ko na lang sa lamesa ang ilang pagkain. Linagay ko sa maliit naming ref ang dalawang sundae. Napansin kong lagpas ala sais na pala ng gabi. Binalikan ko si Mama sa sala. "Ma, nag-text na po ba sa inyo si Joseph kung pauwi na siya?"
"Nako, hindi na nagte-text iyon," tugon ni Mama. "Ang paalam sa akin kanina, gagawa raw sila ng thesis. Pinayagan ko na lang kahit hindi kapani-paniwala."
"Ma, naman." Napahilot na lang ako sa sentido ko. "Hihintayin ko na lang po siya sa may paradahan ng jeep."
Muli na naman akong lumabas ng bahay kahit gutom na gutom na ako. Sandwich pa pa lang ang kinain ko kanina. Baka mahimatay na ko rito sa gutom. Gusto ko na ring mahiga pero may tatapusin pa nga pala ako.
"Panget!" Nakita ko si Sandra na tumatakbo palapit sa akin. Tinatangay ng hangin ang mga hibla ng buhok niya na lumusot mula sa sumbrerong suot niya. Umaalon din ang malaking damit na suot niya habang tumatakbo siya.
Kumunot lang ang noo ko nang huminto siya sa harap ko. "Bakit ka ba tumatakbo? At hindi mo kailangang ipagsigawan na pangit ako."
Huminga muna siya at ginamit na pamaypay sa mukha niya ang kamay niya. "Nandoon si Joseph sa tapat ng bahay nila Ella. Sinapak ni Poncho 'yong kapatid mo!"
"Ano? Paano naman mapupunta roon ang kapatid ko?! He supposed to be with his group mates and doing his thesis!"
Hinaltak niya ang braso ko kaya binilisan ko na rin ang lakad. "Mamaya ka na magalit. Baka umuwi 'yong kapatid mo na basag na ang bungo!"
"Ano?!" Napahilamos na lang ako sa mukha ko habang naglalakad ng mabilis. "Bakit ako ang tinawag mo imbes na mga tanod? Ano namang laban ko kay Poncho?!"
Nakarating na kami sa iskinita kung na saan ang bahay nila Ella. Nakababatang kapatid ni Poncho si Ella. At hindi ko alam kung anong maligno ang pumasok sa utak ng kapatid ko.
Nakita kong nagkakagulo ang mga tao sa tapat ng mataas na bahay. Ang daming mga tsismosa rito. Pati yata mga lasinggero, napahinto sa pag-inom.
"Gusto ko ngang ligawan si Ella!" sigaw ng isang pamilyar na boses. "Wala naman akong balak na masama sa kaniya! Hindi mo ko kailangang suntukin!"
Nakipagsiksikan na kami ni Sandra sa tumpok ng mga tao. Narinig ko pa ang mahinang pagmumura ni Sandra nang masiko siya sa mukha no'ng isang lalaki. "Tangina, konting respeto naman sa hindi katangkaran."
"Umalis ka na rito! Nakakahiyang idikit sa pamilya mo ang kapatid ko! Lalo na sa kuya mo!" rinig kong sabi ng isang malalim na boses. "Umuwi ka na lang sa inyo at magtago sa palda ng nanay mo!"
"Joseph!" sigaw ko sa kapatid ko nang makalusot na ko sa dami ng mga tao. Namamaga na ang kanan niyang pisngi at nakahawak na siya sa ilong niya. "Uuwi na tayo."
Pinandilatan pa talaga ako ng sarili kong kapatid. "Anong ginagawa mo rito, kuya?"Tiningnan ko si Poncho at nakangisi lang siya. "Pasensya na sa abala. Aalis na lang kami para wala ng gulo."
Hinatak ko na ang kapatid ko palayo. Wala akong pakialam kung nakakaladkad ko na siya. Gusto ko na lang umuwi at magpahinga. Pagod na nga ako sa trabaho, ganito pa talaga ang uuwian ko.
"Bitawan mo ko, kuya!" Nagpupumiglas pa rin siya pero mahigpit ang hawak ko sa braso niya. "Kuya!"
Binitawan ko lang siya nang nasa tapat na kami ng bahay. "Ano? Masaya ka na bang nasuntok ka? Napahiya ka? Tangina naman, Joseph! Hahanap ka pa talaga ng kaaway!"
Sumimangot lang siya nang husto. "Alam mo, dahil lahat 'to sa'yo! Bakit kasi ang pangit mo kuya?! Gusto ko si Ella! Gustong-gusto ko pero ayaw nila sa 'kin dahil sa'yo!"
Napatawa ako nang pagak habang nakasunod lang ng tingin sa kapatid ko habang papasok siya sa loob ng bahay. Nakakatawa namang pakinggan. Kayang-kaya akong itakwil ng kapatid ko para sa babae lang. Parang noong nakaraan ay grabe pa siya kung maglambing.
Haha, nabibigay ko naman 'yong pangngailangan nila ni Mama. Halos ibigay ko na lahat. Pero bakit issue pa rin 'yong mukha ko? Bakit ang pangit-pangit ko?
TinTalim
BINABASA MO ANG
Ugly Love of Us (Completed)
RomanceA man and a woman with different personalities, views in life, attitude and appearance. An ugly softie and a harsh lady. What will be the ending of this common story? Or is it really common?