Chapter 1

40 4 0
                                    

Gelo's POV

"Gelo, kunin mo na 'tong ipapasa sa CPA," sabi ng supervisor. Kinuha ko na agad ang files na inaabot niya.

I am Anghelito Ocampo. Gelo is just my nickname. I am a Staff Accountant. Gumagawa ng financial reports at nag-aanalisa ng financial data. Kailangan ko ring mag-report palagi sa CPA. Araw-araw akong nakaharap sa computer, sa mga numero, at sa Microsoft word o kaya excel para gumawa ng financial reports.

I am working at Supreme Industry. Pinaka malaking industriya sa Asya sa kasalukuyan. Malaki naman ang sahod ko pero mas malaki ang gastos araw-araw. Sa tuition pa lang ng kapatid kong si Joseph, nangangalahati na agad ang sahod ko. Isabay pa ang pagkahilig ni Mama sa panonood ng Thai dramas. Kailangan laging may load ang Wi-Fi.

Pero ayaw ko namang may masabi ang mga tao na ang ganda ng trabaho ko, kumpleto kami sa mga gadgets, at laging nag-o-online shopping tapos laging tumutulo ang bubong. Nang magkatrabaho na kasi ako, na-spoil ko na masyado ang pamilya ko. Siguro dahil bata pa lang ako, padre de pamilya na ang turing ko sa sarili ko.

"Magandang umaga, Ate Sheryl," bati ko sa CPA namin matapos kong buksan ang pinto ng opisina niya. Natural na matalas na naman ang guhit ng eyeliner sa mata niya. Makapal na naman ang lipstick niyang pula at mataas na naman ang pusod ng buhok niya.

"Iyan na ba ang bagong reports?" Nakataas pa ang kilay niya nang magtanong. "Wala bang mali riyan? Aba, i-triple check niyo muna bago ipasa. Hirap na hirap akong mag-edit palagi dahil mali-mali ang gawa ng iba sa inyo. Sobrang gagaling sa Math pero sa 1+1 pa madalas magkamali."

Masungit siya palagi. Parang babaeng nasa menopausal period na kahit dalawang taon lang naman ang tanda niya sa 'kin. Gusto niya, perpekto lahat. Siya kasi ang napapagalitan sa meetings kapag may nagkakamali sa accounting team.

"Hindi naman po ito galing sa accounting team," Lumakad ako palapit sa mesa niya. "Galing 'to kay Supervisor Kim."

Tumaas agad ang isa niyang kilay. "Doon sa poging half-korean supervisor sa accounting at design team na may malalaking braso? Iyong matangkad, malaki ang dibdib, makinis, at nag-order ng caramel macchiato sa Starbucks na supervisor?"

Tumango lang ako kahit natatawa ako sa ekspresyon niya. "Iyon nga."

Kinuha niya agad 'yong dala kong folder saka tiningnan ang bawat pahina. Nagtataas-baba ang mga mata niya habang ini-scan niya ang folder. Nagtaka ako dahil linapit niya iyon sa mukha niya saka sininghot-singhot. "Amoy pabango ng lalaki. Tingin mo, anong pabango niya?"

"Aalis na nga ako," Lumakad na ako papunta sa pinto. "Huwag mong singhutin 'yan ng sobra, Ate She."

Tinaasan niya ko ng kilay."By the way, parang pumuputi ka ngayon, Gelo."

I faked my laugh. "Thanks for the compliment."

Umalis na ako dahil baka may pang-asar na naman sa 'kin si Ate Sheryl. Mabait naman siya. Hindi nga lang palagi. Sanay na ako sa gano'n dahil halos lahat naman dito sa opisina ay gano'n sa akin.

Alam ko namang maitim ako, hindi makinis, puro tigyawat, walang fashion sense, at walang jowa. But, I don't need to impress them with my looks. Gagawin ko lang ang trabaho ko and I am done. I don't care if I am ugly. I have a good job, I can eat three times a day, my family can pay the bills, and I am not in a toxic relationship with someone else. It's all about the success, not about the face.

Pumunta na muna ako sa pantry para kunin ang iniwan kong sandwich doon. Binati ko kaagad ang tinatawag na mayordoma ng pantry. "Goof morning, Ate Yen."

"Good morning din, Gelo," ngumiti siya saka inabot sa akin ang plastic wear kung saan nakalagay ang tatlong sandwich na baon ko. Kukunin ko na dahil si Mama pa mismo ang naghanda nito. Saka may iba na kumukuha nito kahit halos itapal ko na buong pangalan ko sa buong lagayan.

"Salamat po," tugon ko. Dinala ko na iyon sa opisina namin thirty minutes before our lunch break. Para hindi ko na rin kailangan bumaba mamaya. Buti pa 'yong iba nakakaalis sila sa mga opisina nila kapag lunch break.

"Sandwich mo 'yan, Gelo?" tanong ni Rinrin, isa sa mga staff accountant na ka-opisina ko rin. Matakaw siya pero payatot. Nguya nang nguya tuwing nagtatrabaho. "Pahingi naman."

"Ayaw ko," Umupo na ako sa harap ng computer ko. "Kumakain ka pa nga tapos nanghihingi ka na naman.

"Nagugutom pa ako," Ipinakita niya sa akin ang plastic ng junk foods na naubos na niya kahit limang oras pa lang kaming nagtatrabaho. May five hours pa pala na natitira. "Kahit kalahati lang no'ng isang sandwich."

Kinuha ko ang isang sandwich at hinati iyon sa dalawa. Inabot ko ang kalahati sa kaniya. "Iyan na. Okay ka na?"

"Sungit. Ituturo ko na lang skin care routine ko sa'yo sa susunod."

Bumuntong hininga na lang ako matapos marinig iyon. Buti pa siya kahit kain nang kain ng junk foods, hindi man lang tinutubuan ng tigyawat. Samantalang ako kahit natutulog ako ng maaga, nagpapayong kapag mainit, nagpupunas lagi ng pawis, umiinom ng maraming tubig, at palaging naghihilamos, matigyawat pa rin ako.

"Gelo, pakigawa na ang financial report para sa araw na ito. The deadline of the weekly financial report is on Friday. Tapusin mo agad. Ikaw lang naman mapagkakatiwalaan ko rito," sabi ni Manager Ceriano, manager ng accounting team namin. "I need it polished and in great condition."

"Opo, Ma'am," sagot ko. "By tomorrow, nasa desk niyo na po ang weekly financial report."

She is Manager Miranda Ceriano. She is already married with two kids. Halos sampung taon na raw siya sa Supreme Industry. Konti na lang pwede na siyang ma-promote. Actually, hinahabol siya ng maraming promotion pero siya naman ang tumatanggi. Mas gusto niya raw na manager lang dahil konti ang obligasyon pero malaki pa rin ang sahod. Practicality.

Nagsimula na akong magtipa nang magtipa habang kumakain ng sandwich ko. Lima kaming mga staff accountant tapos si Manager Ceriano. Ako lang ang lalaki sa opisina at nahihiya talaga ako sa kanila. Ang gaganda nila. Makikinis at maraming nagkakagusto. Para akong duming nasama sa mga rosas.

Si Staff Accountant Yuna Jiang ang pinaka bata. Maingay siya pero tahimik kapag nagtatrabaho. Si Staff Accountant Rinalia Monroe o Rinrin ang pinaka gutumin. Si Staff Accountant Delilah Monday na party goer pero absent ngayon. And lastly, si Assistant Manager Cindy Mendez na isa ring Staff Accountant pero siya ang masasabing tahimik talaga. Dinaig pa ako.

Tumunog na ang alarm ni Yuna. Lagi talaga siyang may alarm for 5pm. Sumigaw pa siya. "Uwian na!"

"Save your files and make sure that you put it in the right folders. Titingnan ko iyan bago ako umuwi," sabi ni Manager Ceriano. "And Rinrin, please contact Staff Accountant Delilah Monday. Make sure that she will explain to me tomorrow why she's absent."

"Yes, Ma'am," sagot ni Rinrin.

Tumayo si Assistant Manager Mendez at lumapit sa akin. "Uuwi ka na?"

Kahit nagtataka ay tumango ako. "Bakit?"

"Wala lang," sabi niya saka diretsong lumabas ng opisina matapos magpaalam kay manager. Ang weird naman niya. Syempre uuwi na ako. May iba pa ba akong pupuntahan?

"Uwi na po ako, Manager Ceriano," paalam ko. "Ingat po kayo."

Nagpaalam na rin ako sa ibang kasama ko saka lumabas ng opisina. Naglakad na ako palabas sa mataas na gusali kung saan ako nagtatrabaho. Tapos na ang araw pero may tatapusin pa kong report.

Naglakad lang ako pauwi. Papasok pa lang ako sa lugar namin ay nakita ko na ang pamilyar na pigura ng isang babae. Kumakain siya ng fishball habang nakasandal sa tricycle.

Lalagpasan ko na lang sana siya pero tinawag niya ako. "Oy, panget!"

Sumimangot ako. "Ano? Mang-aasar ka na naman?"

Sumabay siya sa paglalakad ko. "Huwag ka ngang sumimangot. Ang pangit mo lalo."

Magsasalita pa sana ako pero biglang may pumasok sa bibig ko. Napanguya na lang ako nang malasahan ko ang fishball sa loob ng bibig ko.

"Sarap, 'no?" ngumisi siya. "Salamat pala sa bente. Nakapag-almusal ako kanina dahil sa'yo."

TinTalim

Ugly Love of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon