Chapter 16

14 3 0
                                    

Cindy's POV

Pumunta ako sa floor kung saan daw ang meeting. Doon nag-present si Gelo. Malamang tapos na 'yon ngayon. Lunch time na rin kasi. Patakaran pa naman dito na hindi pwedeng tumagal ng lagpas dalawang oras ang mga meeting kung hindi naman tungkol sa problema.

Umupo na lang muna ako sa nakita kong red sofa na may katabing water refilling station. Ganito kasosyal kapag nasa higher floors. Pero maganda naman ang buong building. Sobrang taas nga lang. Kapag sumilip ako sa labas, masusuka ako.

Napatayo agad ako nang makita ang mga executives na sunod-sunod na lumalabas. Syempre kailangan ko silang batiin kung gusto ko pa ng maayos na trabaho hanggang gusto ko. Sino ba namang may ayaw dito? Halos lahat ng college accounting students ay target itong Supreme Industry. Swertihan kung makakapasok.

I overheard what an excutive said. Medyo matanda na ang itsura niya at may mga hibla na ng uban sa buhok. "I really like the presenter today than last month. He is a smooth talker. His name is Gelo, right? I wish he could represent the accounting team next month."

Napangiti ako. Mukhang nagpasikat talaga si Gelo, ah. What do you expect from Anghelito Ocampo? Always expect the best performance from a not so good face, hihi. Pero, bakit wala pa si Gelo? Kung ngayon lang natapos ang meeting, ang tagal naman.

Luminga-linga ako sa paligid. Puro naka-formal attire ang mga nakikita ko. Kailangan ko tuloy bumati sa kanilang lahat. Kung lahat sila ay nanood sa presentation ni Gelo, kinabahan kaya siya? Kung ako siguro 'yon, mangangatog ang tuhod ko sa kaba.

"Cindy," I turned around and he smiled. "Why are you here? Kanina ka pa ba? Ngayon lang natapos kasi dalawang magkasunod na meeting pala 'yon. Pinag-stay pa ako roon sa pangalawang meeting. Ewan ko kung bakit pero umoo na lang ako."

"Congrats," Tinapik ko ang balikat niya saka siya binigyan ng thumbs up. "I know you did a good job. Ang ganda ng comments sa'yo no'ng mga tao kanina. Sana naman magtaas sila ng sahod."

Napakamot lang siya sa batok niya. "Kinakabahan nga ako kanina. Less than ten minutes lang 'yong presentation ko pero para kong nasa research defense. Grabe kung gisahin 'yong presentation ko. Pero masaya pa rin ako dahil satisfied sila kahit pa pangit ako."

Sumimangot ako. "It"s just your face, you know. Actually, you have a gentle aura. Hindi mo na kailangan ng gwapong mukha. Everyone can tell that you're a good man kapag kinausap ka nila. Being handsome is just a plus factor. It's not a necessity in life."

Ngumiti siya saka umakbay sa akin. Nagulat ako pero napangiti rin agad. "Nice statement, Assistant Manager Cindy Mendez. You're quite a smooth talker yourself."

Pinupuri ko siya habang nasa elevator kami. Kahit naman kasi hindi ako nakanood ng performance niya sa presentation, pupurihin ko pa rin siya. He prepared for days. He sacrificed his sleep. Pinagsasabay niya ang daily jobs at ang paghahanda sa presentation. Tapos ngayon, kinaya niya lahat ng pressure. Kinaya niyang humarap sa maraming tao. Gelo is one of a kind.

"Gelo," pagtawag ko sa kaniya. "You're a very amazing person. All your efforts are worth it."

Masaya ako para sa kaniya. Meeting a guy like him is a blessing. Masaya ako palagi kapag kasama ko siya. Ang gaan-gaan sa pakiramdam. Ang aliwalas lagi ng mukha niya tapos ang bango-bango pa. He is very passionate and kind. He is also rational and confident. Sino bang hindi magkakagusto sa kaniya? Kasi ako, mukhang nagkakagusto na.

Gelo's POV

"Oh! Gelo my boy!" Nakita ko si Ate Sheryl matapos bumukas ang elevator na sinasakyan namin ni Cindy. Malawak ang ngiti niya sa labi. "Nakaabot sa akin ang magandang balita! Mukhang gustong-gusto ka ng executives. Pati ng board of directors. Good job! Good job!"

Yinakap pa ako ni Ate Sheryl. Tumatawa akong yumakap din sa kaniya. "Salamat po. Nakatulong sa akin 'yong mga files na binigay mo."

Tinapik niya ang likod ko at ngiting-ngiti na humarap sa akin. "You're free to take a day off tomorrow. Mag-celebrate ka dahil ginawa mo ang best mo at ginalingan mo."

Tumango-tango ako saka muling nagpasalamat. Ang bait talaga ni Ate Sheryl. Nagpatuloy kami ni Cindy sa pagpunta sa opisina. Malakas na palakpakan ang sumalubong sa amin.

"Good job, Gelo. You went higher than my expectations," Manager Ceriano smiled proudly. "Dahil diyan, magpa-party tayo mamaya! My treat!"

Nagsigawan naman sila Delilah. "Pak na pak naman pala ang performance mo, Gelo. Deserve 'yan ng inuman!"

Natawa ako. "Hindi naman ako umiinom, Delilah."

Nagtaas ng kamay si Rinrin. "Kami iinom! Since tuwang-tuwa kami sa resulta ng presentation mo. May ambag din kami riyan. Tama ba, Yuna?"

Tumayo si Yuna at nagtaas ng kamay. "Yes! Deserve namin makaubos ng beer, sisig, adobong paa ng manok, at bowls ng nachos!"

Nagtaas ng isang kilay si Manager Ceriano. "Oo na. Kasama na kayo. Huwag lang kayong aastang wasted doon at maghahanap ng gwapo. Iiwan ko talaga kayo. For now, let's work and later, we're going to celebrate and eat a lot."

Umupo na ako sa pwesto ko. Dito na lang ako kakain. Tinatamad na kong pumunta sa may pantry. May baon din naman ako. Syempre kasi pinaghanda ako ni Drei. Kinuha ko sa maliit na bag ang dalawang magkapatong na Tupperware. May lamang mga rice balls 'yong unang lagayan habang apat na cheese sandwiches naman doon sa kabila.

Ewan ko pero mas lalo akong sumasaya kapag natitikman ko ang luto ni Drei. Parang may happy pills na nakalagay doon. Bukod sa masarap, ang creative niya pa.

Nag-text ako kay Mama na naging maganda ang presentation ko. Sinabi ko rin na uuwi ako sa bahay bukas. Miss ko na rin kasi sila. Pero mas maganda siguro kung isasama ko si Drei.

Sandrei's POV

"Mamang, huling sayaw ko na po ngayong gabi. Marunong naman na po 'yong mga bagong dancers. Maghahanap na rin po ako ng ibang trabaho agad para makatulong pa rin ako sa inyo."

Ngumiti si Mamang. "Mabuti 'yang desisyon mo, hija. Kay laki nga ng pasasalamat ko sa'yo dahil sa ilang linggo mong pagsasayaw ay trumiple ang kita ng bar. Pero ayaw ko namang ito lang ang gawin mo. Alam kong may iba ka pang kayang gawin."

Pumikit ako dahil linalagyan ni Mamang ng make-up ang mata ko. Hindi talaga ko matuto-tuto ng ganito. Kung hindi lagpas, makapal masyado ang nalalagay ko. Inayusan niya rin ako ng buhok. Ginawang medyo kulot ang buhok ko.

"Anak," pagtawag sa akin ni Mamang habang inaayos niya naman ang kilay ko. "Boyfriend mo na ba 'yong Gelo? Ang tagal mo na ring nakatira roon sa apartment niya. Baka bukas makalawa, uldot na 'yang tiyan mo."

Nagulat ako sa sinabi ni Mamang. "Hindi po ako magkakagusto roon. Saka hindi ko siya type. Workaholic po iyon na payatot pero patay-gutom."

Natawa ako nang kilitiin ni Mamang ng tagiliran ko. "Sus! Eh bakit madalas mong ikuwento sa akin?"

Napakagat ako sa labi ko saka sumagot. "Para lang po may ma-topic tayo."

Inirapan lang ako ni Mamang. Pinasuot niya na sa akin ang outfit ko. Kulay pula iyon at makinang. Ang pang-itaas na suot ko ay may ribbon sa may balikat. Mukha namang short shorts lang ang suot ko na pang-ibaba. Mas okay na 'to kaysa roon sa ibang dancer. Panty na lang talaga at bra.

Pumwesto na ako sa gilid ng stage. Bumukas ang spotlight kasabay ng mapang-akit na tugtog. Lumabas na rin ako at nagsimulang sumayaw. Lumilinga-linga ako sa paligid. Nagulat ako nang makita si Gelo sa isang table. May kasama siyang mga babae.

Shit! Bakit siya nandito?!

Nag-focus ako sa pagsasayaw habang ang mga mata ko ay nakapako sa kaniya. Buti na lang at may maskara ako. Kumabog ang dibdib ko ko nang magtama ang paningin namin. Sunod-sunod ang paglunok ko. Makikilala niya kaya ako?

Patapos na ang tugtog para sa unang sayaw. Halos nanginginig ang mga tuhod ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang babaeng yumakap kay Gelo. May binulong pa sa tainga niya saka siya hinalikan sa pisngi.

Si Cindy iyon.

TinTalim

Ugly Love of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon