Chapter 20

17 3 0
                                    

Cindy's POV

"Ano ba 'yong gusto mong pag-usapan?" tanong ko kay Gelo. Unang araw ngayon ng day off ko tapos inaya niya ko sa isang coffee shop. Medyo nahihiya pa ako sa kaniya dahil siya ang nag-uwi sa akin no'ng nalasing ako. Baka may magawa akong hindi maganda.

Humigop muna siya ng kape bago tumingin sa akin. "Noong gabing sabay tayong umuwi dahil lasing ka, may sinabi ka sa akin na pakiramdam ko hindi mo naman talaga sasabihin kung hindi ka lasing."

Napatitig ako sa kaniya. Ano naman kayang sinabi ko? God! I swear, I hate alcohol! "A-Ano ba 'yong nasabi ko? Kung nakakahiya man 'yon, humihingi na agad ako ng tawad. Hindi kasi ako sanay na malasing saka kung iinom ako, ako lang mag—"

"You said that you like me," he said before I can even finish my sentence. "Magtataka sana ako o kaya'y magsasawalang bahala kaso sinabi mo ang pangalan ko no'n. Is that true?"

I blushed in realization. Sinabi ko 'yon? What the fuck! Isang beses lang akong nalasing tapos may gano'n na? Jusko, Cindy! Huwag ka na talagang iinom ulit. Pero bago ko pagalitan ang sarili ko, kailangan ko ng sabihin sa kaniya ang totoo.

"I do like you," I smiled. "As a co-worker, a friend, and a person. But not romantically. Hindi 'yong gusto kita at gusto kitang maging jowa. I guess, crush kita. You're always doing your best and you can communicate to people in your own way. I like you a lot."

Ngumiti siya. "Didn't expect that someone as beautiful as you will have a crush on me, Miss Cindy Mendez. Quite a surprise but I am happy now that everything's clear. I also like you as a person. Kakaiba ka rin kasi."

Sabay kaming kumain ng cake matapos ang medyo maintrigang usapin. Pero may isa pang bagay na gusto kong itanong sa kaniya. "Gelo, may nagugustuhan ka ba ngayon? I mean, 'yong pagkagusto na someday gusto mo siyang maging girlfriend, gano'n."

Ngumiti siya ng matamis saka tumingin sa labas ng bintana. "Meron. Pero ayaw ko siyang biglain. I want her to be more comfortable with me first then I am going to pursue and court her."

Gelo's POV

Puno ng contentment ang damdamin ko nang makauwi na sa apartment ko. Kakagaling ko lang sa isang coffee shop. Inaya ko si Cindy para makipag-usap at para malinawaan ako sa sinabi niya last time. Masaya ako sa mga sinabi niya.

Nang magkaayos kami ni Drei, bumalik na siya sa apartment ko. Nagpaalam na rin ako ng maayos sa Mamang niya. That was just two days ago. Parang nag-aaway palang kami tapos bati na agad.

Nalaman ko na naging friends pala ni Mama ang Mamang ni Drei nang malaman niya na tumitira sa apartment ko si Drei. Nagtatampo pa nga si Mama dahil kay Joseph niya pa raw nalaman. Hindi ko alam kung paano nalaman ng kapatid ko pero ang importante, maayos na ang lahat. I am contented.

Umalis kaninang umaga si Drei para maghanap ng trabaho. Tinulungan ko siya kagabi sa paggawa ng resumé niya. Natatawa pa ko kahapon habang nagpapa-picture siya. She was frowning the whole time.

Currently, we're friends. But I know, I want more than this and I just realized that two days ago. I am a hypocrite if I am going to lie to myself. But I am going to take everything easy. I want to savor every moment with her. Damn it. Kung kailan matanda na ko, saka pa ko kinilig ng ganito.

Nagbihis na lang muna ako saka naglinis ng buong apartment. Nasa kwarto ko na ang mga damit ni Drei pero syempre sa may sala na muna siya. Friends pa nga lang kami kaya hindi pa pwede.

I cooked dinner when the clock strikes to 16:00. Maya-maya ay parating na si Drei. Nagluto ako ng may sabaw para mainitan ang tiyan niya. Naligo na rin muna ako. Bahing ako nang bahing dahil sa dami ng alikabok sa ilalim ng sofa. Ang tagal na palang hindi nalilinis no'n.

Nanood muna ako ng balita sa TV habang hinihintay si Drei. Inip na inip na ako. Pabalik-balik ang tingin ko sa orasan at sa pinto. Ang tagal niya naman kasing dumating. Lalamig na ang pagkain. Malulusdak 'yon kapag ininit ulit.

Napatayo agad ako nang bumukas ang pinto. "Kapagod! Buwisit na mga restaurant 'yon, tatawagan na lang daw ako. Alam ko na 'yong ganoong modus. Hindi naman talaga sila tatawag."

Pumasok si Drei na nakasimangot. Sinalubong ko siya at kinuha ang bag niya. "Magbihis ka na agad para maghahapunan na tayo."

"Nagluto ka?" Tumaas ang kilay niya. "Dapat masarap 'yon, ah."

Tumawa lang ako saka siya tinulak papasok sa banyo. Nakahanda na roon ang mga damit niya. Sana ganito palagi. Masaya ako ngayon. Parang sa loob ng ilang araw ay nakakaramdam ako ng iba't-ibang emosyon. Inis, galit, gulat, lungkot, kilig, at, saya. Pero wala akong pagsisisi. I don't have any regrets about meeting a girl like Sandrei Mobano.

(After 5 months)

Sandrei's POV

"Bilisan mo na, Gelo!" sigaw ko rito sa pangit na 'to. Aalis kasi kami papuntang simbahan. Aba'y ngayon lang kami makakapagsimba ng magkasama. Ilang buwan na kong nakikitira sa kaniya tapos hindi pa rin kami nakakapagsimba.

Nagbago na ang buhay ko. Iba na rin ang trabaho ko. Isa na akong cook sa restaurant. Isang linggong job hunting tapos may tumanggap na rin sa 'kin. Nakakainis kasi 'tong height ko. Ang hirap maghanap ng trabaho kapag pandak.

Ka-close ko na ang pamilya ni Gelo. Mababait sila. Tinanggap nila ako agad. Pumayag din ang Mama niya na dito muna ako sa apartment niya. Syempre, hati kami sa renta. Alangan namang palamunin ako ni Gelo rito.

Nakita kong palabas na siya ng kwarto. Nakaputing polo siya at dark blue na jeans. Naamoy ko kaagad ang pabango niya na regalo ko noong una kong sahod. Ewan ko kung bakit hindi niya pa rin ubos.

Sumimangot siya. "Saglit lang naman. Ba't ka ba nagmamadali? Hindi naman tatakbo ang simbahan. Inaantok pa nga ako, oh."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kasalanan ko bang napuyat ka kakanood ng teleserye sa TV? Huwag ka ngang makupad. Iiwan talaga kita."

Nagsuot na siya ng sapatos. Nagulat ako nang yakapin niya ko. Nitong mga nakaraang araw, nagiging ganito na siya. Sweet ba ang tawag sa ganito? Tangina, paano ko malalaman. Ni magka-boyfriend nga ay wala akong kaalam-alam. Baka naman ganito talaga siya. Ngayon niya lang pinapakita kasi mas close na kami.

"Huwag mo ko iiwan. Hindi kita makikitang nakasuot ng dress sa simbahan," bulong niya.

Napasimangot ako lalo. Binilhan niya kasi ako ng puting dress noong nakaraang buwan. Pinilit niya kong suotin 'to ngayon. Naaasiwa nga ako. "Bilisan na natin. Pupuntahan pa natin si Mamang pagkatapos ng misa."

Hindi niya day off ngayon pero nag-leave siya dahil sabi ko nga magsisimba kami. Birthday din ngayon ni Mamang kaya kailangan naming pumunta. Syempre ang pangit na 'to, gumawa ng paraan.

"Drei?"

"Hmm?"

Humiwalay siya sa yakap saka tinitigan ako ng maigi. "Gusto kita."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Gago! Ano ba 'yang sinasabi mo?!"

Bago pa ko makaangal ay hinawakan niya na ang baba ko saka linapit ang mukha siya sa mukha ko. "Ang tagal ko ng gustong umamin. Ilang buwan na kong naghintay para rito. Sandra, gusto kita. Gustong-gusto."

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay na maglapat ang mga labi namin.

Napamulat lang ako nang may narinig akong sumigaw. "Okay, cut! Good take Gelo and Drei. Balik na kayo sa dressing room ninyo. Magpahinga muna kayo dahil may next scene pa mamaya."

At sa isang iglap lang, bumalik na ulit ako sa reyalidad.

TinTalim

Ugly Love of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon