Chapter 8

12 3 0
                                    

Gelo's POV

I am inside my room. Thinking deeply while calming myself down. Sinabi lang naman ng kapatid ko kung anong kagaguhan ang ginawa niya. That's bullshit. Having sex at his age is inappropriate. Sabihin pang 20 na siya pero nag-aaral siya. If women are very conservative about sex, ang mga lalaki rin dapat. Iyon ang pinaniniwalaan ko na hindi ko pwedeng idikdik sa kapatid ko. I am also a man but I never experienced sexual intimacy with anyone else. Ni hindi ko pa nga naranasang manligaw. I am naive.

Pero ano nga bang magagawa ko? I just stared at him just a while ago and went inside our room. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong mangialam sa kalandian ng kapatid ko. He is already a young adult. Ang mga desisyon niya ang magpapahirap o kaya magpapaalwan sa kaniya. I guess wala naman talaga akong papel doon.

Tumayo ako nang may ideya nang pumasok sa isip ko. I am disappointed about him but I need to accept what already happened. It's in the past now. Mababago ko pa ba 'yon? Kung sisigaw ako, magagalit, at mag-eeskandalo, hindi na ba mangyayari 'yon? Hindi, kasi tapos na.

Kinuha ko ang malaki kong bag. Isinilid ko roon lahat ng damit ko pati na rin ang iba kong gamit. Linagay ko sa isang case ang mga gadgets at electronic devices ko. Bukas ay saktong day off ko. At bukas din, aalis na ko rito. Bubukod na ako. I am old enough to rent my own apartment. Dapat nga matagal ko na 'yong ginawa. Ang tanda-tanda ko na pero pakiramdam ko hindi pa rin ako independent. And I also want to lessen the stress. Hindi naman ibig sabihin na bubukod ako tapos papabayaan ko na ang pamilya ko. Gusto ko lang na umalis dito sa bahay.

Iginilid ko na muna ang mga gamit ko. Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Mama na umiinom ng kape sa may kusina. Tulog naman ang kapatid ko habang nakahiga sa may sala. Lumapit ako kay Mama at umupo sa harap niya. "Ma, may sasabihin po ako."

Tiningnan ako ni Mama saka siya ngumiti. "Alam kong nagagalit ka sa kapatid mo ngayon. Nagulat din ako nang malaman ko. Nahirapan pa kong kumbinsihin siya na umamin. Sana naman mapatawad mo siya, anak."

"I am not mad," I smiled bitterly. "But I am going to move out, Mama. Bukas po maghahanap na ako ng malilipatan. This is not about Joseph, Mama. Gusto ko lang po talagang bumukod dahil matanda na rin ako masyado. Iyong nangyari kay Joseph, kahit hindi ko nalaman, bubukod pa rin po ako. Saka tingin ko po, privacy na rin niya iyon."

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Mama. Lungkot na nakikita ko lang kapag nagbi-break 'yong mga BL couple na paborito niya o kaya kapag namamatay 'yong bida sa pinapanood niya. Ayaw ko siyang malungkot pero sigurado na ako.

"Bakit ka pa aalis, anak? Malaki naman itong bahay natin. Saka ano naman kung matanda ka na? Kung nagbabalak ka ng mag-asawa, ayos lang 'yon. Pwede naman kayong dito tumira. Nasanay na akong magkakasama tayo. Bakit ngayon ka pa aalis?"

Nginitian ko lang si Mama. "Gusto ko pong maging independent. May apartment building naman po na malapit sa opisina. Sa pagkakaalam ko, may bakante pa roon. Kung wala na, makakahanap din naman po ako siguro agad. Papadalhan ko na lang po kayo ng panggastos ninyo kada dalawang linggo. Saka wala nga po akong girlfriend. Paano naman po ako magbabalak na mag-asawa?"

Napahigop si Mama sa kape niya. "Nabigla ako sa desisyon mo, anak. Pero kung iyan talaga ang gusto mo, wala akong magagawa."

Hinawakan ko ang kamay ni Mama. "Bibisitahin ko po kayo palagi. Tatawagan ko rin po kayo. Alagaan niyo po ang sarili niyo, ha? Huwag nood nang nood hanggang madaling araw."

Natawa si Mama. "Kung makapagsalita ka naman, anak. Pakiramdam ko ay mangingbang bansa ka na. Oh siya, matulog ka na para maaga kang makapaghanap ng malilipatan. Doon ka sa mura lang pero maayos. Gusto mo bang samahan kita?"

Tumayo ako saka yinakap si Mama. "Magiging maayos lang po ako. Kaya ko pong maghanap ng mag-isa. Saka bukas pa po iyon," Humalik ako sa pisngi ni Mama. "Good night po. Matulog na rin po kayo."

Sandrei's POV

Pagod na pagod na ako sa kakasayaw. Ilang araw pa lang pero nahihirapan na ako. Kagabi, may lalaki pang gustong mambastos sa 'kin. Sinapak ko nga. Nagkagulo tuloy sa bar. Hindi naman nagalit si Mamang. Hinampas niya pa ng upuan 'yong lalaki. Baka kumonti tuloy ang mga customer namin. Ang galing-galing kong sumayaw tapos nanununtok naman pala ako.

Naglalakad lang ako ngayon sa gilid ng kalsada. Trip ko lang maggala. Nabuburyo ako sa loob ng bar. Nakita ko si Gelo na naglalakad din. Nakapagtataka dahil ang dami niyang dala. Magbabakasyon ba siya?

Tumakbo agad ako palapit sa kaniya. "Oyyyy! Pangeeeet!"

Lumingon siya sa 'kin saka kumunot ang noo. "Ano?"

Sinilip ko ang malaking backpack na dala niya pati na ang isang case. "Bakit ang dami mong dala? May pupuntahan ka? Saan naman? Pwedeng sumama?"

"Maghahanap ako ng apartment na pwedeng tuluyan," Sabay na kaming naglakad. "Naisip kong bumukod na."

Tumango-tango ako. "Aalis ka na pala rito? Samahan kitang maghanap. Wala naman akong gagawin ngayon."

Kumunot lalo ang noo niya. "Sabi mo may bago ka ng trabaho, 'di ba? Day off mo rin ngayon?"

Kinakabahan akong tumango at mukhang hindi naman siya naghihinala. Bakit ko ba kasi sinabing sa mall ako nagtatrabaho? Hindi ko naman kasi masabing sa bar ako nagtatrabaho. Nakakahiya rin ang trabaho ko, 'no. Pero gusto kong tumulong kay Mamang kaya nilunok ko na lahat ng hiya sa katawan ko.

Sinamahan ko nga siyang maghanap ng matutuluyan. Naglakad lang kami. Buti naman at maulap ang panahon. Okay lang kahit maglakad. Hindi pa maalinsangan ang panahon. Kada apartment building ay tinitingnan namin. May ibang building na halos uugod-ugod na pero 'yong renta akala mo gawa na sa ginto 'yong kwarto.

"Ang hirap namang maghanap ng matutuluyan," reklamo ko. "Ang papangit no'ng iba. Sobrang mahal naman no'ng iba. Mga mandurugas."

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Ba't ka kasi sumama? Dapat nagpaiwan ka na lang. Hindi mo naman ako kailangang samahan all the way. Makakahanap din ako."

Hindi ko siya pinansin dahil may nakita akong building na may nakalagay na 'room for rent'. Tinuro ko kaagad iyon kahit nasa kabilang kalsada lang naman. "Iyon, oh! May isa pa roon! Tingnan natin!"

Tumawid na kami sa kalsada. May tatlong palapag 'yong building. Saktong ilang minutong lakad lang 'yon mula sa trabaho niya. Nadaanan kasi namin kanina 'yong lugar kung saan siya nagtatrabaho. May nakita kaming medyo matabang babae na nagwawalis sa harap no'ng building. Nasa 40 or 50 plus na siguro ang edad nito.

Si Gelo ang lumapit doon sa babae. "Magandang araw po. May bakante pa po ba kayong kwarto?"

Lumiwanag 'yong mukha ng babae saka ngumiti. "Meron pa, hijo. Medyo mahal ang renta pero siguradong sulit naman," Tumingin sa akin 'yong babae. "Ay, magkasama kayo? Magjowa o mag-asawa?"

Sabay kaming nagkatinginan. Naiilang akong ngumiti. "Hindi po. Sinamahan ko lang po siyang maghanap ng matutuluyan. Hindi po ako kasama sa rerenta."

Si Gelo naman ang nagsalita. Halata ko ring naiilang siya. "Titingnan ko na po 'yong kwarto."

Sumama pa rin ako kahit umakyat na sila sa ikatlong palapag. Sementado maging ang hagdan. Mukhang matibay naman ito kaysa sa mga nauna naming nakita. Huminto kami sa harap ng isang puting pinto. "Hijo, limang libo ang renta kada buwan. Kasama na roon ang kuryente't tubig. Sulit na sulit."

Tumabi ako kay Gelo. Kapag nasa likod niya kasi ako. Nahaharangan niya ko. Ang tangkad kasi. At ngayon ko lang napansin, payat siya pero ang lapad pala ng balikat niya. Parang ang sarap pisilin. Wait, what?! Ano ba 'yong naisip ko?

"Sandra," napatingin ako kay Gelo. "Pwede ka ng umuwi. Baka naiistorbo na kita."

Sumimangot ako. "Eh 'di uuwi!"

Nagmartsa ako palabas sa lugar na 'yon. Wala naman akong gagawin kaya ako sumama. Ayaw niya ba kong kasama? Gusto ko rin kayang makita 'yong loob. Saka gusto kong malaman kung saan siya lilipat at kung bakit niya pa kailangang umalis.

TinTalim

Ugly Love of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon