Sandrei's POV
"Ang galing mo, 'nak!" bungad sa akin ni Mamang. Tuwang-tuwa siya sa naging performance. Unang gabi kong sumayaw sa bar. Natagalan din kasi ng ilang araw ang pagpapatahi ng mga isusuot ko. At kagaya nga ng inaasahan, sexy but conservative pa rin dapat sabi ni Mamang.
Huling linggo na ngayon sa bar no'ng mga dating dancers. Hindi sila nagreklamo o nagalit kay Mamang. Ilang taon din daw kasi sila sa bar at talagang maganda ang pasahod. Dito pa nga sa bar nakahanap ng aasawahin 'yong iba.
Naiilang ako habang sumasayaw kanina. Ang daming nakatingin sa akin. Nahihiya ako noong una hanggang sa nasanay na ako noong nasa pangatlong sayaw na ako. Pakiramdam ko kanina, nakahubad ako kahit may suot naman akong damit. Tuwang-tuwa sa akin ang mga manonood. Ang iingay nila. Ngayon ko lang sila narinig na mag-ingay ng gano'n. Hindi ko alam kung maaasiwa ako o matutuwa.
May isa lang na bumabagabag sa akin kanina. Parang nakita ko sa bar 'yong kapatid ni Gelo. Hindi ako sigurado. Kamukha niya kasi talaga pero medyo madilim doon sa bar. Saka noong pangalawang sayaw ko na, nawala na siya roon sa puwesto niya. Pero ang huli kong nakita ay may kahalikan itong babae. Girlfriend siguro pero noong nakaraan lang ay nag-eeskandalo ito sa harap ng bahay nila Ella. Sigurado ako na hindi si Ella 'yon dahil matangkad at mas mukhang matanda 'yong babae. Tangina, ang tunog tsismosa ko naman.
"Anak, bakit ang tahimik mo?" untag sa akin ni Mamang. "Kung ayaw mo ng sumayaw ulit, ayos lang naman sa akin iyon. Isang gabi ka pa lang sumayaw pero dumoble na ang kita nitong bar. Pero kung hindi ka komportable sa ganito, pwedeng huwag ka ng umulit."
Nginitian ko si Mamang saka siya yinakap. "Huwag po kayong mag-alala sa akin. Ayos lang po ako. Saka sabi niyo nga po, dumoble ang kita ng bar. Mabenta pa rin po ako kahit hindi malaki ang hinaharap ko."
"Anak," Yinakap ako ni Mamang saka hinalikan sa noo. "Hindi mo dapat ginagawa 'to. Hindi ka naman ganito, eh. Pasensya ka na kung kailangan mo pang gawin 'to. Hindi naman magtatagal ito, anak. Kapag nakahanap ako ng mga bagong dancer, pwede ka ng huminto."
Hindi na ako sumagot kay Mamang dahil linipad na rin sa kung saan ang isipan ko. Nagpaalam na lang ako kay Mamang na maliligo na muna bago matulog. Alas dos na ng madaling araw pero hindi ko man lang maapuhap ang antok. Gusto ko munang mahimasmasan.
Gelo's POV
Kinukusot ko pa ang aking mata nang bumangon ako ng alas kwatro ng madaling araw. Ganitong oras na ko gumigising araw-araw.
Nagligpit muna ako ng tulugan saka sumulyap sa katabi kong kama. Bakante iyon. Hindi umuwi ang kapatid ko kagabi. Ang sabi ni Mama ay nag-overnight daw ito sa bahay ng kaibigan nito para tapusin ang thesis. Tanginang thesis. Napakagandang dahilan para hindi umuwi.
Hindi ako tanga. Dumaan din ako sa pagiging college student. May mga estudyante na ibinubuhos ang puso't kaluluwa nila sa thesis na 'yan. Pero mas maraming ginagamit lang iyon na dahilan para makapaggala at makapag-lamyerda sa kung saan-saan. Ginagamit pang dahilan 'yon ng iba para makapag-date sila ng mga jowa nila. Noong college ako at may partner ako sa thesis, ako lang gumawa ng lahat tapos nalaman ko na lang na 'yong mahinhin kong ka-partner sa thesis na ang ambag lang ay meryenda kong pancit canton ay iyon, buntis na kaya huminto sa pag-aaral noon.
Hindi lingid sa kaalaman ko na baka may ginagawa ng kabulastugan ang kapatid ko. Ayaw ko lang siyang sitahin. Nasa hustong gulang na siya. Bente anyos na siya. Hindi na siya high school student na kailangang bantayan palagi. Alam niya na dapat kung ano ang tama sa mali. Nag-aalala ako, oo. Ayaw ko lang talagang makialam. Baka may masabi na naman kasi siya.
Lumabas ako ng kwarto saka pumunta sa kusina. Ako na ang nagsimulang maghanda ng almusal dahil mukhang tulog na tulog pa si Mama. Napuyat na naman siguro ito sa kakanood ng mga drama. Naabutan ko pang bukas 'yong Wi-Fi sa may sala. Ayaw ko ring ubligahin si Mama na gumising ng maaga para lang maghanda ng almusal dahil mas maaga na akong umaalis. Sobrang aga ko palagi sa work. Kulang na lang gawin kong sideline ang pagiging security guard doon.
BINABASA MO ANG
Ugly Love of Us (Completed)
RomanceA man and a woman with different personalities, views in life, attitude and appearance. An ugly softie and a harsh lady. What will be the ending of this common story? Or is it really common?